Panaginip

37 1 3
                                    


Simula:[Panaginip]


Kadiliman.Wala akong makita.Nararamdaman ko lang ang malamig na hanging humahampas sa balat ko at ang kalmadong tubig na hanggang paa lamang.Nasa isang tanel ba ako? Hindi ko matandaan kung bakit at paano ako napunta dito. Nahulog ba ako?Hindi ko talaga alam.Ang tanging natatandaan ko lang ay nasa isang bar ako para uminom ng kaunti kasama ang bestfriend kong si Dimes.


T-teka s-si Dimes!Naasaan siya?Bakit hindi ko sya kasama?Hindi ako iiwan ni Dimes sa ganitong lugar.


"Dimes?!Dimes!!!"tawag ko sa kanya. "Dimes!Asan ka?!" Walang sagot.Na'san kaya sya?Ilang minutong katahimikan ang namayani,na nagpapabaliw sa'kin.Ayoko ng ganto katahimik kaya napagdesisyunan kong maglakad-lakad,hindi ko alam kung saan ako papunta,tulad nga ng sabi ko kanina,kadiliman purong  kadiliman lang ang nakikita ko.Kalahating minuto na akong naglalakad nang makarinig ako ng yapak papunta sa akin.


"Dimes?Ikaw ba yan?!"pasigaw na tanong ko sa kanya.Papalapit ng papalapit sa akin ang mga yapak,napangiti naman ako.Makakaalis din kami dito.Huminto ang yapak malapit lang sa'kin.


"Alam mo ba kung bakit ka nandito?"isang pamilyar na boses ang nagsalita.Hindi iyon boses ni Dimes pero kaboses sya ng isang taong alam ko ngunit hindi  ko naman matandaan kung sino.Lumapit ako sa kanya ngunit bigo pa din akong makita kung sino sya.


Lalapit pa sana ako lalo pero hindi na natuloy.


Napahawak ako sa aking dibdib ko kung saan ay nakaramdam ako ng sakit.Unti-unti ay nawawalan ako ng hangin,ang hirap huminga!San 'to galing?!Napaubo ako at dahan-dahang napaluhod dahil sa sakit.


Ang sakit.


Hihilahin ko na sana ang kutsilyong nakabaon sa aking dibdib pero bago ko pa man iyon magawa ay may taong humawak ng aking kamay. "Kelangan mong mamatay."sabi ng taong nasa harap ko.


Hindi ko alam kung saan galing ang liwanag pero unti-unti ay nakikita ko na ang itsura ng taong ito.Nanlaki ang mata ko sa nakita,at bigla na lamang nahiga dahil sa ginawa nya.Idiniin nya lalo sa aking dibdib ang kutsilyo at marahas itong hinatak paalis.


"Ang isa ay dapat mabuhay,Ang isa ay kelangang mamatay." sabi ng taong............








...............................kamukhang-kamukha ko.


——————————————————————————————————————————————————

On-Hold na muna po yung ibaXDDD ay baka idelete ko muna hahaXDDD eto muna ippromote ko~


Sana magustuhan nyo~


=MiR=



MiRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon