55

51 3 0
                                    

Sol.

I get to the capicoff right on time. Wala pa si Rhythm dito pero 4 o'clock kasi ang napag-usapan namin oras, siguro ay patapos pa lang ang klase nya o kaya ay nasa byahe pa lang papunta dito.

I ordered a chocolate frappe para may mainom ako habang naghihintay. Nagphone muna ako habang hinihintay si Rhythm at yung inumin ko.

I didn't order for Rhy kasi baka malate sya, hindi ko naman maiinom pareho. Ilang saglit pa ay dumating na ang aking inumin.

Napatingin ako sa labas pero wala pa din si Rhythm, bigla naman akong nakatanggap ng notification.

I smiled when i received a text from him that he's on the way here. Nararamdaman ko na ang aking excitement.

I'm on my best simple outfit today. I know I'm always with Rhythm and we always go to different places but i don't know how to explain what I'm feeling right now.

It's a date, not just a simple meeting. Hindi lang simple pagsasama namin sa araw na to kundi may koneksyon na maglalapit samin.

Kaya hinintay ko sya, hanggang sa lumipas ang oras. Wala pa rin sya dito at wala na syang ibang text kaya kinabahan na ako.

Kinuha ko ang aking telepono at ako na ang nagtext sa kanya.

━━━━━━ ☼ ━━━━━━

MESSAGES

Rhythm

5:15 pm

Sol:

rhy where are you na?
traffic?

Rhythm:

sorry may gagawin pa pala ako

Sol:

okay, take care
read.

━━━━━━ ☼ ━━━━━━

Bumagsak ang balikat ko nang mabasa ang reply nya. It's our first date pero hindi sya makakapunta. He said he'll always make time pero nagback out sya last minute.

Humigop na lang ako sa aking frappe, huli na pala iyon dahil naubos ko na kakahintay.

Well, i shouldn't expect too much. Wala namang kami at baka ang sinabi nyang date ay friendly date lang, bigla bigla lang akong nag-iisip ng mga bagay bagay.

Nanatili ako doon ng isa pang oras dahil nagbabakasakali pa din akong dadating sya pero wala talaga, pinaasa ko lang ang sarili ko at wala syang kasalanan.

KSM 1: lateralWhere stories live. Discover now