At dumating na rin yung araw na hinihintay naming lima. Sa chapel lang sa loob ng seminary mag-ma-mass si Fr. Alvin. Ayos na naman ang lahat. Ang venue, ayos na ayos na. Pinapatawag na rin ang mga bata na aattend ng mass ni Father at makikiisa sa charity event after ng mass na si Fr. Alvin din ang mangunguna.
Kami-kami naman ng mga kasama ko, nag aayos ng gagamitin sa communion sa mass. Me and Kevin focused on the Hostia or sacramental bread while Allen and Gilbert focused on the chalice. And Allen prepared the candles that will be used in the altar. And then later on, the mass started and we are all happy and prepared.
Habang naglalakad kaming mga servers kasama si Fr. Alvin at ang iba pang pari papunta sa altar, napapansin ko na na wala na sa focus si Kevin. At sa di sinasadyang pagkakataon, natapakan niya yung suot kong Sutana. Na-out of balance ako at natumba. Pati si Kevin natumba din at nalaglag niya yung chalice na hawak niya at nasira. Nabitawan ko din ang hawak kong lalagyan ng mga hostia. Di ko sinasadya, at nasira ko din ito. Yung mga nasira namin ni Kevin ay sobrang napaka-mahalaga nun para sa mga pari sa seminary. Kasi since 1926 na naitatag ang St. Anthony Seminary, iyon na ang ginagamit ng lahat ng mga pari na nagsilbi sa seminary namin. Talagang napangalagaan lang nila kaya hanggang ngayon nagagamit pa. Eh kaso nasira na namin ni Kevin.. Hayyyyyysssssstttttt... Hindi na magagamit yun. They told us that "those are sacred" eh.
Hindi na itinuloy yung mass at dumiretso na lang ang mga bata sa charity program na hinanda ni Fr. Alvin. Habang kami ni Kevin ay pinatawag na sa office ni Fr. Rhony. For sure papagalitan na kami and bibigyan ng parusa. Nang makapasok kami sa office....
Fr. Rhony: (Galit na galit) Anong masamang espirito ang sumanib sa inyo kanina, Larry at Kevin?!? Ha? Ano?!?
Me: Father Rhony, hindi po namin sinasadya yung nangyari kanina. We didn't mean it. We don't like what happened, Father. Please forgive us.
Kevin: Father, sa totoo lang po.. Ako po ang may kasalanan. Natapakan ko po ung sutana ni Larry at yun po ung naging dahilan para matumba siya.. Kaming dalawa.
Fr. Rhony: Nasira ninyo ang pinakaiingatang gamit ng buong St. Anthony Seminary at paghingi lang ng sorry ang magagawa ninyong dalawa?! Panginoon ko! Dapat talaga nagdalawang-isip na lang ako na pinili ko kayo para maging servers.
Kevin: Patawarin niyo po kami, Father.
Fr. Rhony: Pwes, tanggapin ninyong dalawa ang parusa na nakahanda.It's VERY sad because me and Kevin have been kicked out of the seminary. 4 months pa bago ulit kami makabalik sa seminary. Yun ay kung maiisipan pa namin ni Kevin na bumalik pa at kung talagang sincere kami sa desisyong magpapari talaga kami.
BINABASA MO ANG
Love, so divine
Short StoryMaisipan kaya ng isang seminarista na umibig sa isang babae? O tuluyan na niya kayang ialay ang buhay niya para sa kanyang napiling bokasyon? Simulan na itong basahin para kiligin at malaman ang mga sagot sa mga tanong na iyon. :)