47

58 3 0
                                    

Sol.

"Oh nandito na pala kayo." napatingin kaming tatlo sa babaeng nag-aayos ng kanyang buhok.

"Ma." usal ni Rhythm kaya tumayo ako at nagmano sa kanya.

"Hello po." sabi ko.

"Ma, Si Sola. Sola, mama ko." pagpapakilala ni Rhy habang ang kanyang kamay ay nasa likod ko. Napatingin naman ang mata ng mama ni Rhythm sa kamay ng anak bago nakipagtitigan sa akin.

"Ikaw ba ay girlfriend nitong anak ko?" tanong nya nya sabay malapad na ngumiti. "Nako, wag na kayong maghiwalay, ipagdadasal ko ang relasyon nyo. Maalaga yang anak ko, mabait pa, alam kong hindi ka sasaktan---"

"Ma, hindi kami." putol ni Rhythm dito. Napa-oh na lang ang kanyang mama kaya nginitian ko na lang ito.

Kumirot bigla yung puso ko sa sinabi ni Rhy pero tama naman sya and i kniw he  didn't mean to offend me, ako lang yung may problema.

"Happy fiesta po." bati ko para pag-ibsan yung awkwardness na namutawi sa pagitan namin.

"Sayo din, ija." nginitian pa din ako ng ginang. "Dito na kayo sa hapag alas dose na pala. Kumain na kayo." sabi nya at tinalikuran kami, pumasok sa kwarto nila.

"Tara na." hinawakan ni Rhythm yung isa kong kamay.

Agad kong binawi iyon at pinuntahan si Harmony. "Sabay tayong kumain." nakangiting sabi ko sa kanya. Tumango ito at sinundan ko syang lumakad doon sa dining table nila.

"Ayos ka lang?" tanong ni Rhythm na nasa likod ko.

Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Oo naman." simpleng sagot ko.

Masaya kaming kumain sa hapag nila. Tatlong putahe ang meron doon pansit, menudo at sopas. "Masarap ba, ija? Ayos lang ba sa panlasa mo? Pasensya na at ito lang handa namin." sabi ng mama ni Rhythm.

"Okay lang po ang sarap po ng luto nyo!" sagot ko at hinigop ang natitirang sabaw ng sopas sa mangkok ko.

"Taga san ka pala, Sola?"

"Sa dulo ng Ams, ma." si Rhythm ang sumagot para sakin. Nakangiting tumango lang ako sa mama nya dahil nakatingin pa ito sa amin.

Biglang namang dumighay si Harmony kaya natawa kami ng mama niya. "Excuse me." cute na sabi nya. Nagkasalubong ang mata namin ni Rhythm kaya nginitian ko sya.

"Ma, ipagpapaalam ko pala si Harmony na sasama kay Sola." sabi ni Rhythm at tumingin sa mama nya.

"Saan kayo pupunta?" tanong nito.

"Sa mall, mama!" masiglang sagot ni Harmony kaya mahinang natawa ako.

"Hindi ba nakakahiya kay Sola yon? Naku maglilikot ka lang kasama sila." naiiling ang ginang.

"Hindi po. It's really okay, ako din naman po ang nag-aya sa kanya." sagot ko at hinaplos ang buhok ni Harmony. Mukhang hindi pa rin kumbinsido ang ginang pero patuloy sa pangungulit si Harmony na payagan nito.

"Ah sige kung ganun pero Harmony maligo ka muna at maggayos ng sarili." habilin ng mama nya, nagtatalon naman si Harmony at nagtungo sa kwarto nila.

"Ay wag kang tumalon, kakakain mo lang!" pagpapagalit ng mama nila kay Harmony at sumunod dito.

Mahina pa akong natatawa sa mga ginagawa ni Harmony nang mabaling ang mata ko kay Rhythm. Inaayos na nya ang mga pinagkainan namin at nilalagay iyon sa lababo.

"Let me help you." i told him when he's about to wash the dishes.

"Ako na, baka makabasag ka lang." asra nya.

Sinamaan ko naman sya ng tingin. "Hindi no!"

"Marunong ka ba maghugas?" tumungin si Rhythm sakin na parang hindi naniniwala na marunong ako sa gawaing bahay.

"Kung nakatingin ka naman! I know to that, too! Baka nakakalimutan mong mag-isa ako sa condo mo." pagmamalaki ko.

"Weh? Talaga? Try mo nga." sabi ni Rhy at tumabi ng kaunti.

I went to his place and arrange the dishes, I was searching for something below the sink but i couldn't find it.

"Wala kayong dish washer?" tumingin ako kay Rhythm.

Nahampas nya naman ang kanyang nuo at tinawanan ako. "Wala kaming ganun dito, kami ang washer ng pinagkainan namin." sabi nya sakin.

"Eh??" hindi pa din makapaniwalang sagot ko at tumabi dahil pinaalis ako doon ni Rhythm.

"Nagmamagaling ka pa, di ka pala marunong." tatawa tawa si Rhythm.

Nakaupo ako sa sofa nila habang nakikipaglaro kay Harmony, hinihintay na lang namin si Rhythm na makapagbihis at paalis na kami.

"Tara na?" aya ni Rhythm na nakatindig sa harap namin, inayos na ni Harmony ang kanyang mga laruan at humawak sa kamay ko.

I smiled at Rhythm and nodded. Lumingon naman sya sa likod nya kung saan nakatayo ang mama nya. "Ma, alis na kami." pagpapaalam ni Rhy.

"Ingat kayo ha, ang kapatid mo Rhythm baka mawala." habilin nito.

"Hindi yan ma, ako bahala." sagot nito at ginulo ang ayos ng buhok ng kapatid kaya nag-away pa sila doon.

Mahina akong natawa sa kanilang dalawa bago bumaling sa mama nila Rhythm. "Alis na po kami, tita." sabi ko.

"Sige, ija. Happy fiesta ulit." bati nito.

"Salamat po sa pagkain." tugon ko.

Kumaway si Harmony sa mama nila habang papalayo kami at ginantihan naman kami ng ngiti nito.

I was holding both Rhythm and Harmony's hands like they don't want to let go of it. It feels like we're a family. Some day i want to have my own that I will love and treasure.

KSM 1: lateralWhere stories live. Discover now