MIR

5 0 0
                                    

Kabanata 9

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.Basta nakita ko na lang ang sarili kong sinusuntok ang bawat humarang sa aking dadaanan. "Protektahan si Miss Serenity!" sigaw ng isa,lumapit sya sa akin at bumunot ng baril.Bago pa man nya maiputok yun ay naunahan ko na sya. 


*BANG!BANG!BANG!* 


Kelan pa ako nagkaroon ng baril?Tumumba silang tatlo na natitira.May isa pang sinubukang tumayo,dapat ay tinigilan ko na sya pero nakaramdam ako ng panggigigil,binaril ko sya ng tatlong beses pa. "Ugh!" daing ko. Nagdudugo ang kanang balikat ko. "Yan ang Reckon na kilala ko walang kumokontrol,malakas, di nagpapatalo, magaling sa lahat ng bagay at ang tanging gusto lang ay ako----Aack!" di ko na sya pinatapos magsalita,sinakal ko na sya. 


  "PINATAY MO SI MAIKA!" galit na sigaw ko sa kanya. "R-Re-Reck-ko-n." nahihirapang sabi nya. Mapapatay ko sya. Napaluwag ang hawak ko sa kanya nang ma-realize ko kung ano ang mangyayari sa kanya.Mapapatay ko sya!IHindi ko dapat gawin iyon sa kanya!Wala akong pinagkaiba sa kanya kung gagawin ko iyon! "Pero Drake pinatay nya si Maika." napalingon ako sa nagsalita.Nakita ko ang sarili ko,nakangiti sya,iba ang ngiti nya,ngiting may binabalak na masama at namumula ang mga mata nya. "Yan ang paraan para makaganti ka Drake patayin mo sya." nakangiti pa din sya.Tingnan ko si Serenity,bigla ay may namuong galit ulit sa aking puso.Sobrang galit.Hinigpitan ko lalo ang pagkakahawak sa leeg nya. "R-Reckon,m-mahal n-na ma-m-mahal k-ki-kita t-tandaa----"


"HINDI PAGMAMAHAL ANG TAWAG DYAN SERENITY!HINDI MO AKO MAHAL!KUNG MAHAL MO AKO HINDI KA GAGAWA NG MGA BAGAY NA IKAKASAKIT KO!MADAMOT KA!" 


*PAK!* Sinampal ko sya.Hindi nya ako mahal.Baliw sya. "Yan tama nga yan Drake.Gamitin mo ito para mapabilis ang kanyang kamatayan." Inabot nya sa akin ang isang metal na bagay.Kutsilyo. "Sige na Drake.Si satanas ay naghihintay na sa kanyang kaluluwa."gulat akong napatingin sa kanya,ang taong kaharap ko ngayon ay may dalawang sungay na at malademonyong nakatingin kay Serenity.

Binitawan ko ang kutsilyo, "Hindi..."nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. "...hindi maaari.Kung papatayin ko sya parang wala na din kaming pinagkaiba at sa tingin ko..." binaba ko si Serenity at lumapit sa natutulog na si Maika.Hinawakan ko ang kanyang nanlalamig na kamay.Nakaramdam ako ng malamig na hangin na humahaplos sa balikat ko. "..tingin ko ay hindi matutuwa si Maika kung gagawin ko nga iyon." patuloy ko.


"Aaaah!" biglang nagwala ang masamang ako. "Ikaw!" masamang sabi nya sa akin. "Kung hindi sya ang mamamatay,ay IKAW!Ikaw ang mamamatay!" sigaw nya.Nakita ko ang kutsilyong nahulog ko kanina. "R-Reckon!Wag mong sasaktan ang sarili mo!"hindi ko masyadong narinig ang sinabi nya sa akin,kelangan kong agawin ang kutsilyo sa masamang taong ito. 


"Mamamatay ka!" sigaw nya sa akin.


Kinuha ko ang kutsilyo at lumayo sa kanya.


Tinutok ko ito sa aking dibdib.



Ngumiti naman sya. 


"Reckon wag!" 



*BANG!* 



Binaril nya si Serenity.Napikit ako at isinaksak sa sarili ang kutsilyo. Ang sakit.Gaya ng sakit na naramdaman ko sa panaginip ko.Ang hapdi.Napaluhod ako sa sakit at umubo ng dugo.Hanggang sa napahiga na lang ako at pumikit.Napangiti naman ako ng may maisip,magkikita na ba tayo agad Maika?Mahal na mahal kita.Bago pa man ako tuluyan mawalan ng ulirat ay may nakita akong isang pares ng mga paa na papunta sa pwesto ko.Ngunit hindi lang iyon ang napansin ko,mayroon pang isang pares ng mga paa sa likuran nya......nanlalabo na ang paningin ko kaya hindi ko malinawan kung sino o ano iyon,basta maduming paa iyon,ito na ba?


Sa akin pagbagsak ay may isang napakalakas na hangin ang umihip.


*blag*


"DRAKE!"

��ѧ��


ano ending na ba? T^T nagets nyo ba? >.< medyo naguluhan din ako pero naalala ko story ko pala to HAHAHAHAXD


-JusticeSiwoo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MiRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon