Naglakad ako pauwi. Si Kevin lang ang tao sa bahay.
Me: Kevs, nasaan si uncle?
Kevin: Ahh.. Umalis daw siya eh. Nag-iwan siya ng note dun sa may ref.
Me: Saan naman siya pupunta?
Kevin: Wala siyang sinabi eh..
Me: Ah, ganun ba? Sige..
Kevin: Sige.
Maya-maya lang din, dumating na si uncle. Marami siyang dala na paper bags. Mukhang nag-shopping..
Uncle: Hey, iho..
Me: Oh uncle, saan po kayo galing?
Uncle: Uhm, namili lang ng mga gamit ko at may inasikaso lang din ako.
Me: Ahh.. Uhm uncle, kumain na po ba kayo? Tara, sabay-sabay na po tayo kumain.
Uncle: Ah hindi na, busog ako. Siya nga pala, I bought something for you.
At may binigay sakin si uncle na isang paper bag. Sabi niya buksan ko daw. Pagkabukas ko ng paper bag...
Me: Uncle, ano po 'to?
Uncle: A new phone for you! Do you like it?
Me: Ahh.. Eh.. Uncle, hindi ko po matatanggap yan.. Nakakahiya naman po..
Uncle: Eto naman, hindi ka na ba nasanay? Alam mo namang I will do anything just for my favorite pamangkin.. At saka para naman matawagan or mai-text mo man lang ang mommy mo. I'm sure miss na miss ka na nun.
Me: Thank you so much, uncle. Thank you, thank you, thank you!
Uncle: Ah sige, magbibihis muna ako ha? Si Kevin, yayain mo na lang din siyang kumain. Sabay na kayo.
Me: Okay po..
Uncle: Uhmm.. Larry.. After niyo kumain, pumunta ka sa room ko mamaya. I have something to tell you.
Me: Ahh.. Okay po, sige.
Pagkatapos namin kumain ni Kevs, agad na akong pumunta sa room ni uncle..
*Tok-tok-tok*
Me: Uncle?
Uncle: Come in.
At pumasok na agad ako sa room niya.
Me: Ano po yung sasabihin niyo, uncle?
Uncle: Uhm, iho.. I won't be here for 2 or 3 months. I'll go to California for business purposes. And also, I will try to find our relatives there. May balita kasi akong nalaman na yung ibang kamag-anak natin ay nandoon. So.. Ayun. I'll try to find them. Ikaw muna sana ang bahala dito sa bahay, tutal wala ka pa naman sa seminary. Is it okay with you?
Me: Syempre naman uncle. Eh sa dami ng nagawa mo para sakin, bakit naman ako tututol sa mga decisions mo.. It is okay for me, uncle.
Uncle: Thank you. Siya nga pala, a day after tomorrow, pupunta na kong airport at diretso na ko dun.
Me: Okay uncle, maasahan mo ko.
Uncle: Thanks..
After namin mag-usap ni uncle, pumunta na ko sa kwarto ko at binuksan ko ang bago kong phone na bigay ni uncle at in-explore ko. Matagal na rin akong hindi nakakagamit ng cellphone. Bawal kasi sa seminary eh. Kaya ngayon, nangangapa-ngapa pa ko. Salamat talaga ng sobra kay uncle at matatawagan or matetext ko na sila mommy and daddy.
BINABASA MO ANG
Love, so divine
Short StoryMaisipan kaya ng isang seminarista na umibig sa isang babae? O tuluyan na niya kayang ialay ang buhay niya para sa kanyang napiling bokasyon? Simulan na itong basahin para kiligin at malaman ang mga sagot sa mga tanong na iyon. :)