07

100 4 0
                                    

Sol.

I opened my eyes because i felt uncomfortable in my current position. Agad akong nagpanic nang mapansin na hindi pamilyar ang aking paligid. 


Puro puti lamang ang aking nakikita pero agad din akong nagkaideya nang mapansin ang monitor sa aking tabi. 


May nakatusok sa aking karayom na nagdadala ng gamot sa aking katawan. 


Unti unti ko ding nadinig ang ingay ng aking paligid. Hindi ko alam kung ilan ang mga ito dahil sa kurtinang tumatakip sa akin. 


Bumangon ako at hinila ang pole kung saan nakasabit ang gamot. Bahagya kong binuksan ang kurtina at sumilip sa aking palagid. 


Agad akong napaatras nang makita ang mga taong sugatan at halos mabalot na ng dugo ang katawan. 


Dahil sa pag-atras ko ay gumawa ito ng mahinang ingay dahilan para madinig ng taong nasa kabila. 


"Hoy!" saway sa akin ng isang lalaking sa tingin ko ay nalalapit sa aking edad. Kinabahan ako dahil akala ko ay galit sya ngunit nang makita ko ang kanyang mukha tanging pag-aalala lamang ang nakikita ko dito.


"Humiga ka lang muna, baka bigla kang mahilo hindi pa magaling ang sugat sa nuo mo." mahinang paalala nya dahil kahit na may kaunting ingay na nagaganap sa labas ay nasa hospital pa rin kami.


Napahawak ako sa aking nuo at doon ko lang naalala na nawalan ako ng malay matapos makita ang dugo mula sa sugat sa aking nuo. 


Dahan-dahan akong nahiga ulit at magaan ang kamay na tinulungan ako nung lalaki. 


Takot ako sa dugo, kaya ayaw na ayaw kong nakakakita nito kahit na maliit o patak lamang non ay nagpapanic na agad ako. 


Tumingin ako sa mukha ng lalaking tumulong sa akin. 


Napakaamo ng mukha nya kaya sigurado akong wala syang gagawing masama sa akin.


Hirap akong magtiwala sa iba lalo na sa mga hindi ko kakilala pero pagdating sa kanya hindi ko alam kung bakit ganito ang aking nararamdaman. 


I feel safe around him, and there's something with him that makes me feel this way. 


Tumingin pabalik sa akin yung lalaki kaya agad akong nag-iwas ng tingin para kasing kanina ko pa sya tinititigan. 


Nadinig ko ang mahina nyang pagtawa. 


"Sya nga pala, anong pangalan mo? Hindi ka pamilyar sakin at parang hindi ka naman namin kasamahan. Pasensya na kung nadamay ka." paumanhin nya.

KSM 1: lateralWhere stories live. Discover now