37

60 3 0
                                    

Sol.

Tanaw ko na si Rhythm na nakatayo malapit sa guardhouse kaya naman mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo palapit sa kanya.

Niyakap ko sya ng mahigpit dahil naalala ko ang sinabi nya na nilalamig na sya kanina pa. Nilakad ko lang kasi mula sa amin kahit na napakalayo kaya siguradong ang tagal na nyang nilalamig dito.

"Are you okay now?" tiningala ko si Rhythm. Nakita ko ang pamumula ng kanyang mukha na nasisinagan ng ilaw mula sa poste.

"Your face is red." i told him and cope his face. I laughed. "Ako pa yung tinatawag mong tomato tignan mo mukha mo ngayon."

"Tara na, let's talk about what's bothering you." i held his hand and pulled him close to the garage. We rode the bicycles we used before and took the same road we had taken.

"You have class tomorrow?" tanong ko kay Rhythm na naggiikot sa akung harap.

Tumango sya. "Tanghali pa naman." sabi nya pa. "May problema ba sa inyo?" biglang tanong nya.

Naramdaman ko ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin kaya napatunghay ako at nagtama ang aming mga mata.

"Wala naman, I'm just stressed about acads." sabi ko ang nagpidal ulit.

"Gusto mo tulungan kita?" tanong nya.

"Wag na, i know you are more busy than I am and thank you for always accompanying me."

"Wag mo ng isipin yon." tumawa sya. "Paunahan tayo sa baba kita na lang tayo sa 7/11 dyan sa malapit at ang mahuli manlilibre." sabi nya at umayos.

"Madaya, mauuna ka nyan syempre mabilis kaya kapag pababa." reklamo ko

"Yun na nga eh, mapapabilis ka kapag pababa." tumawa pa sya at inunahan ako.

"Hoy! Rhythm! Kapag ikaw naaksidente lagot ka sakin." sigaw ko at hinabol sya pero medyo mabagal pa din ang pag-andar ko.

Tatawa-tawa naman sya nang madatnan ko sya sa tapat ng 7/11.

"Libre mo na ako kahit ice pop na lang." sabi nya at inakbayan ako matapos maiparada ang bike.

"Madaya ka, pasalamat ka hindi ka naaksidente."

"Edi thank you." pang-aasar nya pa bago kami makapasok.

Bumili lang kami ng ice pop at tubig bago lumabas ulit at kinain doon ang ice pop.

"Rhy, how do you deal with your problem?" tanong ko sa kanya habang kumakain.

"I search for solution, of course."

"Eh eto, i will give you a situation and tell me how you will solve it." i said.

"Sige lang." tumango pa.

"If a boy is hiding something from you that will make you angry, how will approach him and what will you say?"

Napaisip saglit si Rhythm at napatingin sa kawalan.

"Ano nga ulit yung tanong mo?" kapag kuwan ay tanong nya.

"How will you approach him and what will you say?" tumingin ako sa kalsadang kaharap namin.

"Hm? Bakit ko pa sya lalapitan? Hahayaan ko na lang sya may mga bagay kasi na hindi naman na kailangan pagbalingan kung hindi naman importante."

"Then, what if it's serious?"

"Edi sasapakin ko sya."

"What if it's a girl?"

"Hindi ko sya sasaktan, tatanungin ko sya kung bakit nya ginawa yon." sabi nya at napabaling sa kanya ang aking tingin nang may ibinato sya na kung ano doon ko lang napansin na ubos na ang ice pop nya.

Tumango lang ako sa sagot nya at hindi nagsalita.

"Bakit ka puro tanong?" tumawa sya. "Nag-away ba kayo ng boyfriend mo?" tanong nya.

"I don't have a boyfriend nga." i rolled my eyes.

Tumawa sya at sumandal sa upuan. "Pano kaya kung ako yung bf mo? Tapos ganun yung nangyari, ano gagawin mo?"

"Wala, ba't naman ako magagalit sayo?" tanong ko at tumingin sa kanya.

"Bakit nga ba?" sunalubong nya ang aking mga mata nang may pag-aasar. Alam kong nagbibiro lang sya pero naramdaman ko pa din ang pag-init ng aking mga pisngi.

"You're tomato again." he chuckles. "Tara na, hatid kita sa inyo gabi na."

"Wag mo na ako ihatid samin."

"Sola, i insist."

"Doon na lang sa garahe. Malayo yung amin tapos uuwi ka pa sa inyo, baka antok ka na."

"Wala to baka matibay ako." sabi nya at hinampas hampas ang braso.

Tumawa na lang ako. "Tara na nga, lumalakas ang hangin sa banda mo eh." biro ko.

Nagbike na pabalik sa AmS Hills habang nagkukwentuhan.

"Sol." tawag nya sakin.

"Bakit hindi na Sola tawag mo sakin?" tanong ko saka nag pout.

"Hindi kasi, sasabihin ko lang sana kung ano ibig sabihin ng pangalan mo."

"Syempre alam ko na yon sa tagal ko bang nabuhay."

Tumawa sya at biglang tumigil sa pagbibisikleta, tiningala nya ang buwan sa kalangitan kasama ang mga bituin.

"Sol, your name means sun and just like it you shine my dark, lightless life. " he said and glanced at me.

KSM 1: lateralWhere stories live. Discover now