It's sunday so I decided to attend a mass in St. Anthony parish. Sakop ng parish na yun yung seminary na pinanggalingan ko. Niyaya ko si uncle at si Kevin pero si Kevin lang ang sumama kasi may pupuntahan daw si uncle. Naglakad lang kami ni Kevin papunta dun.
(Habang naglalakad)
Kevin: Ah, pre...
Me: Oh?
Kevin: Thank you nga pala ulit sa pagpayag nyo ni Tito Rudy na doon muna ko sa bahay niya mag-stay habang di pa ko nakakauwi sa province.
Me: Wala yun, Kevs.At nakarating na kami sa simbahan. Hanggang sa nag-umpisa na ang mass...
At nang matapos yung misa, niyaya ko si Kevin na pumunta ng parish office para i-try kausapin si Fr. Rhony. Eh kasi parang gusto ko na rin talaga bumalik ng seminaryo. Parang hindi ko kayang maghintay pa ng ilang buwan bago bumalik dun.
Maya-maya lang, kumatok kami sa parish office.
**Tok-tok-tok**
Fr. Rhony (nasa loob ng office): Yes, come in.
At pumasok na kami ni Kevin sa loob. Nagulat si Fr. Rhony nang makita niya kami.
Fr. Rhony: And why are you here?!
Me: Father, patawarin niyo na po kami. Gustong-gusto ko na po talagang bumalik ng seminaryo eh..
Fr. Rhony: Iho, the two of you really need to accept that punishment na you have to wait for 4 months bago bumalik sa seminaryo.
Me: Pero Father?!
Fr. Rhony: Wala ng "pero-pero", Vousche.
Kevin: Tara na Larry, wala na rin naman tayong magagawa.Lumabas na kami ni Kevin at naisip ko na pumunta sa may ampunan. Gusto ko na din kasing bisitahin yung mga bata na napamahal na rin sakin. Kaso, nagpaalam na si Kevin sakin na mauuna na daw siyang umuwi.
Pagbukas ko ng pinto, biglang may batang nambato ng stuff toy sa mukha ko. At biglang may sumaway sa bata... "Hoy! Mali yung ginawa mo. Mag-sorry ka sa bisita natin..". Nagulat ako nung makita ko yung mukha nung babae. Siya yung nambato ng kape sakin. "Ikaw?!", sabay naming nasabi sa isa't-isa. "Anong ginagawa mo dito?", tanong ko sa kanya. "Ah.. Tagapag-alaga din ako ng mga bata dito, bakit?!", sabi niya. "Ah ganun ba? Ah, eh.. Wag mong turuan yung mga bata na manguha ng KAPE na hindi sa kanila ah?", pang-asar ko. "Hoy lalaking mayabang, kung ang ipinunta mo dito ay panggugulo.. Pakiusap umalis ka na. Baka mahawaan pa ng kayabangan mo yung mga bata.", ang sabi niya. At may biglang sumigaw ng "Brother Larry?!?".. Nakita ko agad yung sumigaw na yun. Yun yung bata na super close sakin, si Rico. Bigla akong nilapitan at niyakap ni Rico. "Brother, bakit hindi po kayo nakadamit na pang-seminarista?", tanong niya. "Ah.. Mahabang istorya, Rico.", sabi ko. "Hmm.. Siguro napatalsik ka noh? Hahahaha.. Dahil ba sa kayabangan mo?", sabi nung babae. "Grabe ka, ate Andy! Hindi naman po mayabang si Brother Larry eh!..", depensa ni Rico. "Ahh.. Miss Lasenggera.. Andy pala ang pangalan mo.", sabi ko. "Hoy! Anong miss lasenggera?! Aba--", sabi niya at bigla ko din naman pinahinto yung pagsasalita niya. "Oo, lasenggera. Diba kaya ang lakas ng loob mo manggulo sa cafe ko nung isang araw kasi lasing ka?!?..", depensa ko. "Ahh... ehh...". At yun nga lang ang nasagot niya. "Hahahaha! Naalala ko pa.. Yung nakatulog ka sa may garden ng cafe ko?! HAHAHA! Nakakatawa ang itsura mo dun!", dagdag pang-aasar ko pa. Nagulat ako ng biglang pumasok sa loob yung madre na head ng ampunan. "Totoo ba lahat ng narinig ko, Andy?!", tanong niya ng pagalit. "Ahh.. Tita.. Ahh..", sagot ni Andy. "Sister Ana?! Kamusta na po kayo?", tanong ko sa kanya. "Iho? Brother Larry?! Oh? Bakit hindi ka nakadamit pang-seminarista? Anong nangyari?", tanong niya. "Ahh.. Saka ko na po ikekwento sa inyo, Sister.", sabi ko. "Teka Andy, sagutin mo ang tanong ko?! Tama ba ang narinig ko na naglasing ka?", pasigaw niyang tanong kay Andy. "So-sorry po, tita..", pakiusap niya. "Teka, Sister.. Pamangkin niyo po siya?", tanong ko. "Oo, iho.", sabi ni sister. Hanggang sa lumabas na lang ako ng ampunan at hinayaan ko silang mag-usap. Pagkalabas ko, agad din akong naglakad pauwi.
BINABASA MO ANG
Love, so divine
Short StoryMaisipan kaya ng isang seminarista na umibig sa isang babae? O tuluyan na niya kayang ialay ang buhay niya para sa kanyang napiling bokasyon? Simulan na itong basahin para kiligin at malaman ang mga sagot sa mga tanong na iyon. :)