SEQUEL

150 9 4
                                    

Birthday Party
Saturday

HARUKO AKAGI

"TALAGA BANG AYOS LANG 'TONG SUOT KO?"- may pagdududang tanong ko sa sarili habang nakaharap sa salamin.

Ngayong araw gaganapin ang Birthday Party ni Miss Haidy at hindi ko talaga masabi kung angkop na ba ang susuotin kong ito para sa party.

Matapos ang ilang segundo ay narinig ko na rin ang pagkatok ng kuya ko sa pinto.

Bagay kaya sakin 'to?

Bagay kaya sakin 'to?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Haruko, tara na."- narinig kong sabi ni Kuya "Heto naaaa" sagot ko at dali-dali kong hinagilap ang bag ko at huling pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin bago tuluyang lumabas ng aking kwarto at doon naman ay nakita ko na si kuyang mukhang kanina pa naghihintay sa akin.

Masyado ba' kong napatagal???

ISANG ENGRANDE AT HINDI TRADISYUNAL na party ang inabutan namin ni Kuya ng makarating na kami sa venue na nakalagay sa Invitation Card.

Agad na lumibot ang aking paningin at napagtanto ko na may ilang dumalo na hindi ko kilala, siguro ay mga kaibigan sila ni Miss Haidy na galing pa sa States.

Tamang tama rin pala ang suot ko dahil Black ang theme ng party kahit na ito ay isang BIRTHDAY PARTY, kakaiba talaga ang taste ni Miss Haidy, buong akala ko pa naman ay magkukulay pula ang lahat.

"Oh nandito na pala kayo."- agad natinag ang paglibot ng mga mata ko ng marinig ko ang boses ni Kogure.

"Akagi, dito tayo."-kumakaway na sabi nito at doon nga ay nakita ko si kogure na nakapwesto na sa isang pabilog na table kasama ang buong team.

"Ang tagal nyo naman, ang akala namin ay hindi na kayo pupunta."-natatawang sabi ni Mitsuhi bago uminom sa hawak hawak na wine glass.

"Eto kasing si Haruko."-maikling sagot ni Kuya at tila napahiya naman ako ng lumipat sakin ang paningin ng lahat,bago kami tuluyang naupo ni Kuya sa mga natitirang  bakante na upuan.

"Hello Haruko"-napalingon ako ng marinig ko ang malambing na boses ni Angelina habang akbay ng kabilang braso ni Sakuragi habang si Sakuragi naman auly abala naman sa pakikipagkwentuhan kay Yasuda isang matamis na ngiti lang naman ang isinagot ko kay Angelina bago muling lumibot ang aking paningin upang hanapin ang isang tao na parang kanina pa kusang hinahanap ng mga mata ko.

Rukawa.

Mula ng matanggap ko ang Invitation Card na si Rukawa mismo ang nag-abot sakin hanggang ngayon ay hindi ko malimutan ang dating ng titig nya sakin noon.

NO OTHER THAN YOU  2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon