Angriff

4 0 0
                                    


Kabanata 5




"Mr. Padua ikaw ang lalaban para sa team natin sa Swimming Competition for Colleges na gaganapin sa Laguna.Kaya starting today magpapraktis ka na."sabi ni coach Jim sa akin. "Sige po coach."nginitian ko sya at nagthumbs up pa.Yes!Ako lalaban!Pumunta akong changing room para magpalit ng pang swimming attire.Paglabas ko naghiyawan yung mga kaibigan ko sa swimming team. "Konggrats Padua!Ikaw representative ng university sa swimming team!"bati sa akin ni Dennis,bago lang sya sa team pero naging kaclose ko naman agad."Salamat!"masayang sabi ko. "Tara Padua 2 laps tayo!Pabilisan!"panghahamon sa akin ni Ramon.Hindi ko naman sya inurungan at tinanggap ang hamon.




Pagtapos ng sampung minuto.........




"Walang kupas!Bilis mo talaga!"manghang sabi nya sa akin. "Salamat haha mabilis ka din naman ah!"puri ko sa kanya. "Pero mas mabilis ka pa din!hahaha.."balik nya sa'kin.Napailing na lang ako at tinignan ang oras,maga-alas diyes na pala,may usapan kami ni Maika baby. "Sige una na ako sa inyo ha?Pakisabi kay coach bukas lang na ako magsisimula."um-oo naman sila kaay umalis na ako at nagpuntang changing room para magpalit ulit.


--------------------------------------



"Ang hot mo Drake!"rinig kong sigaw ng isang babae.Hindi ko sya kilala,yung mga kaklase ko naman sa iba't-ibang klase ay nagtatanong kung bakit nakaganto lang ako.Sinasagot ko naman sila ng,"Nawawala kasi yung mga damit ko eh." Opo nakatrunks pa din ako.Yung damit ko kasi nawawala dun sa pinagsabitan ko,tinanong ko naman yung mga kateammates ko kung may kumuha ang sabi nila wala pa namang pumapasok ulit sa kanila sa changing room,ako pa lang daw.Kaya eto wala akong ibang pagpipilian kuyndi ang maglakad ng nakatrunks lang at towel papuntang locker ko.Nandun kasi pamalit ko pang iba.


Ayun!




Napakunot-noo naman ako sa nakita,pero agad din yun napalitan ng panlalaki ng aking mga mata ng makita ko ng mabuti ang nakasabit sa locker ko.Binasa ko yung nakasulat. "Para sayo Reckon."-J.



"Nice Drake ang laki nyan ha!"asar sa akin ni Jecko ng mapadaan sya sa gawi ko.Sinamaan ko lang sya ng tingin.Hindi nakakatuwa mga nangyayari ngayon.Dali-dali ko namang kinuha yung nakasabit na bra at agad na binuksan ang locker ko.Agad na tumambad sa akin ang masangsang na amoy ng patay na hayop.Kuneho.Napatakip agad ako ng ilong. "Shet Drake!Isara mo nga yan!Ang baho!"sigaw ni Jecko sa akin sabay sara ng locker ko.Nabasa ko yung sulat.'Kinuha ko na damit mo,pangremembrance lang Reckon.-J',binalingan ko si Jecko na ngayon ay nakatakip na din ang ilong,ang mga estudyante ay nakikiusyoso na. "Jecko hindi nakakatuwa itong mga biro mo sa akin ngayon ha!"inis kong pasigaw sa kanya sabay tulak ng malakas sa kanya.Hindi talaga nakakatuwa!Ayoko makakita ng patay! "Anong nangyayari dito?"rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses. "Patay."sabi ni Jecko.





"Kayong dalawa sa office ngayon din!"

MiRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon