THH 8

63 1 0
                                    

KHARL's POV

3 days na kami ni Nikki. Lokohang kami. Pero balak ko siyang ipakilala sa parents ko kaya naman pumasok agad ako sa school na hindi ko naman karaniwang ginagawa.

"Hey armalite. Pumasok ka ng maaga" tinawagan ko si Nikki ng makapasok ako sa school.

Nagtataka kayo kung bakit armalite? Lagi kasing nagtatatalak kapag kasama ako eh, parang ARMALITE ^ω^

"Huh? Armalite ka diyan. Papasok na po ako AIRHEAD "

Teka ano daw? Airhead?

"Anong airhead?" sabi ko.

"Airhead. Puro hangin kasi yang utak mo kaya airhead tawag ko sayo" Ah. Airhead pala ah.

"Sige na babye na airhead. Papasok na ko" pagpapaalam nya.

Maya maya nandyan na nga si Armalite. Yeah official na yun. Yun na ang tawag ko sakanya.

"Hoy Airhead" Agang panira ng araw eh no?

"Yes armalite?"

"Bakit mo ko pinapasok ng maaga? Alam mo bang nagpalusot pa ko kay Mama? Hindi ko madalas gawin yun. B.I ka talaga.. chu chu chu etc." ayan ang dahilan kung bakit armalite. Nagtatalak nanaman e. Nakakainis.
"Itigil mo nga yang bunganga mo. Nakakarindi e." sabi ko sakanya.
"Kung hindi ko itigil, anong gagawin mo? AIRHEAD." Ako? Si Kharl Raven Dela Cruz? Hinahamon ng babae? Nako nako.

"Hahalikan kita" heh. Tingnan nalang natin kung di pa sya titigil.

"Weh? Di nga? Hahalikan mo ko? Di mo naman kaya eh. Bakla ka kasi" sabi nya.

NIKKI's POV

"Weh? Di nga? Hahalikan mo ko? Di mo naman kaya eh. Bakla ka kasi" yan lang ang nasabi ko pero sa kaloob-looban ko, kinakabahan ako sa gagawin nitong airhead na to.

Walang nasabi si Kharl kaya akala ko ligtas na ko.

Hindi pala.

Ang sunod niyang ginawa?


Lumapit sya sakin. Ako naman, umaatras dahil hindi ko gusto ang gagawin neto.


Maya maya, hindi ko alam dead end na. Nakasandal na ko sa pader at na-corner nya ko.

Papalapit ng papalapit ang mukha nya sa mukha ko hanggang sa 1 inch nalang ang layo ng mukha namin.

"Your lips looks kissable, armalite" bulong niya sa right ear ko.

"Shut up, airhead."

Mas nilapit pa nya ang mukha nya until our I felt that we are already in a 'nose-to-nose' position.


Wala akong magawa. Pinikit ko nalang ang mga mata ko. Many seconds had passed at wala pa ring 'kiss' na nagaganap. Idinilat ko ang mga mata ko at

..


..

..


..


..

DAMMIT!! WALA NA SI KHARL AT NAKAPALIBOT ANG MARAMING TAO AT NAGTATAWANAN.

Lagooot ka talaga saking airhead ka.

----

Sa gitna ng class, nag-text sakin si Kharl at napalabas ako sa klase kasi ang lakas ng notification tone at nakalimutan kong i-mute. >_<

From: Airhead

Armalite! Mamayang uwian sumabay ka sakin at may pupuntahan tayo."

At saan naman? Manhid ba sya at hindi nya ma-feel na galit ako sa ginawa nya? Tss. Ma-replyan nga.

To: Airhead

Alam mo bang napalabas ako ng class dahil nagtext ka? Kahit kailan ka talaga.

Sakanya ko talaga isi-sisi lahat ng 'to.

*1 unread message*

From: Airhead

Kasalanan ko ba na nakalimutan mong i-mute yang phone mo? Wow just wow.

Ewan ko ba sa lalaking 'to. Kainis.

Uwian na at dederetso ako sa backgate dahil doon lagi nakapark ang car ni Airhead nang may nakita ako

..


.
..


..

..


..


..


..

Putragis. Ganon ba talaga kalandi 'to at may kasamang babae na hinahalikan niya sa cheeks?

Malapit ako sa may car ni Kharl kaya nakita ko kaagad ang landian101 nung dalawa.

Walkout ako syempre.

Nakita pala ko ni Kharl.

"Hey armalite!! Tara na. Aalis na tayo" sigaw sakin ni airhead.

Manhid ba talaga 'to? Nakaka-dalawa na sya ah.

"ANO BA? DALAWANG BESES MO NA KONG GINALIT NGAYONG ARAW KAYA PWEDE BA? TIGILAN MO MUNA AKO." Ewan ko ba at tila may sariling utak 'tong bibig ko at bigla biglang nagsasalita.

At teka? Anong karapatan kong magalit eh dare lang naman 'tong relasyon na 'to.

"Huh? Dalawa? Isa lang ang alam ko ah? Yung kaninang kiss na ine-expect mong matutuloy. Ano pa yung isa? Don't tell me, nagseselos ka sa babaeng kasama ko kanina?" banat ni Airhead ng naka-side smile na nakakaloko.

"Ako? Magseselos? No way." pagtanggi ko.

KHARL's POV

"Ang defensive" yun lang ang nasabi ko kasi halata naman sa mukha nya na nagseselos sya. Sus!

Pero ang totoo, plano ko ang pagselosin sya.

FLASHBACK

"Hey Kate! Can I have a favor?" tanong ko sa isa kong classmate. Eh di naman kasi kami magkaklase ni Nikki.

"Yeah ano yun?" sabi ni Kate.

"Uhm, pagseselosin ko yung girlfriend ko. Ngayon lang 'to. " binigyan ko naman siya ng 2thousand kaya napapayag ko naman.

Nakita na namin si Nikki na papunta sa kotse ko kaya sinimulan na namin ang acting.

Kunwari hinahalikan ko yung cheeks ni Kate. May anggulo kasi kaming parang kini-kiss ko sya.

Nakita namin na nag-walk out na si Nikki kaya tapos na ang pagpapanggap.

END OF FLASHBACK

Akalain niyo yun? Ang isang ARMALITE na laging nagsesermon, nagselos? Waaaah tagumpay!! Gwapo ko talaga.

The Hearthrob's Heartbreaker (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon