Chapter 6: The Game begins

61 1 0
                                    

"Nikki? Wake up. Bilisan mo na at papasok ka pa sa school. May naghihintay nga pala sayo sa baba."

At yan ang bumungad sakin. Umagang-umaga. Teka? May naghihintay sakin? Sino naman kaya yun?

"Sinong naghihintay sakin, Ma?"

"Edi yung boyfriend mo, sinusundo ka sino pa ba? Ikaw ah? Di mo sinasabi sakin na may boyfriend ka na pala" nangasar pa si Mama. Hmmm? Boyfriend?
..

..

..

..

..

..

..

.
..

Ahhh! Ngayon lang nagsink-in sa utak ko. Si Kharl pala yung tinutukoy ni Mama.

Naligo na ko at nagbihis ng uniform para makababa na at makapag-breakfast.

Nakita ko si Kharl sa may sala kaya naman pumunta ako dun.

"Hey Kharl! Gusto mong sumabay sakin kumain ng breakfast? For sure hindi ka pa nakakakain kasi ang aga mo pumunta dito." pa-sweet kong sabi sakanya.

"Oh sure!" pagpayag niya sa alok ko.

Sabay kaming pumunta sa kitchen. Naghain na ko ng plato para makakain na kami.

"Mmm. Ang sarap ng luto ni Tita ah?!" at syempre natuwa naman si Mama nung sinabi ni Kharl yun.

"Haha. Syempre! Gusto mo subuan kita?" pero sa totoo lang, labag sa kalooban ko ang subuan siya. Nakakadiri kaya. Pero dahil nasa plano ko ang pagiging sweet, kailangan kong gawin to.

"Sige babe."

Twice ko lang sya sinubuan.

"Ma! Aalis na po kami. Byee~" nagpaalam na ko kay Mama para makaalis na kami ni ugok.

May kotseng nakaparada sa tapat ng bahay namin at sumakay siya dun. Aba! Wala pa to sa right age ah? May license na agad? Mga mayaman nga naman oh!

"Oh babe, di ka ba sasakay?" nagising naman ako sa katotohanan nung nagsalita siya.

"Sabi ko nga sasakay na ko"

BIANCA's POV

Nasaan na ba yung si Nikki? Anong oras na oh! Sabi 6:30 papasok tapos 30 minutes na kaming naghihintay sa kanya.

May pumaradang black ferrari car sa tapat namin at alam ng lahat na kay Kharl/Flirt/Assumero/Paasa. Nagulat nalang kami sa sunod naming nakita.

..


..


..


..


..

..


..

..

Si.... si... Si Nikki!? Tama si Nikki nga! Kasama niya si Kharl? Oo, alam naman naming sumakay na si Nikks sa trip ni kumag kaso hindi namin alam na may 'Hatid Sundo Kita' ng Gimme 5 na magaganap.

"Nikks!" tawag ko kay Nikki.

"Oh hi Biancs! Sorry late ako. 'tong si kumag kasi e." paliwanag niya.

"Ahhhhh! Si myloves Kharl andito naaaaaa!"

"OhEmGi ang gwapo nya talagaaa"

Buhay hearthrob nga naman oh! Akala ko naman nakakita sila ng artista o kung ano si Kharl lang pala -.-

"Babe?" sumigaw si Kharl out of nowhere.

"Ano daw? Babe?"

"May girlfriend na sya?"

"Hindi nya seseryosohin yan"

Bulungan nanaman.

Pero may isang babae ang lumitaw kung saan at sinabing...

"Bakit babe?"

"HAHAHAHAHAHA" tumawa ang lahat dahil pinush lang ni ate ang sarili nya sa kahihiyan.

"Hindi kita girlfriend." sabi ni Kharl in a cold voice.

Lumapit si Nikki sakanya dahil tinulak namin. "Bakit?" sabi ni Nikki kay Kharl.

Sumigaw yung isa at ang sabi "ASA KANG IKAW ANG GF NI KHARL!" at tumawa nanaman ang lahat.

"Tara hatid na kita sa room nyo" at inakbayan nya si Nikki.

"Siya nga yung girlfriend ni Kharl"

"Ohmy I kennot"

Sumunod nalang kaming tatlo sa lokohang couple at nag smirk sa mga fangirl ni kumag.

/flips hair/

The Hearthrob's Heartbreaker (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon