Kevin: Ahhh!!! Pagod na pagod na ko, Larry! Pwede ba tayong magpahinga muna?! Kanina pa tayo lakad ng lakad eh. Ikaw? Hindi ka ba napapagod?!
Me: Ang lakas ng loob mong magreklamo ah?! Kung hindi naman dahil sayo, hindi tayo mapapatalsik sa seminaryo.
Kevin: Hindi ko naman sinasadya na natapakan ko yung sutana mo! At walang may gusto ng nangyari. Kaya wag ka ng manisi. Wag mo na rin isipin yung mga nangyari na yun! Ang mabuti pa, isipin mo na lang kung saan tayo makikituloy ngayon.
Me: Alam ko na! Makikitira tayo ngayon doon sa bahay nung uncle ko.Naglakad kami ng naglakad hanggang sa makarating kami sa bahay ng uncle ko.
**Tok-tok-tok**
"Tao po? Uhm.. Uncle Rudy? Uncle?", sabi ko. At nang biglang may nagsalita.. "Sino yan?". "Uhm si Larry po ito. Larry Vousche. Pamangkin po ako ni Mr. Rudy Llameda. Nandiyan po ba siya?", banggit ko. "Larry?".. At biglang lumabas ang Uncle Rudy ko with a big smile on his face. Uncle Rudy is the youngest brother of my mom. And then ako kasi ang favorite niyang pamangkin kaya ganun na lang yung ngiti niya nang makita niya ko. Wala kasi siyang sariling anak kaya very close siya sa mga pamangkin niya.
"Oh, pasok ka. Pumasok kayo ng kasama mo.", sabi ni Uncle Rudy. At pumasok na kami ni Kevin sa bahay ng uncle ko. "Bakit nga pala naparito ka, Larry. Eh di ba nag aaral ka sa isang seminary? At it will take two or more years muna bago kayo makalabas.. Bakit ba naparito ka?!", my uncle asked. "Uncle, napatalsik po kami ni Kevin sa seminary. And napakahabang istorya kung iisa-isahin pa natin. Saka, uncle.. 4 months pa ang hihintayin namin bago ulit kami makabalik dun.", paliwanag ko. "Alam na ba 'to ng mommy and daddy mo?", he asked. "Uhm, hindi pa po. Pero wag po kayong mag-alala, Uncle. Sasabihin ko din naman po agad sa kanila kapag na-contact ko na si mommy.", sabi ko. "Ah siya nga pala, Larry. Inayos ko ang dati mong room and yung laptop ko, doon ko na lang inilagay sa room mo. Nagpakabit na rin ako ng internet connection and if you want, kausapin mo na lang ang mom mo through Skype.", uncle Rudy said.
Kevin decided to stay with me in my uncle's house because their house is on their province and he doesn't have any relative that lives near the place where we are staying. Kevin stayed in the guest room of my uncle's house while me, I stayed at my own room that my uncle made for me. I called my mom through Skype and told her all the bad things that happened to us.
"Oh ano? Napagalitan ka ba ng mommy mo?", tanong ni uncle. "Opo, uncle pero nag-promise naman ako sa kanya na habang nasa labas ako ng seminary, magpapakabait na ko.", sabi ko. "Okay, that's good. Pero Larry, ipangako mo sakin na hinding hindi ka gagawa ng kahit anong kalokohan habang nasa labas ka ng seminaryo at nasa pamamahay kita ha? At ayokong mababalitaan ko na manliligaw sa mga babae diyan sa labas ng compound natin. Tandaan mo, seminarista ka pa din.", sabi ni uncle. "Opo naman uncle! Seminarista po ako at desidido po talaga ako na mag-pari. Kaya nga po ang lungkot ko kasi eto po ngayon, nasa labas ako ng seminary and may possibility din na hindi na kami pabalikin dun. Kaya... Magpapakabait na talaga ako, uncle!", sabi ko naman.
(L.X.P.'s POV)
Bigla namang sumagi sa isipan ko na lahat na ng hindi ko pwedeng gawin sa seminaryo ay pwede ko na gawin ngayon dahil wala na naman ako sa loob ng seminaryo eh. Kaso nangako ako sa mommy ko na talagang magpapaka bait na ko habang nasa labas pa ko ng seminaryo. Pero.... Namiss ko din naman yung buhay na may nagugustuhan kang isang tao. Yung buhay na unti-unti kang nagmamahal ng isang tao. In short, umiibig. Eh kaso nga lang...... Paano kapag umibig ako? Paano na yung pangarap ko na magpari? Eh di hindi na matutupad? Eh di ba hindi naman pwede umibig at pumasok sa isang relasyon ang isang pari?! Ehhhh.... Hindi pa naman ako pari eh? Seminarista pa lang. TEKA. TEKA. TEKA. Ano ba itong pinagiisip ko?! Mali 'to. MALI.
BINABASA MO ANG
Love, so divine
Short StoryMaisipan kaya ng isang seminarista na umibig sa isang babae? O tuluyan na niya kayang ialay ang buhay niya para sa kanyang napiling bokasyon? Simulan na itong basahin para kiligin at malaman ang mga sagot sa mga tanong na iyon. :)