Nasa training area ngayon ang SB19, dahil kay late na ay nag patawag ng meeting si Sejun, at nag reklamo naman si Ken at tinanong pa kung bakit hindi pwedeng idaan sa chat ang pag uusapan nila, day-off kasi nila at alam naman natin na masyado na rin silang maraming ginagawa.
"Dre, day-off natin ngayon, ano na naman ba ginagwa natin dito?" Pag maktol ni Stell at tinignan siya nang masama ni Sejun.
"Nandito tayo ngayon kasi lalabas tayo", Saad ni Josh na katabi ni Sejun at ngayon si Justin naman ang nag mamaktol.
"Tama si Ken ba't di nalang sa chat?", Tanong ni Justin sakanila, napabuntong hininga naman si Sejun, ang hirap din minsan kausapin ng mga toh eh.
"Punta tayo ng bar, tanong game ba kayo?" Tanong ni Ken ng naka smirk sa apat, nakita naman niya na nang laki ang mga mata ng mga ka-grupo niya, "Maayos na bar yun, don't worry, and besides dito lang yun sa Makati, doon ako dati nag gi-gig", Saad pa nito.
"Ano game? Kasi ako game" Dagdag ni Stell kila Josh, nagkatinginan muna ang tatlo bago tumango, "Siguraduhin lang niyo na -"
"Sejun, easy ka lang semi-private yun and I personally know the owner, so you're safe - Jah kung di ka iinom may juice doon" Sabi ni Ken.
"Prepared ka ha", Sabi ni Josh at ngumiti naman sakanya si Ken, "Oh sige, matagal na rin ako di nakaka punta nang bar, g ako, kayo ba?", Pag patuloy ni Josh.
Napakagat sa labi si Sejun pero ngumiti parin siya, "Geh ba, basta pag may nalasing walang kalokohan, g ako, ano Jah?" Tanong ni Sejun sa pinakabata.
"Geh, basta san mig lang", Saad ni Jah at tumango naman ang apat, "Ken saan ba yun? Ako na mag drive", Pagpatuloy ni Justin.
"Malapit lang yun trust me" Sabi ni Ken at tumango naman sila, nang makapunta na sila sa parking lot ay agad nilang hinanap ang kotse ni Justin di naman naging mahirap sakanila na hanapin ito dahil nasa bukana lang.
Nang makasakay na sila at stinart na ni Justin yung sasakyan ay agad nang sinabi ni Ken ang direksyon, nakasandal sa bintana si Josh at may bigla siyang naalala sa daang tinatahak nila.
Alam na alam niya ang daan dahil halos araw-araw doon siya nag pupunta bago pa siya naging trainee ng Showbt, lalong kinabahan si Josh sa pupuntahan nila, at na confirm nga ang iniisip niya nang tumigil ito sa tapat ng bar, ang daming ala-ala na pumasok sa utak ni Josh, yung mga pinaggagawa nilang kalokohan sa bar, at kung paano siya sinagot ng girlfriend niya.
Nang nakababa na ang apat ay kailangan pa siyang sitahin ni Sejun dahil siya nalang ang nasa loob ng sasakyan, "Lutang ka pre?", Tanong ni Stell nang hinarap nila ang guard, tinignan naman siya ni Josh bago umiling-iling.
"Hi kuya, si ate po?" Tanong ni Ken sa guard, tinignan naman siya nag guard bago ngumiti.
"Nasa kabilang office po Sir Ken, pero babalik naman daw po agad, nag seset up po kasi tugtog po niya ngayong gabi", Saad nang guard.
Natawa naman ng mahina si Ken nakalimutan niya na sabado ngayon, napatingin naman ang guard sa mga kasama ni Ken, at nabaling ang tingin niya kay Josh, "Sir Josh, long time no see po", Gulat na saad ni kuya guard kay Josh.
Sa muling pagkakataon ay nagkatinginan sila Stell, "Sige po pasok na po kayo, pag dumating si Ms. Romero sasabihin ko po na -"
"Ay kuya, wag na", Saad ni Ken at tumango si kuya guard.
Binuksan na ni kuyang guard ang pinto at pinapasok ang lima, wala pa talagang tao mukhang napaaga sila nang punta, late na pero sa mga parteng ito maaga pa.
"Saan mo ba nakilala tong may ari ng bar, Ken?" Curious na tanong ni Josh, pero feeling niya alam na niya ang sagot.
"Architecture student siya, pero nung namatay yung parents niya sa isang car crash nag business ata siya", Sabi ni Ken.
BINABASA MO ANG
SB19 ONESHOTS
Fiksi PenggemarDaily dose of SB19 imagines and scenarios. ( July 20, 2020 :)) Stories That I can't think of a proper plot or what to go next after the said scene, so I compiled all of my ideas, all of this is work of fiction, and originally mine. :)) Depende rin s...