Gut And Bose

18 0 1
                                    

Kabanata 1

Nagising akong pinagpapawisan at nanginginig.Agad kong hinawakan ang aking dibdib,wala.

"Drake!Gising naanak!"rinig kong sigaw ni mama sa labas ng kwarto ko.

Bakit nasa banyo ako?

"Drake?Okay ka lang ba dyan?!"sigaw ulit ni mama sabay katok sa pinto.

"O-opo ma!"sagot ko,sana hindi nya mahalata ang pagkataranta sa aking boses.Nagkalat ang dugo sa sahig ng banyo!

"Kuya Drake!Hindi ako pwedeng malate ha!"sigaw ni Erin,ang bunso kong kapatid na babae.

Tumayo na ako at maghuhubad na sana ng damit nang makaramdam ako ng kirot sa aking kanang braso.Isang napakalaking hiwa.Saan galing ito?Dun ko lang din nakita ang basag na salamin ilang dipa ang layo sa akin. Hindi ko maalala ang nangyari kagabi pero baka napadami ako ng inom at dito na ko sa banyo nakatulog at bumagsak kaya ako nagkaroon ng ganitong sugat.Ang hapdi.Naligo at ginamot ko ang aking sugat,nilinis ko na din ang banyo para hindi na makita pa ni mama.Geez,mabuti na lang at hindi ang aking ulo ang tumama.

Isang panibagong magandang araw na naman.Bukod sa paminsan-minsang pagsasaya,ang pangyayari sa aking araw-araw ay paulit-ulit lang.Tuwing umaga,si papa ang maghahatid sa amin sa eskwela,sunod ay si mama pagtapos ay didiretso na sya sa opisina.Kada Lunes at Miyerkules ay ako ang nagsusundo kay Erin,didiretso sa pag-aaral at ang gagawa ng aming hapunan.Palaging ganito pero masaya ako sa pamilyang mayroon ako,minsan lang kung magkaroon ng away...kapag may nagagawang kasalanan ang isa sa amin lalo na ang ate.Tuwing Huwebes ay may part time ako sa isang club bilang bartender.Biyernes at Sabado naman ay sa isang cake shop naman bilang isang cashier.

"Kain na kayo~"nakangiting sabi ni mama.

Mabait at mahab ang pasensya ni mama hindi tulad ni papa na istrikto at mabilis mag-init ang ulo,pero kahit na ganun ay marunong naman syang magkontrol.


"Late ka ng nakauwi kagabi,saan ka nanggaling?"tanong ni papa,akala ko sa akin hindi pala,kundi kay ate Cindy.Sasagot sana si ate nang magsalita ulit si papa,"Huwag ka ng magpaliwanag pa,amoy alak ang kwarto mo." Natahimik naman sya bigla."Ikaw ay grawnded babae.....ng isang buwan"seryosong sabi ni papa sa kanya. "Pero pa!"pagtutol nya.


"Hindi na ako bata at wala akong ginagawang mali,bakit si Drake hindi mo din pagalitan?Kapag sya nainom okay lang?tapos pag ako hindi pwede?!..Tss.Sabagay sa pamilyang ito ako naman lagi ang mali."padabog na ibinagsak ni ate ang kubyertos at dali-daling umakyat papuntang kwarto nya.Tumingin sa amin si papa at tumayo ng iiling-iling.


"Bilisan nyo na dyan."Napabuntong-hininga ako.Walang magagawa ang pagiging rebelde ni ate kay papa.Isa iyon sa panuntunan ng pamilya namin,ang padre de pamilya ay laging dapat nasusunod.

"Kuya tara na!"inip na tawag sa akin ni Erin sabay hila sa kaliwang kamay ko.Dahil sa paghila nya sa akin ay nawalan ako ng balance at natumba.Tumama ang aking kanang kamay sa may pinto ng kotse.


"Aray."

"Hala kuya!Nagdudugo!"sigaw ni Erin nang makita nya yung dugo sa kamay ko.Napapikit naman ako,wala na narinig na nila mama~


"Anak anong...bakit nagdudugo yan?!"sabay hawak sa kamay ko.


Tinignan ko si papa nakatingin lang sya sa akin pero kita sa mukha nya na gusto nya ng eksplenasyon.



"N-naparami po kasi yung inom ko kagabi,nakatulog at natumba po ako sa banyo,dun ko po nakuha ang sugat ko."paliwanag ko naman.


Tumango si papa.


"Halika may 20 minutes pa naman ayusin muna natin yang sugat mo."

MiRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon