Chapter 3 - Date

16 2 5
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas simula ng pag-uusap namin ni Gian. 

Sinubukan kong lapitan siya pero whenever I approached her she gives me cold or annoyed look. Most of the time, ni hindi man lang ako tinitignan. 

Kahinaan ko pa naman ang mga taong may ganitong attitude.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat gawin. I wanted to say sorry, I really do pero natatanga ako kapag nasa harap niya na ako, lalo na deadma pa siya.   

Para akong nakikipagusap sa pader, sa hangin, sa multo. 

Uwian na agad at hindi na naman ako nakalapit sa kaniya.

 Inaalala ko din kasi ang punishment este 'special project' na binigay sa amin ni Ms. Villanueva. How will we able to do that, if we are not even talking to each other.

Hindi naman pwedeng imbento lang ang isulat ko doon. 

Kasama siya sa grupo ng cleaners today kaya balak ko sanang hintayin siya para makapag-usap na kami ng maayos. 

Nauna na si Vera since madami pa daw siyang gagawin, isa pa, ibang way naman ang bahay nila kaya hindi talaga kami nagsasabay pauwi. 

Doon muna ako umupo sa bench na sa may harap lang ng room, my usual spot tuwing late ako.

"Good afternoon, Sam." Bahagyang nagulat dahil sa pagsulpot ni Ivan sa tabi ko. 

"Good afternoon din." Tugon ko. 

"May hinihintay ka ba? Yayain sana kitang kumain diyan lang sa tapat ng school. Sa may bazaar, may bagong bukas na milk tea shop at corndog store. Libre ko." 

Ngumiti ito ng matamis at inayos ang buhok niya. 

Ivan is a good-looking guy, actually siya ang escort ng section nila. 

He's from Section 4-B. Katabing room lang namin. Matangkad siya at maputi, may dimples tapos captain ball din ng basketball team kaya maraming nagkakagusto. 

Pero balita ko kay Vera, may crush daw siya sa akin. Hindi ko naman masyadong pinansin kasi hindi naman nagpaparamdam sakin si Ivan. 

Maybe that's why whenever I passed by their room, I can hear some teases and my name. 

Isa pa, napapansin ko ang mga masusungit na tingin sa akin ng mga babae from their section like I stole something precious from them. 

Geez. Bakit parang kasalanan ko pang maganda ako? 

"Uhm, I'm actually waiting for someone." 

Sa totoo lang, parang gusto ko ding sumama sa kaniya kasi medyo nagugutom na ako but talking to Gian is more important than milk tea and corndog. 

Napansin ko na nalaglag ang ngiti niya. Nakonsensiya tuloy ako.

"But, we can try it next time." Dagdag ko. He boyishly grinned at me. 

"Yun oh! Bukas? Pwede ka ba?." Saglit akong nag-isip. Bukas agad? Paano kung may gagawin ako bukas?

"Gusto mo may alam akong malapit na restaurant dito. Doon na lang kaya?." 

Hala akala ko ba sa may tapat lang ng school, bakit napunta na kami sa restaurant. It sounds like he's asking me for a date. 

"Ano--." Mag-oobject sana ako pero napahinto dahil biglang may pumagitna sa aming dalawa.

"Excuse me." Gian said abruptly at nagwalis sa pwesto kung nasaan si Ivan. Lumayo ito ng kaunti kaya tumayo na din ako mula sa pagkakaupo.

 Gian started sweeping the fallen dried leaves and discarded it to the trash bag.

Chasing The SunWhere stories live. Discover now