Schmerz

2 0 0
                                    

Kabanata 8



"J-Jecko!A-ano may lead na ba kung saan natin matatagpuan ang mga taong kumuha kay Maika?" tanong ko kay Jecko,natatakot na ako,baka kung ano na ang gawin nila kay Maika ko. "Wala pa daw Drake eh." dismayadong sabi nya.Kumuha ako ng maiinom sa may ref.Magmula nung nalaman ni papa ang nangyari ay lumayo at nagtago na muna sila,hindi ako sumama,ayoko,ililigtas ko pa si Maika. "Prof. Melendrez." napatingin ako kay Jecko,anong kinalaman dito ni sir? "Sya ang huling kausap ni Dimes.Burado lahat ng mga mensahe nya sa inbox pero sya naman ang huling taong tinawagan ni katawagan ni Dimes bago sya nawala." patuloy nya.






----------------------------------------------------------------------------




"Eto." sabay abot sa amin ni Prof. Melendrez ng envelope. "Dapat ay confidential eto at tanging samin lang ni Dimes ang mga ito pero dahil para ko na ding anak si Dimes..." hindi nya natuloy pa ang sasabihin. "Huli naming pag-uusap sinabi ko na alam ko na kung saan sya nakatira pero ang tanging sinabi nya lang sa akin ay nakita nya daw sya at hinahabol nya na.Pinilit ko syang pigilan pero hindi sya nakinig hanggang sa mamatay ang linya." paliwanag nya sa amin.So ibang tao ang nagreply sa akin nung araw na yun?Inabot sa akin ni Jecko ang envelope,kinuha ko naman ito at binuksan.Agad na bumungad sa akin ang litrato ng isang babae at iba't-ibang mga dokumento na hindi ko maintindihan kung para saan. "Sya si Jade Serenity Del Valle.18.May sakit sa pag-iisip pero hindi ganun kalala.Nakikilala mo ba sya Drake?" tanong nya sa akin,umiling agad ako.Nagbuntong-hininga sya. "Kung gayon,hindi mo pa din pala alam." "Anong ibig nyo pong sabihin Sir Melendrez?" tanong ko,naguguluhan ako eh.Hindi ko naman talaga kilala yung babae pero sa isip ko ay oo parang kilala ko sya,ganun. "Mas mabuti pang sa ama mo ikaw magtanong.Hindi ako ang dapat na magsabi sa'yo nito." 


 ----------------------------------------------------------------------------



"Pasensya na anak kung hindi ko ito nasabi sa iyo.Akala ko kasi magagamot at gagaling pa ang babaeng yun.Ngayon ko lang ding nalaman nakatakas sya sa mental institute sa Amerika." paumanhin sa akin ni papa.Tahimik lang na nakikinig sa aming dalawa ang iba.May sakit din pala ako?Pero nagagamot din naman daw yung akin.Pero kasalanan ko pala lahat ng ito?Hindi ko alam.Hindi ko matandaan.Naipaliwanag na sa akin ni papa ang lahat.Hindi ko lang maintindihan.. "Bakit ayaw nya pa din akong lubayan papa?" tanong ko. "Obsession Drake." maigsing sabat ni Prof. Melendrez.Nagsitanguhan kaming lahat. "D-Drake." nanginginig na tinawag ako ni Jecko. "Anong problema?" tanong sa kanya ni mama,napansin nya din siguro.Pero hindi nya sinagot si mama sa halip ay tumingin lang sya sa phone nya. 

*Bzzt.Bzzt.* 

Bigla akong nakaramdam ng mabigat na bagay na nakapatong sa akin dibdib.Binuksan ko ang mensahe.Isa itong bidyo.Pinanuod ko ito...........at halos manlumo sa nakita ko. 


*Blag!* 


Wala silang karapatang saktan o gawan ng kahit na anong bagay si Maika!


"Saan ka pupunta anak?Dito ka lang!Delikado kapag lumabas kang mag-isa!" pigil sa akin ni mama.Iginala ko ang aking paningin.Lahat sila ay nakatinigin sa akin.Nakita kong papaiyak na lumapit sa akin si Erin,"Kuya dito ka lang" sabi nya.Nginitian ko lang sya at ginulo ang buhok nya.Binalingan ko ulit sila mama,"Ililigtas ko si Maika ma.Kahit na anong mangyari ay tandaan nyong mahal na mahal ko kayo." Kinuha ko ang susi ng kotse namin at lumabas na ng bahay. "Drake!Sasama ako!" sigaw ni Jecko. "Wag.Kelangan ako dun ng mag-isa.Tsaka laban koi to.Ayoko ng may madamay pang iba." sumakay na ako ng kotse at pinaandar ito.


From:Unknown 

 Message:Pumunta ka sa address na ito 548 Walangmalay St. Del Valle Residence.Ikaw lang dapat mag-isa Reckon.Sampung minuto lamang.-J


Pagkabasang-pagkabasa ko pa lang sa mensahe sa akin ay binilisan ko na ang pagpapatakbo ng kotse.


"M-Maika!" agad akong tumakbo papunta kay Maika,puno sya ng pasa at galos sa katawan!Naiyak naman ako bigla. "D-Drakey" mahinang sabi nya sabay hawak sa aking pisngi,may tumulong luha sa kanyang mata. "Ooops.Time is over Reckon.Ang sabi ko sampung minuto hindi bente minutos.Huli ka na tuloy ng dating." nagng-uuyam na sabi sa akin ng isang boses sa likod ko.Kaboses nya yung taong tumawag sa akin bago ako mawalan ng malay nung napa-away ako kay Jecko. "Ilang minuto lang din mamamatay na sya." sabi nya at malademonyong tumawa.Hinarap ko sya.Inilang hakbang ko lang ang pagpunta sa kanya at hinawakan sya ng mahigpit sa leeg. "Anong ginawa mo sa kanya?!" galit na sabi ko ngunit nginitian nya lang ako. "N-nam-miss kita Reckon." hirap na sabi nya.Maya-maya lang ay may lumapit sa aking ga lalaki.Nakacorporate attire sila. "Bitawan nyo ako!Anong ginawa mo sa kanya?!" pilit akong nagpupumiglas pero hindi ako makawala. "Pinainom ko lang naman sya ng isang lason Drakey.hahaha.." nilapitan nya si Maika. "Lumayo ka sa kanya!Ugh!" sinuntok ako ng isa sa mga lalaking may hawak sa akin. "Sinabing wag nyo syang sasaktan eh!" 


*BANG!* 

binaril nya yung sumuntok sa akin,ngayon isa na lang ay may hawak sa akin. "Ngayon Maika gusto mo bang makapanuod ng isang huling palabas?Hinding gindi mo ito makakalimutan sigrado.Hahaha.." pinindot nya ang remote at dun bumukas ang isang projector at may nagplay na video.

Hindi malinaw ang kuha pero siguradong dalawang taong naghahalikan iyon.Unti-unti ay luminaw ito.Nanlaki ang mata ko. "Aww...wag kang umiyak sweetie wala pa nga yan eh.Eto ang climax." nag-iba ang palabas.Tinapakan ko sa paa yung lalaki dahilan para makawala ako. "M-Maika!" nilapitan ko sya pero tinignan nya lang ako at sunod-sunod na nagsilabasan ang mga luha sa kanyang mata. "M-Maika." Hinawakan ko ang kanyang kamay,humawak din sya ng mahigpit sa akin.Huminga sya ng malalim at binuka nya ang kanyag bibig pero walang boses na lumabas.Hanggang sa hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari.Tumirik ang kanyang mata at nagsimulang mangisay,may bulang lumalabas sa kanyang bibig. "M-Maika!" niyakap ko sya.Umiiyak na ako. "M-Maika!"tawag ko ulit sa kanya.Bigla syang tumigil.Tinignan ko sya hindi na sya nahinga. "M-M-Maika.."mangiyak-ngiyak kong sabi.



"Hahaha patay na sya Reckon!Ngayon ay magiging akin ka na!"masayang sabi ng demonyo sa akin.Nagdilim ang paningin ko.Bigla ay nakaramdam ako ng kakaiba.Gusto kong pumatay.G-Gusto kong pumatay! "Nararamdaman kong bumabalik ka na sa dati Reckon."

"Sisiguraduhin kong hindi masasayang ang pagkamatay mo Maika." niyakap ko sya ng mahigpit at muling umiyak.Huminga ako ng malalim at hinarap ang babaeng pumatay sa mahal ko. "Pano ba yan?Ang pangit ng huling ala-ala sayo ng Maika mo?"




"Wala akong paki." Nanlaki bigla ang mata nya.



-------------------------

sabi ko dalawa lang naging tatloXD hahahaha bad boy Drakey above

MiRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon