Chapter 7 - Heaven

7 0 0
                                    

Pagbukas ko pa lang ng Twitter ay bumungad sa akin ang pakikipag bardagulan ni Vera.

Iniscroll ko ang thread para mabasa ng buo ang pangyayari.

@Hazelicious69: I met the famous 'Samantha Del Monte'. Hindi naman pala ganung kagandahan, maatitude din, hambog!!!. 🤮

Wow! Talagang nilagyan pa niya ng nasusukang emoji. Ang dumi niya naman maglaro pinopost pa sa social media. 

May mga nagreply ng "Korek!, Mas maganda ka pa, Hazel.", "Ang yabang porket mayaman ang pamilya niya. So bitchy.", "Maputi lang naman pero chaka."

Sigurado akong mga inakay niya ang nag second the motion.

@Goddess_Vera: Fake news, nahiya naman ako sa 'yo. Kamukha mo nga si tweety bird, nagreklamo ba ako?."

Oh diba! Kahit si Vera ay napansin 'yon! May resemblance siya kay Tweety Bird! Hindi panlalait 'yon kundi observation. Minsan napapabilib na lang din ako dahil parang konektado ang utak namin ni Vera.

@:Hazelicious69: Excuse me? Sino ka ba para makisawsaw sa tweet ko?."

@Goddess_Vera: Vera Veinine Serrano, isang diyosa at bestfriend ni Samantha Del Monte. Ikaw sinuka ka ba?

@Hazelicious69: Excuse me?! What's your problem? 

@Goddess_Vera: Bukod sa nasobrahan ako sa kagandahan, wala na akong ibang problema, baka ikaw meron? Meet-up tayo para magkaalaman kung sino ang tunay na maganda. Nahiya naman ang kagandahan ni Sam, my friend is UNDENIABLY GORGEOUS AND KIND LIKE ME!  Duhh." 

Nagscroll down ako at nakita na may mga ilang kaklase ko din ang sumang-ayon kay Vera. Nasapo ko ang ulo ko. Mygod! Sadyang ipinanganak si Vera para makikipag-bardagulan. 

Gaya nga ng sinabi ko dati, kapag may mga mang-aaway sa akin siya ang unang humaharap. Noong mga bata kami lahat ng mga nanunukso sa akin ay uuwing luhaan, o kung mamalasin blackeye pa.

Dinial ko ang numero ni Vera to stop her from replying on the tweet para hindi na lumaki ang gulo. Ayaw kong makarating pa sa mga magulang ko ang mababaw na isyu na ito. 

Biglang bumukas ang pinto ang iniluwa si Vera na diretsong nagdive sa kama ko matapos ihagis ang dalang bag at sapatos sa kung saan man. 

Hanep talaga 'to. 

"Oh, napadalaw ka?." 

"Duh! I'm here for the tea! Sino ba yung hazelicious69 na 'yon at malaki ang galit sayo? Sinabihan ka pang panget, hayop na 'yon. Siya nga mukhang ibong tiririt."

Tumabi ako sa kaniya at kwinento ang nangyari kahapon. Nagulat ako ng bigla siyang kumuha ng papel at ballpen, tapos nagsimulang magsulat. 

"Anong ginagawa mo?."

"Kailangan kong isulat ang historical event na 'to? The great kind and model student Samantha Del Monte ay may tinarayan! Wow! Hindi ako makapaniwala. O as in M as in G. Mamamatay ka na ba kaya sinasagad mo na ang mga nasa bucket list mo?." 

Inihagis ko sa kaniya ang unan ko. Bwiset! Bakit ba ito ang binigay ni Lord sa akin? 

"Basta stop replying na sa mga tweets niya." 

Paalala ko sa kaniya pero ngumisi lang. Sa tigas ng ulo niya ay sigurado akong hindi niya ako susundin. 

I hugged her waist at dinantay ang isang leg ko sa kaniya. Natahimik naman siya at bahagyang napailing. I played with her brown hair with highlights. Lagi talagang in sa trend si Vera. 

Hindi ko pa ata nasasabi na mukhang korean siya tignan dahil sa singkit niyang mga mata at maliit na mukha. She has V-shaped jaw and straight eyebrows.   

Chasing The SunWhere stories live. Discover now