01

141 9 3
                                    

HARUKO AKAGI

PARANG NABALOT NG PAGKAILANG ang buong paligid,halos pareho kami ni Rukawa na ni hindi makalingom sa isa't isa ngayon,parang pareho kaming nailang dahil sa mga titig ng mga taong nakapaligid sa amin, ang buong team.

"ATTENTION EVERYONE."

Naagaw ni Miss Haidy ang atensyon ng lahat dahil sa nangingibabaw ang boses nya sa buong party at lahat naman kami ay napadako ang tingin sa stage.

"THANK YOU SA INYONG LAHAT NA NARIRITO NGAYON, I WAS VERY HAPPY TONIGHT."-masayang sabi ni Miss Haidy, maya-maya'y namataan ko nang lumalakad si Hana papunta kay Miss Haidy dala-dala ang cake na may candle, pagkatapos nun ay nag-awitan na nga ang lahat para kay Miss Haidy,mukhang malapit talaga sa isa't-isa si Hana at si Miss Haidy, para si Hana pa ang maghatid ng cake na may candle at habang nag-aawitan ang lahat ay kung saan-saan naman tumatakbo ang isipan ko,kaya naman nakakatwang nagawa ko pang makasabay sa pagkanta ng lahat at maging masaya habang sa iba naman naglalayag ang isipan ko.

Natatawa ako sa sarili ko.

Natatawa ako pag naiisip ko kung bakit ba kusang naipagkukumpara ko ang sarili ko kay Hana.

Samantalang sa una palang.

Alam ko nang wala akong laban sa kanya.

Hindi ko kasi mapigilang isipin kung hanggang ngayon ba wala parin akong puwang para kay Rukawa?

Wala sa sariling napangiti ako habang nakatingin sa masayang si Miss Haidy habang nakapikit ito at nag wish bago tuluyang hinipan ang candle,pagkatapos ay masayang nagpalakpakan ang lahat.

"OKAYYYYY,ENJOY THE NIGHT!"-masayang sabi ni Miss Haidy na ikinatuwa naman ng lahat saka bumalik sa kaninang akto ang lahat.

Agad kong naibaling ang paningin ko sa wine na nasa harapan ko at pinagmasdan ito sa di ko malamang dahilan at habang walang nakatingin sa akin ay mabilis kong ininom ito, habang abala pa silang lahat.

"Oh,Enjoy the night daw,CHEERS!!"-maya-maya ay sabi ni miagi at sumang-ayon naman ang lahat.

KASALUKUYAN kong inuubos ang pagkain na nasa platong kaharap ko nang bigla akong mapatigil dahil sa parang narinig ko ang pangalan ko at nanggaling iyon sa taong nasa tabi ko kaya naman agad akong napalingon dito.Laking gulat ko nang ibaling din niya sa akin ang kaniyang paningin at nagtama ang mga mata namin sa isa't-isa.Kahit na kulay gabi ang paligid ay kitang-kita ko ang pagkasinsero ng titig niya sa akin ngayon kaya naman hindi ko na halos makurap ang ang aking mga mata dahil sa pagtitig sa kanyang mga mata.

"PWEDI BA KITANG MAKAUSAP?"

Maya-maya'y tanong ni Rukawa habang hindi parin inaalis ang titig sa mga mata ko.Para akong narindi dahil sa lakas ng tibok ng puso ko sa mga oras na ito at nagpaulit-ulit ang mga sinabi ni Rukawa sa isipan ko na para bang nablanko na ito at iyon lamang ang tanging natatandaan.

Pwedi ba kitang makausap?

Pwedi ba kitang makausap?

Pwedi ba kitang makausap?

PWEDI BA KITANG MAKAUSAP?

Bakit??

Ano kayang dahilan???

"HELLO EVERYONE."

Napatigil sa pagtakbo ang isipan ko nang mangingibabaw ang isang pamilyar na boses sa panrinig ko at sa wakas ay naikurap ko ang mga mata ko kaya naman natinag rin ang pagkakatitig namin ni Rukawa sa isa't-isa pagkatapos nun ay napalingon naman ako sa pinanggalingan ng pamilyar na boses, ang stage, at doon ay nalaman kong tama nga ang hula ko,nakatayo sya kaharap ang mikropono habang may hawak na gitara.

NO OTHER THAN YOU  2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon