Josh's POV
"Magandang magandang magandang umaga!", Yan ang bumungad sakin pagbukas ko ng radyo ng sasakyan ko, itong station na 'to ang lagi kong pinapakinggan, dahil one kaibigan ko ang DJ, kaya naman todo support ako.
"So kamusta naman ang araw mo so far, pakner?", Tanong sakanya ng partner niya.
Natawa si Lia bago niya sagutin, "Well pakner, kinakabhan ako, biruin mo yun nahanap niyo pa pala yung sinulat ko na letter nung nasa 20s pa 'ko", Natawa yung partner niya sa sinabi niya.
Agad akong napangiwi nag sulat si Lia ng letter sa radio station nung 20s namin? Ba't 'di ko alam? Bestfriend niya ko, sinabi ko lahat sakanya, well except nung naging jowa ko yung pinsan ni Pau, so maybe quits na kami?
Nang makarating na 'ko sa studio, pinlug ko na yung earphones ko sa cellphone ko, nakikinig parin ako sa pinag uusapan nila, ano ba naman 'toh, pabitin sila ah. Ayaw pa nila basahin ang letter, nag babasa pa sila ng mga comments sa Facebook.
Pagpasok ko sa loob nakita ko na pinapaligiran nung apat yung radyo ni Stell, agad akong nakita ni Ken at ngumiti, "Nakikinig din pala kayo", Umusog ng kaunti si Stell para may space akong pag uupuan sa maliit na bilog na ginawa nila.
I unplugged my earphones at sa radyo nalang ni Stell nakinig.
"Unsent letters is honoured to read a letter from you DJ Iyah", Iyah. Napakagandang pangalan, yun yung pangalan na gamit niya as DJ, "Sige simulan mo nang basahin ang sulat na iyan", Sabi ng partner niya.
"Aking pinakamamahal, itatago kita sa pangalang JC", Agad na napukaw ang atensyon naming lima, napatingin sila sakin, hindi ko magets kung bakit hindi ako matignan ni Stell sa mata.
"Simula palang nung mga bata tayo magkaibigan na tayo, heck we even have the same birthday. Nandyan ako nung mga panahon na down na down ka, isa ako sa mga taong naniwala sa'yo. Isa sa mga tao na hindi ka sinukuan, kaya naman nung nagkaroon ka ng unang girlfriend, shuta duon ko nalaman na gusto kita, not because of your looks, but because of your attitude, and nung time na yun, pati ata ako nasaktan nung niloko ka niya, ang daming pagkakataon kung 'san muntikan na kong umamin, but I stopped myself.", Napapikit ako, Unsent letters ay isang show kung saan binabasa sa station nila yung mga letters ng mga takot umamin, mga nahuli na sa mga mahal nila o kaya naman mga sulat para sa espesyal na tao.
Hindi nila sinasabi yung tunay na pangalan nung tao na nasa letter, pero sinasabi nila yung name nung nag padala, first name nga lang.
"Every time that I see you struggle I kept on thinking of ways on how to help you, there were times where we don't see eachother, naalala ko nung nagkasakit ka, me being me I had tons of connections sa ospital, because one I was a aspiring doctor, but I never pursued that course. Two my father's a doctor.
"I remembered nung umiyak ka sa harap ko nung nakapasa ka sa audition mo, ang sayo mo nun kasi finally unti unti mo nang natutupad ang pangarap mong maging Idol, of course I was happy, sino ba hindi matutuwa duon?", Lahat kami napatigil.
Ako.
Para sakin.
Para sakin yung letter.
"Unfortunately pinaglalaruan na naman ako ng tadhana, hindi pala tayo para sa isa't-isa. Our 29th birthday, you were so happy sa live niyo nun, I was watching kahit na birthday ko din, you announced something that sent me in total shock, may girlfriend ka na, two years nang kayo. Iniyakan kita, I thought I was angry because you didn't tell me, but no, I was mad at myself, for being torpe", Napakagat ako sa labi ko, si Stell pinag lalaruan na yung daliri niya, halata na may problema siya.
Tatanungin ko dapat siya kung anong problema niya kaso, nagsalita na ulit yung partner na DJ ni Lia, "May karugtong 'yan, diba DJ Iyah?", Rinig ko ang tawa ni Lia may halo itong lungkot, pagka-bitter pa nga eh.
BINABASA MO ANG
SB19 ONESHOTS
FanfictionDaily dose of SB19 imagines and scenarios. ( July 20, 2020 :)) Stories That I can't think of a proper plot or what to go next after the said scene, so I compiled all of my ideas, all of this is work of fiction, and originally mine. :)) Depende rin s...