(kunyare walang pandemic)
3rd Person's POV
"Ate, sure ka na ba na ako ang mag eedit at mag vivideo? Ate I'm no professional—" Naputol ang sasabihin ni Eve nang magsalita si Ate Rose.
"Eve, graduate ka ng film, kaya wag mo ako maktulan, and alam ko yung isa pang reason kung bakit ayaw mo pumunta, nandoon si Sejun, alam ko yung past niyo, and alam ko kung ano ang naging bunga nun, kaya please do me a favour", Mahabang saad ni Ate Rose, kaya napabuntong hininga nalang si Eve.
Kailangan niyang pumunta sa shoot ng SB19, siya kasi ang mag aassistant director ng music video nila na 'What?'.
Napaisip naman saglit si Eve, bago tumango kay ate Rose, "Sige na sasama na 'ko, si Janna muna mag bantay kay Paulo?", Tanong ni Eve at tumango si ate Rose.
"Two days tayong mawawala, kaya sabihan mo na si Janna kung ano yung kailangan ni Paulo", Saad ni ate Rose kaya tumango ang pinsan niya.
Pero alam naman niya na hindi na niya kailangan sabihan si Janna, dahil siya din naman ang halos laging nag babantay kay Paulo.
Napabuntong hininga naman si Eve, mukhang hindi talaga siya makakatakas kailangan niyang harapin ulit si Sejun na ngayon ayun kay ate Rose, ay Pablo na, lalong kinabahan si Eve, ano namang sasabihin niya kay Pablo kung sakaling mag kita sila?
Pero di niya muna iyon pinag kaisip isip, ang inisip niya ay kung paano niya sasabihin sa anak niya na dalawang araw siyang mawawala at kung paano niya i-explain kung bakit hanggang ngayon di parin niya mapakilala ang tatay niya sakanya.
Nakita ni ate Rose na nag iisp nang malalim si Eve, kaya napabuntong hininga siya, "Nandoon din naman yung apat, close ka rin naman sakanila, dahil same school kayong anim, diba? May makakausap ka, at sure akong hindi ka titigilan ni Pablo, alam niya, diba?" Tanong ni ate Rose at tumango si Eve.
Ngumiti naman si Eve bago tumango, "I told him nung nalaman ko, yun din yu—"
"Wag mo na ituloy, alam na natin ang naging ending niyan", Saad ni ate Rose kaya natawa si Eve.
———
Eve's POV
Pag balik ko sa condo unit, ay niyakap agad ako ni Paulo, "Thank you uli, Janna", Saad ko at niyakap ako ng kapatid ko, di siya dito sa condo nag sstay dahil gusto daw niya maging independent, kaya minsan siya na nag babantay kay Paulo.
"Alam ko ate, nag text na sakin si Ate Rose, and kung two days kang mawawala it's fine", Saad ni Janna saakin at tumango ako, "Sige ate una na ko, see you next week Pau-pau", Saad ni Janna bago umalis.
Napatingin ako sa anak ko bago siya buhatin at halikan ang noo nito, may pagkamoody 'tong batang 'toh parang tatay niya.
I decided to spend the day with him, since next week wala na naman ako, mahirap maging AD, at alam kong mas mahirap maging director pero ako amg pumili nito, kaya panindigan ko.
"Mommy, you're leaving again po?", Naiiyak na tanong saakin ni Paulo nang matutulog na kami.
Napangiti ako nang malungkot sakanya bago tumango, "You'll be back soon, right?", Tanong ulit nito at tumango ako.
Niyakap niya ako, at hinalikan ako sa pisngi, then the question popped up again, "Mommy, when can I meet Daddy?"
Yan, yan lagi ang tanong niya, 'di ko siya masagot kasi alam kong wala akong masasabi, alam kong hindi ko pa pwede sabihin sakanya.
"Pau, we talked about this, right?", Saad ko at napabuntong hininga nalang ang anak ko.
"When time comes Paulo" Saad ko uli at ngumiti ito bago natulog.
BINABASA MO ANG
SB19 ONESHOTS
FanfictionDaily dose of SB19 imagines and scenarios. ( July 20, 2020 :)) Stories That I can't think of a proper plot or what to go next after the said scene, so I compiled all of my ideas, all of this is work of fiction, and originally mine. :)) Depende rin s...