Ratsel

6 1 2
                                    



Kabanata 4





"Babalik ka din sa'kin Reckon."-J




Sinong J?





"Dude!"naitago ko na lang bigla yung sulat sa ilalim ng libro ko sabay silid sa loob ng locker ko.


"Uy,ano yun ha?"pangungulit nya sa akin. "W-wala yun."sagot ko.Inayos ko muna yung locker ko at kinuha yung notebook kung san ko naipit yung sulat. "Hanep ka talaga sa kapogian dude!Dami mong fangirls!Haha..."panloloko nya pa.Inabot ko kaagad sa kanya yung mga Love Lettters na tapos ko ng basahin.Yun kasi sabi nya kapag tapos ko na daw basahin yung mga Love Letters para sa akin ay sya naman.Ewan ko dyan,ayaw ko din naman itapon,iniisip ko din yung nararamdaman ng nagpadala nung sulat sa akin ano.Kaya para wala akong masyadonh isipin binbigay ko na lang din sa kanya,sya na din naman nagsabi eh.


"Labing-dalawang sulat with love para sa'yo?Wow!Peymus!Haha..."natatawang sabi ni Dimes at nagsimula ng basahin isa-isa yung mga sulat.Naiiling na lang ako sa mga sinasabi nya...


Nakarating kami sa Library,hindi pa din sya tapos magbasa.Pa'no papalit-palit sya ng ginagawa,cellphone-sulat,cellphone-sulat...mukhang magkakalablayp na din itong bestfriend ko ah?haha...mabuti yan. "Kanina...."napatingin ako sa kanya. "...may babae akong nakita sa tapat ng locker mo,hindi ko nakita yung mukha kasi nung kinausap ko sya umalis agad."pagpapatuloy nya.Nakakunot-noo na sya.Hindi muna ako umimik pero nung nakita kong hindi na sya magsasalita ay nagsalita na ako.


"Ano namang meron dun?"tanong ko.Eh lagi naman syang nakakahuli ng mga babae sa tapat ng locker ko eh.Kaya anong meron dun? "Ang weird lang, kasi yung pananamit nya katulad ng babaeng nakita ko din sa tapat ng locker room nung isang buwan.Tapos may malaking pulang ribbon sya sa ulo."tinignan ko sya ng nagtatanong.Para saan ba ang pinag-uusapan namin?Ang alam ko kaya kami nandito sa library ay sa dahilang gagawa kami ng report sa Bio. "Alam mo ba ayon sa mga tinanungan ko ang tanging nakita lang sa taong nagdala sa'yo sa clinic ay yung malaking ribbon nya sa ulo?Naisip ko lang na baka iisa lang sila tapos may gusto din sa'yo."sabi nya pagtapos ay ibinalik na sa akin yung mga sulat. "Kakornihan talaga ng mga admirers mo."komento nya sa akin at nag-umpisa ng magbuklat ng libro. "Tara magstart na tayo."sabi nya.


T-Teka bakit? Nakita nya ata yung ekspresyon ko kaya isa-isa muli nyang kinuha yung mga sulat. "Naku....Naku....hirap talaga maging pogi....."


Lumapit sya sa trash bin at itinapon iyon.




--------------------------------------




"Sige dude basta sa susunod kapag wala kayong driver ay huwag kang uuwi ng mag-isa ha?Delikado ka pala kapag nag-iisa."paalala sa'kin ni Dimes.Naikwento ko kasi sa kanya yung pangyayari kahapon hanggang sa may bintana scene.Yung nakakatakot na pangyayaring yun.Naalala ko na naman bigla yung mga mata nya,para kasing papatay kung makatingin.Nauna ko ng sabihin ang pangyayaring iyon kanila mama at papa kaya nga pagtapos ng klase diretso uwi na daw dapat kami at hintayin lang daw yung driver kapag wala pa.Tinanguan ko lang siya bilang sagot.



*Kriiiing!Kriiiing!*


Tumunog yung phone nya.Tinignan nya muna ito bago sagutin. "Saglit lang ha?"paalam nya bago lumayo ng kaunti sa akin pero rinig ko pa din yung mga sinasabi nya. "Ano!?"pasigaw na tanong nya.Tinignan ko sya,tulad kanina sa library nakakunot-noo na naman sya.Binalikan ko na lang yung driver namin,dun na lang ako maghihintay sa loob ng kotse.






Tumagal ng halos tatlumpung minuto pero hindi pa din pumapasok ng kotse si Dimes.Sinilip ko sya dun sa pwesto nya kanina.





Wala sya? "Manong Ron!"tawag ko sa driver namin,lumingon naman sya sa akin may katawagan pala sya. "Sige honey mamaya na lang ulit ha~", "Pasensya na po sa istorbo manong Ron pero nakita mo po ba kung saan nagpunta si Dimes?Kanina lang may kausap sya dito sa phone eh."may pag-aalalang tanong ko. "Naku iho,pasensya na kausap ko din ang misis ko nun eh.Hindi ko alam."sagot nya.Kinabahan ako bigla.Nasan ka Dimes?


*BEEP*

Nawala bigla ang kaba ko nang makatanggap ako ng isang mensahe.


From:Dimes Dude

Message:Dude nauna na ako may emergency kasi.Tandaan mo lagi kang mag-iingat ha?Labyu dude.

Napangiti naman ako. "Tara na manong una na po tayo."





---------------------------

dedicated ulit sa iyo sana hindi ka magsawa sa pagbabasaX'D kahit na alam kong medyo boring itong story haha...

MiRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon