THH 14

61 2 0
                                    

Someone's POV

Galit na galit pa rin si Nikki dahil sa ginawa ni Kharl.

Eh sino ba kasing hindi magagalit diba?

Kasalukuyang nasa kwarto si Nikki at may hawak na notebook. Binuksan nya ito at binasa

..

..

..

..

..

"Gawin ko na kaya ang plano ko? Tutal, mukhang nahulog na sya sakin. Pero nahulog na rin ata ako sakanya kaya masasaktan din ako kung gagawin ko 'to" sabi ni Nikki sa sarili nya.

✔ Sasakay ako sa trip nya.
✔ I'll be a sweet girlfriend. (di ko pala masyadong nagawa 'to)
✔ Mas magiging attractive ako para mas lalo nya kong magustuhan.
✔ I'll make him fall in love with me. (As in yung totohanan na)

⭕Break his heart

4 down, 1 to go.

NIKKI's POV

Gagawin ko na ba talaga 'to? Kasi parang ang hirap e. Oo, sinaktan nya ko pero kasi nahulog na nga ako diba? Kahit di nya ko sinalo,wala. Still nahulog pa rin ako at gusto ko na sya.

Pero kailangan ko na 'tong gawin.

Agad agad akong pumasok sa school at hinanap ko sila Giana. Nang makita ko sila Giana ay kinausap ko sila

"Mga bes, gagawin ko na ba ang plano ko?" tanong ko sa kanila.


"Huh? Anong plano?" sabay sabay naman nilang tanong.

"Yung plano ko kung bakit ako pumayag na sagutin si Kharl" pagdidiin ko sa kanila.


"Ah yung break his heart thingy-- WAIT WHAT!? GAGAWIN MO NA YUN?" natauhan naman si Biancs nung nag-sink in na sa utak nya yung gagawin ko.

"Sure ka na ba diyan bes? Kasi nasaktan ka rin eh feeling ko mas masasaktan ka kung gagawin mo pa 'to" napag-isipan ko na rin yang sinabi ni Giana eh. Ayoko nalang kasi talagang magmukhang tanga kasi diba, inaya nya ko maging girlfriend nya tapos maglalandi sya ng iba? Like duuuuh? Bullshit..


"I am so damn serious. Gagawin ko na 'to. Samahan nyo ko for moral support ha!?" pag-aya ko sa kanila.


"No. It's much better kung kayong dalawa lang ang mag-uusap." sabi naman ni Giana.

"Argh. Hate you guys!"

Breathe in. Breathe out. Nakikita ko na si Kharl papalapit sa direksyon namin kaya naman lumayo agad ako. Ewan ko. Di pa ata ako ready.

"NIKKI!"


"Uy Nikki!"


"Nikki usap tayo"

"NIKKI RHAINE!"

Bakit ganun? Kapag sinasabi nya yung "Rhaine" nanginginig ako at gusto ko syang harapin? Wala akong magawa kundi ang harapin sya.

"Ano pa bang kailangan nating pag-usapan ha?" sigaw ko sakanya.

Eto nanaman ang mga luha ko. Kusa nanamang bumabagsak. Hindi ba 'to marunong makisama?


"Rhaine, minsan lang ako magtapat. Armalite, mahal na kasi kita. Mahal na mahal. Kahit ipagsigawan ko pa sa buong mundo kung gaano kita kamahal kaya kong gawin. Rhaine ngayon lang ako nagkaganito, sayo lang. Sayo lang ako nag effort. MAHAL NA MAHAL KASI KITA. Kaya Rhaine kung ano man ang nakita mo sa bahay, kalimutan na natin kasi hindi ko yun sinasadya" pag-eexplain ni Kharl ng nararamdaman nya.


Hindi nya sinasadya? Pero ang saya nya nung nakita ko sya na nakaupo sa lap nya yung babae tapos hindi sinasadya? Fuck. Gago pala sya eh.

"Rhaine alam kong ang gago ko. Ako na mismo ang aamin napaka-gago ko na nagsasaya ako kasama si Rica, na nagsasaya ako ng hindi ko naiisip na may girlfriend pala ako. Ang gago gago ko" dagdag ni Kharl.

Bakit kung kailan makikipag-break ako tsaka sya nagkaganito? Nakakainis.


"Rhaven. Kahit pa sabihin mo na mahal mo na ko wala rin yung magagawa kasi nasaktan na ko eh. Kitang-kita ng dalawang mata ko yung landian nyo. Nakakainis. Yes, I hate this feeling na nagseselos ako. Kaya now, I choose to break up with you. I'm sorry" sabay walkout ko.

Nakita ko namang may nagbubulungan sa likod.

'Aww break na sila? Team NikKha pa naman ako.'

'Yes break na sila. Akin na si KharlMyLoves'

Nilapitan ko naman ang nagsabi nun.

"Oh ano? Masaya ka na? Break na kami. Sayong-sayo na yang utak-hangin na yan." bulyaw ko sakanya. Nakita ko namang umakma syang sasampalin ako pero pinigilan sya ni Kharl.


"Sige subukan mong saktan ang mahal ko ako ang makakalaban mo" sabi naman sakanya ni Kharl.


Break na nga kami tapos nakukuha nya pang tawagin akong "Mahal Ko" nakakainis.

"FYI Kharl, break na tayo kaya wag mo na kong ipagtanggol kahit kanino." sabay lakad ko paalis.

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko dahil nag-ditch ako ng class at umuwi nalang sa bahay. Naabutan ko naman si Mama sa may living room kaya nag-kiss muna ako sakanya


"Oh anak bakit ang aga mo?" tanong sakin ni Mama.

"Ah wala po, Ma! Sumakit lang po ulo ko" pagsisinungaling ko.


"Ah, so sino naghatid sayo? Si Kharl ba?" tanong naman nya.

"Ah h-hindi, Ma! Ako lang umuwi mag-isa" sabi ko naman

Akmang aakyat na ko sa hagdan papuntang kwarto ko ng nagsalita si Mama.


"Aish lagot sakin si Kharl. Hindi nya hinatid ang anak ko alam nang may sakit"


"Nako Maaaaaa! Wag mo nang tawagan yung kumag na yun! Wala na kami." matamlay na sabi ko pero pasigaw.

"What? Bakit?" tanong ni Mama.


"Wala, Ma! Don't mention it"

Umakyat nalang ako sa kwarto ko at nagsimulang umiyak. Feeling ko kasi anytime sasabog na tong dibdib ko sa sobrang feels na nararamdaman ko. Hanggang sa di ko namalayan, nakatulog na pala ako.

The Hearthrob's Heartbreaker (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon