03

129 8 14
                                    

HARUKO AKAGI

"JIN!"

Naputol ang pagkakatitig ko sa nakabangga ko ng biglang mangibabaw ang pamilyar na boses ni Sendoh sa pandinig ko.Agad akong napalingon at nakita ko na nga si Sendoh na papalapit sa amin.

Nakita na nila ako.

Agad ko rin namang naiiwas ang paningin ko ng mapadako ito kina Miss Haidy,Hana at Rukawa na pare-parehong nakatuon na sa amin ang paningin, bahagya akong nakaramdam ng pagkailang.

"ayos ka lang?"-narinig kong sabi ng lalaking kaharap ko at agad ko namang naibalik ang paningin dito.

oo sya nga,siya si Jin ng kainan...
isang mahusay na 3 pointer.

"ah-eh oo, hehe ayos lang ako."-naiilang na sabi ko.

"pasensya ka na 'ha, hindi kita napansin kaya nagkabangga tayo."-nakangiting sabi nito habang nakangiti sa akin at sasagot na sana ako nang kusang mapahinto ako dahil tuluyan ng nakalapit si Sendoh sa amin.

"Jin"-bungad ni Sendoh.

"Ikaw pala, Sendoh."-nakangiting tugon ni Jin at ngumiti lang naman si Sendoh saka inilipat sakin ang paningin.

"Hindi ka talaga nag-iingat."-natatawang sabi ni Sendoh habang nasa akin ang paningin at sa hindi ko malamang dahilan ay hindi ko nagawang magsalita.

Ilang segundo din ang lumipas at nakatitig lamang kami ni Sendoh sa isa't-isa.

"tama ,ikaw nga pala si Haruko yung kapatid ni Captain Akagi"-pambabasag ni Jin sa titigan na namumuo samin ni Sendoh kani-kanina lamang.

"ah-eh oo hehe."-may pagkailang parin na sagot ko.

Bakit ba nagkukusa nalang akong mailang???

Nakakainis.

Kapag pa naman naiilang ako, lumalabas talaga ito sa lahat ng ikinikilos ko pati narin sa hitsura ko.

Hayyysssst!

Kailangan makaalis na'ko rito.

Tama.

"kamus-" hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Sendoh nang tuluyan na akong nagsalita.

"ah-eh pasensya ka na ulit ha hindi ko sinasadya."-yun lang ang nasabi ko habang ang paningin ay nakatuon kay Jin saka walang lingon na lumakad palayo, naramdaman ko naman ang pagsunod sakin nila Fujii maging ng paningin ng ilan sa akin. Isang malalim na hininga ang nahugot ko ng tuluyan na akong makalabas ng café.

"Haruko, ayos ka lang?"-agad na tanong sa akin ni Fujii.

"Oo' ayos lang ako."-maikling sagot ko.

"TIKMAN MO 'TONG SUSHI NA GINAWA KO, MASARAP ITO."-Nakangiting sabi sakin ni Mama at tumango lang naman ako bago inilapit ang cup na hawak ko.

Nasa hapag-kainan na ako ngayon at kumakain na ng lunch kasama sina Kuya,pero hanggang ay laman parin ng isip ko ang mga pangyayari kagabi dumagdag pa yung kanina.Bigla kong naalala na may sasabihin pa pala si Sendoh kanina at hindi maganda ang pagkakaputol ko dun, Nagalit kaya sya?

Parang ang pangit nung nagawa ko.

"Haruko, parang wala ka parin yata sa sarili."-tinig ni Kuya ang pumutol sa malalim na iniisip ko, dahil sa walang makapang sasabihin ay ang sushi na nasa harapan ko nalang ang napagtuunan ko ng pansin.

"ah-eh ang sarap nitong sushi."-may alanganing ngiti na sinabi ko at napailing nalang sina Kuya sa inasal ko.

KINABUKASAN ay nakakatawang magising ako ng maaga at naunahan ko pa ang alarm clock ko.Agad akong bumangon at nag-asikaso dahil lunes ngayon at tunay na may pasok na sa school.

NO OTHER THAN YOU  2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon