Unbehagen

19 1 3
                                    


Kabanata 3




"Grabe dude ang suwerte mo talaga kay Maika!Kahit na medyo masama ang ugali nun masarap naman magluto!"papuri ni Dimes kay Maika.Totoo naman,bukod kasi sa pagiging maalaga nya sa akin,na gustong-gusto ko naman ay hilig nya din akong ipagluto lalo na ng paborito kong adobong manok.Isang beses nga ang sabi nya sa akin ay pagkagraduate nya sa kurso nyang Culinary Arts ay magtatayo sya ng restawrant na ang titulo ay ang pinagsamang pangalan naming dalawa.


Nginitian ko lang sya kasi hindi ko alam ang sasabihin lalo na't masaya ako dahil napuri ang girlfriend kong kapuri-puri naman talaga. "Tahimik natin ah?Ano may hangover pa din ba sa monthsary nyo kahapon?Sus!Wala naming masyadong nangyari hindi ka pa din makaget-over?"tanong nya sa akin.Umiling lang ako at nginitian syang muli. "Dude alam kong palangiti ka talagang tao pero itong ngiti mpo ngayon?Iba eh.Ganyan ba talaga kapag inlove?"tumango lang ako sa kanya at ulit ay nginitian sya.Tumayo na ako at niligpit ang pinagkainan namin.Pinigilan ako ni Dimes,"Hayaan mo na yung dyanitor ang maglinis."sabi nya sa akin. "Ano ka ba "Clean As You Go" nga daw eh."sabi ko sa kanya.Tsaka bakit ko pa hahayaan ang dyanitor na gumawa nun kung kaya ko naman?Napailing lang sa akin si Dimes at ginaya ang ginawa ko. "Kaya pala asar sa'yo si Jecko eh,Mr. Goodboy ka talaga."sabi nya sabay gulo ng buhok ko at naunang ng naglakad.Asar?Bakit naman sya asar sa akin? "T-teka hintayin mo ako!"sigaw ko sa kanya at hinabol sya.Mahuhuli na pala kami sa Animation class!



--------------------------------------Pagtapos ng klase...



"Dude pupuntahan ko pa pala si Prof.Dornan,mag-uusap pa kami tungkol dun sa gaganaping event bukas.Mauna ka na lang umuwi."paalam sa akin ni Dimes."Sige una na ako ha?Paalam!"nag-brotherhood fist pa kami bago maghiwalay.May hindi na naman siguro syang napasang plate kay sir.


Nasa may 17th St. na ako nang maramdaman kong may nasunod sa akin.Lumingon ako sa likod,mga batang naglalaro lang at isang nagtitinda ng ice cream ang nakita ko.


Nginitian ako ni manong,napabili tuloy ako.Habang hinihintay ko yung sukli ay naramdaman ko namang may nakatingin sa akin.Kanina may nasunod ngayon naman nakatingin na?Iba na to ah.Nagtaasan bigla mga balahibo ko sa katawan ng makakita ako ng pigura ng isang tao sa likod ng basurahan.Nakatingin sya sa akin ng masama,kita ko yun kahit na nahaharangan ng buhok ang mukha nya.


"Iho?"napapitlag naman ako ng may kumalabit sa'kin,si manong sorbetero pala. "Naku iho,wag kang mtakot dyan.May sira sa ulo yung babaeng yan.Hindi naman yan lumalaban,nanakot lang.Ganyan talaga yan.Oh eto."pagkakuha ko pa lang ng sukli ay tumakbo na ako.Nakakatakot.Sa kakatakbo ko ay hindi ko namalayang ibang daan pala ang napuntahan ko.Nasa 22nd st. ako. "Hooh!Grabe katakot."hingal na sabi ko.Yung kaba ko nararamdaman ko pa din. Grabe.


Sa daan ay may madadaanan akong grupo ng mga kalalakihan na mukhang may pinagkakatuwaan.

*Bzzzt.Bzzzzt.*

MiRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon