04

155 7 8
                                    

KAEDE RUKAWA

"END OF PRACTICE!"

MALAKAS na sigaw ni Akagi nang matapos na namin ang dalawang oras na pag-eensayo para sa darating na Winter Tournament.Hindi na namin Captain si Akagi,pero sya parin ang sumusubaybay sa Team. Kakaiba rin ano?

Kanya-kanyang takbuhan na agad sa klase ang ilan sa amin na pinangunahan ni Mitsui na akala mo naman ay nag-aaral nang mabuti.

"Oh pano ba yan?..mauna na' ko sa inyo ah..goodbye!"-pagpapaalam nito saka kumaripas ng takbo na sinundan narin ng lahat at dahil late na naman ako dumating kanina mukhang mop na naman ang kasunod na hahawakan ko.

Hayyyy...

Pambihira.

Sabagay hindi naman ako nag-iisa.

May kasama naman ako.

Maingay nga lang.

"HOY! Rukawa bilisan mo naman dyan para matapos na tayo!!"- utos ng unggoy na may pulang buhok na kasama ko.

Hayyyyyyy...

KASALUKUYANG nagpapaalam ang aming guro nang makarating na ako sa classroom namin,masyadong seryoso ang lahat kaya naman wala na kong ibang ginawa kundi ang dumiretso sa upuan ko at matulog.
Nagbabalak na sana ako matulog nang biglang mangibabaw sa buong classroom ang boses ni Sayura kaya naman naantala ang pagtulog ko at napaangat ng tingin sa unahan.Doon ay nakita ko si Sayura na isinusulat sa blackboard ang KOMPLETONG PANGALAN KO???

"I NOMIMATED KAEDE RUKAWA, FOR OUR REPRESENTATIVE ESCORT!"

Masayang sabi ni Sayura na sinundan naman ng pag-sang ayon ng lahat.

Huh???

"No need to nominate else, mukhang majority naman ang kinalabasan."-naiiling na sabi ni ma'am habang nililibot kami ng paningin.

Representative Escort?

Bakit ako na naman?

Hayyyyy...

Siguradong itong katabi ko na naman ang ipapareha nila sa'kin.

Tss...

Bahala nga kayo diyan...

zzzzzzzzzzzZZZZZZZ...

HARUKO AKAGI

HALOS sumang-ayon ang lahat ng inominate ni Sayura si Rukawa bilang Representative Escort ng aming section.

Ano pa bang aasahan ko?

Syempre lahat boboto kay Rukawa.

Mula ng sabihin ma'am kanina napipili kami ng Representative na Muse & Escort para sa darating Role Play Competition,una ng pumasok sa isipan ko si Rukawa.

Sabagay.

Kaylan nga ba sya hindi naging laman ng isip ko?

"I NOMINATED MATSUKA INOUIE, FOR OUR REPRESENTATIVE MUSE."

Naagaw ng boses na iyon ni Minari ang paglalayag ng isipan ko.

Marami ang sumang-ayon na si Inouie ang Representative namin for Muse.

Lagi namang si Inouie...

Nakaramdam ako ng konting lungkot nang maisip na muling magkakapareha sina Inouie at Rukawa ngunit ganun na lamang ang gulat ko nang biglang magtaas ng kamay si Yohei.

"Yes, Mr.Yohei??"- sinabi ma'am.

"MA'AM, I NOMINATED HARUKO AKAGI FOR OUR REPRESENTATIVE MUSE."

NO OTHER THAN YOU  2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon