Samatha
"Salamat nga pala sa pa-milktea, Ivan. Sana every day." Maharot na sabi ni Vera kay Ivan na nasa tabi ko.
Sumabay kasi siyang maglunch sa aming dalawa ngayon. May dala pa nga siyang mga pagkain at drinks kaya ayun todo welcome ang aking kaibigan.
"Sus, sige ba. Yun lang pala, gusto niyo next time sa labas naman tayo mag-lunch?."
"Itigil mo ang pagkunsinti kay Vera, Ivan. Mamimihasa yan. Hindi mo naman kailangang bumili." Suway ko kay Ivan na malawak ang ngisi.
"Ang sama mo naman sa kaibigan mo, Sam. Ganiyan na pala tayo ngayon. Parang hindi naman kita kaibigan. Nakakasama talaga ng loob. Sana hindi na lang pala ako pu--."
Isinubo ko kay Vera ang isang buong saging na baon ko para manahimik na siya. Wala siyang nagawa kundi nguyain iyon habang matulis ang tingin sa akin.
Tumatawa naman si Ivan at ipinagpatuloy na ang pagkain.
Masaya kasama si Ivan dahil madami siyang baong kwento. Mabenta din ang mga jokes niya kaya tumagal kami sa pagkain.
"Hala, magta-time na pala. Balik na tayong room." Sabi ko ng mapansin ang relo ko.
"Ang bilis naman ng oras." Sabi ni Ivan habang nililigpit ang mga plastic at cups na aming pinagkainin. Tumulong na rin ako sa pag-aayos.
"Bukas ulit." Masiglang sabi ni Ivan.
He winked bago tumungo sa classroom nila.
"Ang pogi!." Hagikgik ni Vera sa tabi ko saka sinundot ang tagiliran ko.
"Ano ba! Pogi pala edi jowain mo." Sarkastiko kong sabi sa kaniya at nauna ng pumasok sa room.
"Duh, hindi naman ako ang gusto, ikaw ang gusto. Ano ang magagawa ng beauty ko kung ikaw ang true love?."
Nagbuntong hininga ako. Bahala nga siya diyan.
Sumalyap ako sa banda ni Gian pero wala pa siya. Magta-time na.
Dumating na ang teacher pero wala pa siya.
"Goodmorning, class. I will just leave you some assignments. I have some things to attend to. Consider this as your free day."
Nagbunyi ang buong kaklase dahil sa sinabi ni Ma'am.
Matapos niya isulat sa board ang assignment ay mabilis din siyang umalis.
Nagsimula ng mag-ingay mga kaklase ko habang ang iba ay umalis at malamang ay tatambay sa field or pumunta ng canteen.
Nasaan na kaya si Gian? Siguro ay nasa library. Sinabi niya sa akin na kapag lunch ay sa doon siya natambay dahil tahimik daw roon at walang tao bukod sa matandang librarian na aniya ay kasing-tanda na ng ilang libro doon.
Kanina parang masama ang pakiramdam niya dahil nakasimangot buong umaga. Ang normal niya kasing expression ay blangko.
Sumisimangot lang naman 'yun kapag naiinis o kapag kinukulit ko.
Mabilis kong kinopya ang sinulat ni Ma'am sa board.
"Saan punta mo, Sam?."
"Diyan lang."
"Bakit dala-dala mo lunch box mo?." Hinablot ni Vera ang hawak ko pero agad ko iyong binawi sa kaniya.
"Basta, balik na lang ako next subject." Mabilis kong paalam at hindi na siya hinintay sumagot.
Nasa second floor ang library habang nasa baba nito ay ang guidance office at clinic kaya naman ay unti lang ang mga nalalagi sa part ng school na ito.
YOU ARE READING
Chasing The Sun
Genç KurguThis is a simple story of two young women who choose to fall in love.