Prologue

13 1 0
                                    

' Batch 20xx Grand Reunion '

Ito ang nakalagay sa malaking signage sa harap ng Palmera Hall. Puno na ang parking kaya pinark ko na lang ang kotse ko sa harap ng isang puno di kalayuan mula sa venue. 

My hands gripped the driving wheel tighter. Sighing loudly I checked my face on the compact mirror. Nag-apply ulit ako ng lipstick dahil nabura na ito mula sa pagkagat ko ng labi ko. 

Panglimang beses ko nang sinuklay ang buhok ko pero hindi pa rin ako nakuntento sa ayos nito. 

May ilang mga pamilyar na mukha akong nakikita kaya mas lalo akong kinabahan. 

Halos sampung taon na rin magmula ng lumabas ako ng bansa because I decided to leave the country. It's been so long since I last saw these people. 

First time kong dadalo ng reunion kaya naman hindi ako mapakali. I hate feeling uncomfortable and uneasy. I'm supposed to feel excited but I am nervous wreck right now. 

I anticipated the questions they might ask later. I need to be prepared because if I don't do that, I don't think I'll be able to finish this whole event. 

Muntik akong mapatalon ng may kumatok sa kotse ko at bumungad ang mukha ni Vera.

"Gaga! Samantha! Kanina pa nagsisimula yung party sa loob! Gusto mo bang kaladkarin kita palabas diyan."

Sumimangot ako sa kaniya at lumabas na ng kotse dala ang black purse ko. Agad niya akong hinila at yumakap ng mahigpit. Vera is my childhood bestfriend and until now, she still is.

" Stop it, Vera! We just saw each other yesterday. I c-cant breathe." I told her. 

She's the only one who knows that I'm coming tonight.  

Bumitaw na siya sa akin at hinampas ako. Sampung taon na ang nakalipas pero sadista pa rin siya.

"Whatever! Miss Americana! Kahit kailan talaga late ka! Isang dekada kang nawala pero Filipino time ka pa din."

"It's because of the traffic."

"Excuses! Halika na nga para makita ka ng mga kupal na 'yon. I'm excited to see their reactions." 

She chuckled while reaching for my hand as she lead the way. 

Hinila niya na ako papasok sa loob at nakaka-overwhelm ang maingay na tawanan at idagdag pa ang background music. 

Makulay din sa loob ng malaking hall at napakaraming mahahabang mesa na may mga label ng iba't ibang section.

Class 4-A. Nasa pinakadulo ang mesa ng section namin at abala sila sa pagtatawanan kaya hindi nila agad kami napansin. Binulungan muna ako ni Vera.

"Mag ready ka na dahil ikaw ang magiging center of attention, Miss Americana. Kindatan mo lang ako if you need help."

"Stop calling me that. It's corny." I scoffed. 

Nilibot ko ang mata ko para hanapin ang isang pamilyar na mukha pero hindi ko ito makita.

Magkahalong lungkot at ginhawa ang naramdaman ko. I don't think I will ever be ready to face that person again. 

Kahit gustong gusto kong itanong kay Vera kung pupunta ba siya ngayon ay hindi ko ginawa dahil kahit ang pagbanggit lang sa pangalan niya ay parang kay hirap gawin. 

" Ladies and gentlemen, our class valedictorian, the one that got away, the first-timer and always late, Samanta Del Monte."

Malakas na boses na in-announce ni Vera na mas malakas pa ang boses kaysa sa emcee na nagsasalita sa unahan. Parang gusto kong bumalik sa kotse at umalis na dito dahil nabaling na ang tingin nila sa akin at pati na rin ng ibang section sa kabilang table. 

Chasing The SunWhere stories live. Discover now