Random days without Uncle - Part 1

24 0 0
                                    

Ilang buwan din mawawala si uncle. At ilang buwan din na ako ang magbabantay ng bahay. Buti na nga lang may mga nagbabantay sa cafe, kung wala... Nako. Ewan ko na lang. Mahirap din naman na hindi ko kasama si uncle. Pero... Kaya to! Kakayanin..

Lumabas ako ng bahay kasi balak kong pumunta sa ampunan. Bibisitahin ko lang sana yung mga bata. Kaso bigla akong tinawag ni Kevin.
Kevin: Pre! Pre! Ah, pwede ba kitang makausap?
Me: Oo naman.. Bakit? Ano bang paguusapan natin?
Kevin: May sasabihin sana ako sayo eh..
Me: Ano naman yun?
Kevin: Balak ko na sanang umuwi na ng province bukas.. Namimiss ko na rin kasi yung parents ko.
Me: Ah ganun ba? Ah.. Sige! Pero teka, hanggang kailan ka doon? May balak ka pa rin bang bumalik sa seminaryo?
Kevin: Ahhh.. Ehhh.... O-oo naman.. Oo naman, pre! Bago dumating yung time na babalik na tayo sa seminaryo, sinisigurado ko sayo.. Babalik ako dito..
Me: Kevs, usapang matino. Matagal na tayong magkaibigan.. Nangako tayo sa isa't isa na itutuloy natin ang pagpapari..
Kevin: Oo naman! Syempre..
Me: Kailan nga ulit ang alis mo?
Kevin: Bukas Lars..
Me: Ah sige..

At ayun, nag usap na kami ni Kevin.. Pagkatapos namin mag-usap naglakad na ko papuntang ampunan. Habang naglalakad ako, nakita ko yung si Andy. At mukhang pinagtitripan yata siya nung mga lalaki dun sa may tindahan malapit sa ampunan.
Guy1: Miss, ang ganda mo naman! Dito ka na lang..
Guy2: Halika dito! Sige na pakipot ka pa eh!!
Andy: Ayoko nga! Mga loko-loko kayo ah?!
Guy2: Pakipot ka pa eh!!
At biglang hinila nung isang lalaki si Andy at sapilitang pinaupo sa tabi niya..
Andy: Hoy! Nasasaktan ako! Bitawan mo nga ako! Bitawan mo ko!
Guy2: Napaka arte mo naman eh!
At bigla niyang hinampas si Andy.
(( Bigla akong sumugod ))
Me: Hoy! Babae yan, sinasaktan mo?! Siraulo ka ah!
Guy1: Bakit ka ba nangingialam? Sino ka ba ah?!
Me: Hindi na importante kung sino ako, pero babae yang binabastos niyo! Wala ba kayong takot sa Diyos?
Guy2: Walang Diyos!!
Muntik na kong masuntok nung lalaking yun, pero nakailag ako. Hanggang sa magkagulo kami dun sa may tindahan. Halos nabugbog din ako kasi dalawa sila eh. Pero bigla din naman may rumespondeng tanod kaya nadakip yung dalawa. Lasing daw eh kaya ayun, nanggugulo.
Andy: Ahh.. Ayos ka lang ba?! Salamat sa pagtatanggol mo sakin..
Me: Sa tingin mo ba ayos lang ako? Tulungan mo naman akong makatayo oh!
Andy: Ayy.. sorry.. Oh ayan. Thank you talaga.. Siguro kung di ka dumating, baka kung ano ng nagawa nung mga yun sakin. Salamat talaga.
Me: Wala yun.
Andy: Larry ang pangalan mo diba?
Me: Oo.. Bakit?
Andy: Salamat ulit, Larry.
Me: No problem..
Andy: Ahh.. Halika! Pumunta muna tayo dun sa tinutuluyan kong bahay, yung sa likod lang ng ampunan.. Gagamutin ko yang mga sugat mo.
Me: Ah, sige..
Pumunta na kami dun sa tinutukoy niyang bahay. Pinaupo niya ko at naabutan namin dun si Sister Ana.
Sister Ana: Napano ka, Larry?!
Me: Ah, wala po ito sister.. Napaaway lang po dyan sa may tindahan.. Nakita ko po kasing binabastos yung pamangkin niyo eh.
Sister Ana: Nako ganun ba? Salamat at niligtas mo yung pamangkin ko dun sa mga lokong yun! Salamat talaga iho!
Me: Wala po yun, sister..
At biglang lumabas si Andy mula sa kusina. May mga dala na siyang pang-first aid.
Andy: Larry, gagamutin ko na yang sugat mo ah..
Me: Ah sige..
Sister Ana: Andy, ikaw na muna ang bahala kay Larry at pupunta lang akong simbahan dahil may aasikasuhin pa ko eh.
Andy: Sige po, Tita..
Umalis na si sister Ana.. Ngayon naman, ginagamot na ni Andy yung mga sugat ko.
Me: A-aray! Masakit! Ano ba?!?
Andy: Sorry!..
Dahil nadiinan ni Andy yung sugat ko, nahawakan ko tuloy bigla yung kamay niya. At bigla kaming nagkatitigan.
Me: Sorry din..
Me: Ah.. Siya nga pala.. Itatanong ko lang.. Bakit ka nga ba lasing nung una tayong nagkita doon sa cafe? At saka.. Bakit may dala kang maleta nun?
Andy: Galing akong America nun. Nilayasan ko yung daddy ko.
Me: At bakit naman?
Andy: Napaka-sama kasi niya. Pinagpalit na niya ko sa ibang pamilya niya. Hindi na ko mahalaga sa kanya. Ang mahalaga na lang sa kanya ay yung bago niyang pamilya at yung trabaho niya.
Me: Paano mo naman nasabing hindi ka na mahal ng tatay mo? Walang sinumang magulang na hindi kayang mahalin ang kanilang mga anak. Tandaan mo yan..
Andy: Mali ka dyan.. Kung mahal niya ko, hinding-hindi niya ko iiwan. At kung mahal niya talaga ako, hindi niya hahayaang masira ang pamilya namin. Kaso hinayaan niyang masira eh..
Me: Paanong nasira?
Andy: Ang mommy ko, sumama na sa ibang lalaki. Simula nung malaman niyang niloloko na pala siya ni daddy. After akong iwan ng mommy ko, talagang nagsikap akong mag aral. Pero simula ng iuwi na ni daddy yung iba niyang pamilya dun sa bahay namin, na ipinundar ni mommy, hindi na niya talaga ako natutukan. Hindi na niya ko pinag-aral. Kaya kinuha na lang ako nung tita ko na taga-America din. Pinag-aral niya ko hanggang sa makatapos ako. Sinubukan kong bumalik kay daddy, nag-baka sakali ako na nagbago na siya. Pero pagdating ko dun sa bahay, tinalakan na agad ako nung loka-loka niyang asawa. Ayun, pinaalis na rin ako agad nung mga yun. Pagkatapos nun, nagpaalam agad ako sa tita ko na uuwi na lang ako ng pilipinas at makikitira na lang ako kay tita Ana.
Me: Napakalungkot naman pala ng nangyari sa pamilya mo..
Andy: Kaya ikaw, hangga't buo pa ang pamilya mo.. Hmm.. Pangalagaan mo ang relasyon nyo sa bawat isa. Kaya nga ngayon, pinapangarap ko na sana.. Pakasalan na ko nung boyfriend ko kapag nagkita kami. At SANA, hindi niya ko lokohin katulad nung ginawa nung daddy ko sa mommy ko.
Me: Hehe, ipagdasal mo lang.. Papakinggan ka ni Lord..
Andy: Talaga?
Me: Oo naman..
Andy: Siya nga pala, nabanggit ko yung boyfriend ko diba? Pupuntahan ko siya bukas.. Pwede mo ba ko samahan? Hindi ko kasi masyadong kabisado yung mga lugar dito eh.. Okay lang?
Me: Ahh.. Oo.. Oo naman..
Me: Ah sige! Salamat sa lahat ah.. Salamat sa tiwala mo sakin.. Kwinento mo ung buhay mo eh.. Uuwi na ko..
Andy: You're welcome.. Thank you din!
Me: Sige!

At umuwi na ko....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love, so divineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon