NIKKI's POV
Pumasok ako ng school at nakita ko na kaagad ang 3 kong mga kaibigan.
Inaya ko sila sa school garden since 7:30 palang naman at 8:00 pa ang start ng class.
"Giana, okay lang ba sayo na sagutin ko si Kharl? Nililigawan nya kasi ako eh" sinadya kong sabihin yun ng malakas kasi ang daming echoserang babae na nakiki-chismis.
"Huh? Anong pinagsasasabi mo dyan?" sabay sabay nilang sambit.
Ganito kasi yun....
*FLASHBACK*
Kagabi pagkauwi ko galing mall napagisip-isip ko, pano kaya kung pagtripan ko si Kharl ng hindi nya alam?
TAMA!
Nagsulat ako sa notebook ko. Sinulat ko lang naman ang mga plano ko.
⭕ Sasakay ako sa trip nya.
⭕ I'll be a sweet girlfriend.
⭕ Mas magiging attractive ako para mas lalo nya kong magustuhan.
⭕ I'll make him fall in love with me. (As in yung totohanan na)And lastly...
⭕Break his heart.
Hahaha! Lagot ka sakin Kharl.
*END OF FLASHBACK*
"Seryoso bes? Gagawin mo yun?" tanong ni Angel.
"Oo! Mabawian ko man lang yun sa ginawa nya kay Giana. At since ako ang trip nya, sasakyan ko sya hanggang masaktan sya" BWAHAHAHAHAHA.
*evil laugh here*
I'M SO BRILLIANT!!
Mr. Kharl Dela Cruz, breaking my BFF's heart is like you wanted to break yours also.
*BREAKTIME*
Ini-skip ko na yung classes ko boring e.
Nakita namin si Kharl sa Cafeteria at tiningnan ko sila Angel, Giana, and Bianca ng It's-Showtime-look.
"Hey Kharl!" I excitedly called him.
"What do you want?" bitter naman neto.
"Sorry sa nangyari kagabi ah? Payag na kong maging girlfriend mo in return" Kuminang naman ang mata niya at sinabing "Talaga?"
"Oo bakit ayaw mo ba?"
KHARL's POV
"Talaga?" yan lang ang nasabi ko sa excitement na nadama ko dahil pumayag na sya sa deal namin.
"Oo bakit ayaw mo ba?"
Teka wala naman akong sinasabi ah? Loko talaga tong babaeng 'to.
Sa wakaaaas! Nakuha ko na rin si Nikki. Alam nyo sa totoo lang gusto ko si Nikki, pero syempre joke lang yun. Gusto ko lang paglaruan yung babaeng yun dahil sa pagpapahiya nya sakin nung nakaraang araw.
And the game begins now.

BINABASA MO ANG
The Hearthrob's Heartbreaker (COMPLETED)
Teen FictionKapag nasaktan ang bestfriend mo ng dahil lang sa isang lalaki, anong gagawin mo? Ako, I will find revenge for it. Kaya Mr. Dela Cruz, humanda ka.