Menschen

14 1 2
                                    



Kabanata 2

"Bye ma,Bye pa."paalam ko kay mama at papa pagbaba ko ng kotse.


"Ingatan mong wag masagi yang sugat mo Drake ha?Love you anak,ingat~"pahabol na sabi sa'kin ni mama bago paandarin ni papa ang kotse.Napatingin ako sa kanya,tango lang ulit ang kanyang tugon.


"Opo ma.Love you too."sagot ko sa kanya sabay flying kiss pa sa kanila bago sila tuluyang umalis.






---------------







"Bye ma,bye pa.PWE!Ang bakla ng mga sinasabi!Hahaha........Mama's boy pala talaga itong si Mr. Goodboy natin eh."nang-aasar na sabi ni Jecko sa'kin.Nagtawanan naman ang mga kasama nya at nakiasar na din sa akin.


JECKO, unico ijo ng may-ari nitong Blue Sky University, ang eskwelehang pinapasukan namin ni Erin, isa syang kapitan at best player ng basketball team.At pangatlo sa may pinakamataas na ranggo sa Dean's list. Mahilig din syang mang-bully, lalo na sa mga trip nyang estudyante.

Napailing lang ako at hindi na lang sila pinansin,mahirap na baka magkagulo.Ayoko pa namang masangkot sa isang away,mag-aalala lang sila mama at papa sa'kin.Malalagpasan ko na sana sila nang may humila sa aking kamay.


Dun sa kamay na may sugat ako!


Aww....ang hapdi.



Nahigit ko bigla ang kamay ko dahilan para masubsob sa lupa si...............................Jecko.


"J-Jecko!S-sorry!"paumanhin ko.Tinulungan ko syang tumayo pero tinulak nya lang ako ng malakas.Ngayon ako naman ang natumba,natukod ko pa ang aking kamay na may sugat. "a-aray."daing ko.Grabe ang sakit talaga.

"Ha!Yan ang bagay sa'yo bakla!Mahina!"sigaw sa'kin ni Jecko bago sila umalis ng mga kaibigan nya na tinatawanan lang ako. "Dapat lang yan sa tulad mo!"rinig ko pang sabi nung isa sa mga kaibigan nya,bakit?ano bang ginawa ko?para mangyari sa akin ito,pinili ko na lang na hindi iyon isipin dahil masakit na talaga ang sugat ko. Sinubukan kong tumayo pero hindi ko kaya,unti-unti ay nakadama ako ng panghihina at napahiga na lamang.Papapikit na ako ng marinig ko ang tawag sa akin ng isang boses.






"Reckon!"




--------------------------------


"Ikaw ang may kasalanan nito Jecko!"

"Anong ako?Sya ang nag-umpisa ginantihan ko lang sya oy!"

"Anong sya?Sabi nung nakakita sa inyo ay ikaw!Tsaka heh!magtigil ka nga matagal ka ng bully!Sasabihin ko talaga ito kay tita.Maghanda ka na."

"Hoy!Kayong dalawa nga magsitahimik!Ang iingay kita nyong nagpapahinga yung tao oh!"


Nagising ako dahil sa ingay,minulat ko ang aking mga mata at ang una kong nakita ay ang girlfriend ko,si Maika.Agad naman akong napangiti.

"Draky baby!Gising ka na!"gulat na bulalas nya nang makita akong nakatingin sa kanila.Natawa naman ako sa kalagayan nila Jecko at Dimes(bestfriend ko),pareho silang hawak sa tenga ni Maika.Binitiwan nya ito bigla at mabilis na lumapit sa'kin.Kawawa.

"Drakey may masakit ba sa'yo?Sabihin mo lang gagamutin ko~"may pag-aalalang sabi nya sa akin.

"Wala namang masakit Maika,ay hindi meron pala dito oh."sabi ko sabay nguso.Namula naman sya sa ginawa ko,haha ayaw nya talaga ng PDA masyado.

"Ayos sa banat bestfriend ah!........Hoy!Jecko san ka pupunta?"napalingon kaming lahat kay Jecko na papalabas na sana ng clinic. "ah mauuna na?"sarkastik na sabi nya. "Anong mauuna na?Humingi ka muna ng sorry kay Drake ko!"galit na sabi ni Maika,hinawakan ko naman sya sa kamay,pampakalma lang. "Ayoko nga!Sya naman talaga ang nag-umpisa eh!"sigaw ni Jecko. "Mag-sorry ka na dude kung ayaw mong sabihin ko kay tita Jamie lahat ng kalokohan mo sa univ."preskong sabi naman ni Dimes sa kanya.Napailing ako,malakas kasi talaga itong si Dimes sa mama ni Jecko. "Fine!Sorry na!Masaya na kayo?"padabog nyang binuksan ang pinto at saka lumabas.


"Hahaha/Hahaha"tawa ng dalawa.

"Sinong nagdala sa akin dito sa clinic?Kayo ba?"tanong ko,magpapasalamat lang ako.

"According kay Prof. Melendrez isang babae daw ang nagdala sa'yo dito.Ang weird nga lang daw kasi lagi lang syang nakayuko tapos pagkalapag pa lang nya sa iyo eh umalis na daw agad."sagot agad ni Dimes sa akin.So hindi pala sila?Hmmm... "Pero kahit na ganun Drakey baby gusto kong alamin ang pangalan nya at magpasalamat sa kanya.Biruin mo yun?Babae sya nakaya ka nya?"sumang-ayon naman ako sa sinabi ni Maika baby pero hindi ko syempre palalampasin ang pang-aasar nya. "Anong akala mo sa akin?Mataba?Sa kisig kong ito?"mayabang na sabi ko pa din sa kanya kala nya siguro hindi ko inintindi yung sinabi nyaXD


"OP ako guys sige na babush na ako."paalam samin ni Dimes,tinawanan lang namin sya bago sya lumabas.Pagkalabas ni Dimes ay sya namang pasok ni Prof. Dornan,guro ko sa Geo at ang papa ni Kylie.Sinabi nya lang na hindi sya makakapagklase sa amin at pwede na daw kaming umuwi. "Sa susunod mag-iingat ka na Drake ha."paalala nya pa bago siya umalis.


Pagkalabas na pagkalabas pa lang ni Mr. Dornan ay sya naming hila sa'kin ni Maika. "Bakit ka nagmamadali Maika?"tanong ko sa kanya. "Dapat talaga galit ako sa iyo ngayon eh pero dahil dyan sa kalagayan mo ay hindi na natuloy!Nakalimutan mong monthsary natin ngayon!Dun tayo magseselebreyt sa bahay mo,ipagluluto ko kayo ni tita at mga nagagandahan mong mga kapatid."sabi nya sabay hila sa akin papuntang parking lot,nandun yung driver nya naghihintay .

MiRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon