Matagal nang may gusto si Nicole sa bestfriend niyang si Josh pero di niya masabi dahil lagi siyang kinakabahan.
"Nics!", Pag tawag ni Josh sa kaibigan niya, ngiting ngiti siya, pero nawala iyon nang makita ni Josh nakasama ni Nicole si Ken.
"Oh, ano na naman? Wala nga akong alam sa mga ganyan ganyan diba" Naiinis na sabi ni Nicole kay Josh, lagi na kasi siyang kinukulit ni Josh, dahil malapit na ang prom.
"Di na kita kukulitin wag ka mag alala" Saad ni Josh habang tumatawa.
"Edi ano yun?" Tanong uli ni Nicole sakanya.
"Pumayag na si Irish na maging Date ko For Prom!" Masayang sabi niya habang niyuyugyog ang kaibigan.
"Dre para kang babae alam mo yun" Sabi ni Ken at inikutan lang siya ni Josh ng mata.
"Oh, sige, Mosh una na ko basta 'di kita pag hihintayin mamaya, pag labas mo hinihintay na kita", Saad ni Ken at umalis.
Di nalang pinansin ni Josh yun, pero nasaktan siya ng very slight, "Ba't kayo may call sign, tayo wala?", Tanong ni Josh, pero di na siya nasagot ni Nicole sagot tumunog na ang bell.
---
Lunch time na at nakaupo si Josh kasama sila Pablo, inilibot ni Josh ang tingin niya, hindi kasi niya makita si Nicole at si Ken, usually kasi magkasabay si Justin at Nicole, tapos si Pablo at Ken, pero ngayon wala pa talaga.
"Love, anong kulay isusuot mo sa Prom?", Malanding tanong ni Irish sakanya.
Napangiti naman si Josh nang humarap kay Irish, "Blue, bakit love?", Tanong ni Josh, natigil naman sila Pablo sa pag kain at tumingin sa dalawa.
"Para parehas tayo", Saad ni Irish na hinalikan sa pisngi si Josh, "Sige na mamaya na lang ulit", Malanding saad nito bago umalis.
Ngumiti sakanya si Josh at dapat kakain na nang makita niya na nakatingin sakanya ang tatlo, "May dumi ba ko sa mukha?", Tanong nito.
"Wala naman", Saad ng tatlo at bumalik na sa pag kain, may sasabihin dapat si Justin nang may narinig silang nag tawanan sa likod nila, napa irap si Josh nang makita niya na kasama ni Ken si Nicole.
Kumunot naman ang noo niya sa nakikita niya, Oo close sila ni Ken, but not to the point na kailangan nilang humiwalay ng table.
Nabigla ang tatlo nang biglang tumayo si Josh, at lumapit sa dalawa, "Ba't nakahiwalay kayo ng table? Pwede naman doon" Saad ni Josh sa dalawa.
"Uhm, may pinapaayos si Kuya Pablo, naisipan namin ma humiwalay muna ng table, since hindi niyo rin naman mage-gets yung pag uusapan namen—"
"Si Pablo lang makakaintindi" Singit ni Ken, at napabuntong hininga naman si Josh.
"I don't care, doon na kayo sa table", Saad nito sa dalawa, nagkatinginan muli ang dalawa bago tumango.
Nang makarating na sila sa table ay agad na kinabahan si Ken, napatingin siya kay Nicole, at hinawakan naman ni Nicole ang kamay niya to assure him.
Of course this gesture wasn't left unnoticed by Josh, kumulo ang dugo niya sa nakita niya, alam niyang bestfriend lang siya pero pag dating kay Nicole mukhang may maiihaw siya na manok mamaya.
"Ok, ka lang Josh? Baka masira yang kutsara sa inis mo — teka — tangina nag seselos ka", Bulong sakanya ni Pablo, napatingin naman ng masama si Josh kay Pablo.
"Ay, mga Dre, kung— ano — paano ba 'toh? Ano pwede bang mayaya sa Prom si Nics?" Tanong ni Ken sa mga kaibigan niya, dahil sa 'bro code' nila.
"Wala naman sa inyong yayayain siya diba? And besides idea ni Pau yun, kung payag lang naman kayo", Pag patuloy pa ni Ken.

BINABASA MO ANG
SB19 ONESHOTS
FanfictionDaily dose of SB19 imagines and scenarios. ( July 20, 2020 :)) Stories That I can't think of a proper plot or what to go next after the said scene, so I compiled all of my ideas, all of this is work of fiction, and originally mine. :)) Depende rin s...