THH 12

63 2 0
                                    

Nikki's POV

2 days na. Oo 2 days ko nang iniiwasan si Kharl. Tinatawagan nya ko, tinetext pero hindi ko sinasagot. Eh sa nakakainis eh!

Tuwing dadaan siya sa harapan ko, halata mong gusto niya kong kausapin pero hindi nya magawa.

Still nagf-flashback pa rin sakin yung mga sinabi ko sakanya

"Wag mo na kong kakausapin"

I really can't believe na sineryoso ko yun. At mas lalo namang hindi ako makapaniwala na nagagalit ako sakanya kahit na trip lang lahat ng 'to.


Ewan ko ba pero parang seryoso na.

No! Hindi pwede. NIKKI RHAINE HINDI PWEDE!

"Hoy babae nakikinig ka ba? Nako nako. Wag ka ngang lutang dyan at ikaw nalang ang pag-asa ng group project na 'to!!" natauhan naman ako nung nagsalita si Jaira, group leader namin.

"Ay sorry! Ano nga ulit yun?" sabi ko habang medyo matamlay ang boses.

Imagine!? Group leader ia-asa sa member ang project? How nice

In-explain naman sakin ni Jai yung mga ire-report namin kaya na-gets ko na.

Nakapag-report na kami at lahat. Guess what? Kami pa ang highest score.

"Uy thank you ah?"

"Ang galing natiiin!"

Wait what? Natin? Ako gumawa at ako rin ang nag-report so natin? Ang galing natin? Sige, claim it!!

Breaktime!!

Wala ako sa mood kumain kaya dumeretso ako sa library at humiram ng libro since may summative test kami sa History.

Dumeretso naman ako sa rooftop kasi laging walang tao dun kaya perfect place para makapagbasa dahil tahimik.

//

KHARL's POV

Nakita ko sa caf (cafeteria) ang mga kaibigan ni Nikki pero wala sya dun. Absent ba sya? Lumapit nalang ako kila Bianca para itanong kung nasaan si Nikki.

"Bianca!! Si Nikki?" pagtatanong ko kay Bianca

"Ah ewan ko. Kanina nasa room lang yun tapos wala daw syang gana kumain kaya kami lang ang nandito" ani Bianca.

"Ah ganun ba. Sige! Alis na ko."

Dumeretso naman ako sa room nila at nakita ko si Jeric. Kaibigan ko rin tong isang to eh.

"Yo, Ric! Si Nikki?" gets nyo lung bakit Ric? jeRIC. Okay na? Psh.

"Idunno Ven. Lumabas kanina eh di pa bumabalik. Baka sa Cafeteria?" gets nyo ulit kung bakit Ven? kharl rhaVEN. Okay na ba ulit? Tsk

"Ric kakagaling ko lang sa caf wala sya dun!" pasigaw kong sabi.

SAAN KA NANAMAN BA NAGTATAGO RHAINE?

"Chill Ven. Nandyan lang yun"

Ric tried to calm me down pero di ko magawa. Ewan ko kung bakit ganito yung feeling ko pero iba eh. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kaba.

I looked everywhere pero di ko sya makita.


Alam kong galit sya sakin pero kailangan ko talagang mag-sorry sakanya kasi ayaw kong nag-aaway kami. Ayaw na ayaw ko.

Pero may naalala akong isang spot sa school na hindi ko pa napupuntahan.

Sa Rooftop! Tama sa rooftop.

Tumakbo naman agad ako papuntang rooftop at tama ako. Nakita ko sya. Gumaan naman ang loob ko nung nakita kong nagbabasa lang sya ng libro para sa kung saang Summative Test daw na nabanggit sakin ni Ric.



Gusto ko syang lapitan, kausapin, mag-sorry pero nangangatog ang mga tuhod ko at hindi ko sya malapitan.

Sa di kalayuan nakita kong tumayo na si Nikki. Ewan ko pero di pa rin aki maalis sa pwesto ko.

Nakita nya na ko walangya!

Nikki kausapin mo na ko please?
Bulong ko sa sarili ko.


Inirapan nya lang ako. Ang sakit!

Naglakad na sya papunta sa direksyon ko at tumigil sa gilid ko.

"Kanina ka pa dyan?" bulong nya.

Napatango naman ako bilang pagsagot ng 'oo'

"Tss. Hanggang tingin ka nalang ba talaga? Nakakainis ka! Dyan ka na nga!" bulyaw naman ni Nikki.

So, all this time hinihintay lang ni Nikki yung lambing ko? BAT DI MO BA KASI NAISIP NA LAMBINGIN SYA RHAVEN! Tanga ko talaga.

The Hearthrob's Heartbreaker (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon