TUTOR ( Stell )

15 0 0
                                    

(Yung pangalan nung tatlong pamangkin ni Kuya Stell, based lng po sa live ni Kuya Ivan)

Stell's POV

"Ma, kailangan ba talaga nila ng tutor? Kaya naman ata ni—"

"'Nak, nasa private school na silang apat, mas mataas ang standards doon, at paniguradong mag aadjust pa sila", Sabi ng nanay, alam mo naman kung bakit kailangan nila ng tutor, pero alam ko din na kaya ng kapatid at mga pamangkin ko ng wala.

Napatango nalang ako sa sinaba ni mama, "Sino —", Di ko na naman natapos yung sasabihin ko kasi nag salita uli si mama.

"May nakausap na ko, 'nak", Sabi niya kaya tumango ako.

"Magkano naman po ma?", Tanong ko baka mamaya mahal pala, baka sa kumon, oh no.

"200php per hour, magaling din siya", Nagulat ako sa sinabi ni mama, ang baba naman ng presyo niya sa tutor.

Di na ko nag tanong kung sino yung nakuha niyang tutor tumango nalang ako, dahil alam ko kung sino man yun, magaling siya dahil napahanga niya si mama.

Agad akong naupo sa sofa namin sa bahay, naupo sa tabi ko si Ivan at ngumiti, "Kuya kung di ka na-torpe nun, kayo kaya ni Ate Kayla ngayon?", Tanong ni Ivan kaya tinulak ko siya ng mahina.

Best friend ko si Kayla, Ikay tawag ko sakanya, madalas kaming magkasama dati, pero umamin siya na may gusto siya sakin nung nagkaroon ako ng jowa, di naman niya alam na may jowa ako that time, pero ever since nung nangyari yung di ko na na nakausap ng maayos si Ikay, ang rinig ko teacher na siya, good for her.

"Di ako na-torpe, ok? Sadyang may girlfriend ako nung panahon nayun", Naiinis kong sabi kaya natawa si Ivan.

"Alam naman nating pareho kung gaano mo pinahalagahan si Ate", Sabi ng kapatid ko, kaya tinignan ko siya ng masama, bwisit eh.

Tumigil si Ivan sa kakatawa niya at inakbayan ako, "Kung makita mo uli si Ate, ano sasabihin mo sakanya? Obvious naman na na-mimiss mo siya, naalala ko nung di ka na niya pinansin halos di ka makaimik, lagi mainit ulo mo".

Tinignan ko nalang siya ng masama bago umakyat sa kwarto, nahiga ako at duon ko inalala lahat nung nangyari nung di nag paramdam si Ikay.

———

(FLASHBACK)

Kumakain kami ng agahan, panay ang tingin ko sa orasan, ilang minuto nalang kakatok na si Ikay para sabay kaming pumasok, umamin siya sakin kahapon pero di agad ako nakaimik, ang nasabi ko lang may girlfriend na ko, tapos umalis na siya.

Nang matapos kami kumain naupo ako sa upuan malapit sa pinto, tinignan ko yung orasan at ilamg minuto nalang kakatok na si Ikay, never siyang na late kaya alam ko na yung saktong oras, pero bigla akong nag taka, 6:25 na wala pa siya, 'five minutes pa', sabi ko sa sarili ko at nag hintay uli, natapos na si mama sa pag hugas ng plato pero wala parin kumakatok.

"Oh, Lester, di ka pa ba papasok, ma lalate ka niyan", Sabi sakin ni papa, kaya tumayo ako, at napabuntong hininga, agad namang ngumisi si papa, "Si Kayla 'noh?", Tanong niya at napatango ako.

Natawa naman siya, "Diba may jowa ka na, bakit mo pa hinihintay si Ikay?", Tanong uli niya kaya natahimik ako.

"Sige po una na ko, baka binibigyan na ko ni Ikay ng space", Saad ko at nag paalam na sakanila, matamlay akong pumasok, dapat masaya ako, but a part of me isn't.

Pagkapasok ko sa classroom nakita ko si Ikay sa upuan niya, halatang nag ddrawing, agad kong nilagay ang bag ko sa upuan ko at umupo sa upuan sa harap niya, "Psst, for the first time nakalimutan mo kong sunduin", Sabi ko sakanya kaya nung tinignan niya ko nginitian ko siya, inayos niya yung salamin niya bago mag salita.

SB19 ONESHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon