As usual late na naman akong nakapasok. Sarado na ang pinto ng room. Sumilip ako ng unti at nakita si Mrs. Marcos na naglelesson na sa loob.
She's our math teacher and also our adviser. Naupo na lang ako sa may bleacher na sa may tabi lang naman ng room.
May mga ilan din akong kasamang kaklase na kapwa late din.
"Naks, gawa niyo Sam?." Tukoy ni Jenjen sa poster slogan na gawa ko. It looks decent naman kahit papaano.
"Oo." matamlay kong sagot.
"Maganda naman pero mas maganda gawa namin." Ang hangin niya talaga.
Ayaw ko talagang nakakasabay 'tong malate kasi nayayabangan ako. Sana agahan niya ng pumasok.
Mula sa kinauupuan ko ay hinanap ng mata ko si Gian.
I rolled my eyes when I saw her sitting comfortably inside wearing her usually black hoodie Nabuhay ang inis kong muli, akala ko lumipas na.
May episode 2 pa pala.
Pinaglalaruan niya ang hawak na ballpen. She's spinning the pen using her one hand so fast, I can't even catch the movement of it.
To add more, she's not even looking at the pen. Nagiwas ako ng tingin when I realize that she looks so attractive while doing it. What the hell.
Ano ba 'tong mga pumapasok sa isip ko. Kulang talaga ako sa tulog.
Gian keeps checking her watch na parang natatagalan siya sa pagikot nito. Seriously, start pa nga lang ng klase gusto mo ng umuwi. Edi sana hindi ka na pumasok.
Noong nakita kong tumayo ang mga kaklase ko para mag-goodbye ata kay Ma'am ay tumayo na din ako. Nakasalubong namin siya kaya bumati kami.
"Kayo na namang apat! Bibingo na talaga kayo sa 'kin lalo ka na Ms. Del Monte. Naturingang top 1 laging late. May pinagmanahan ka talaga."
"Sorry po." sabi ko agad para makaalis na siya. Sanay naman ako sa sermon niya.
Bakit porke't ba top 1 dapat maagang pumasok? Wala naman sa 'kin ang susi ng room.
Kidding, I know that I I'm at fault at this one. Pero anong magagawa ko kung mahal ng katawan ko ang kama?
Actually, Mrs. Marcos is a friend of my mom.
Highschool classmates silang dalawa kaya lagi niya talaga akong binabantayan. Mabait naman siya sa akin kapag nasa labas ng school pero kapag nasa loob ay strikto talaga.
Tita Donna ang tawag ko sa kaniya kapag nasa labas.
May mga students naman na maagang pumasok pero tumutunganga lang sa school kaya bakit ako matatakot ma-late.
At least may natutunan. Charot. Wala pala akong alam sa lesson niya.
Maingay sa canteen kaya niyaya ko na lang si Vera na kumain sa Science Garden, mas mapuno kasi doon kaya mahangin at kaunti lang ang students.
Ewan ko ba kung bakit ayaw ng mga students dito. Well, it's for our benefit naman kaya okay lang kahit wag na sila magawi dito.
"Sam! Mukhang tae yung gawa namin ni Janna sa SocSci. Mamaya pakita ko sa 'yo, sa kaniya ko kasi pinatago. Nahihiya akong magdala. Ayos naman pala ang gawa mo."
"Syempre, pinagpuyatan ko."
"Kawawa ka naman, inindian ka ni Ms. Iceland, so Miss Indian na ba siya ngayon? HAHAHAHA corny ko. Nagkausap na ba kayo?."
Napailing ako dahil hindi niya sinuportahan ang sarili niyang joke.
"Hindi pa saka hindi ko din alam ang sasabihin ko sa kaniya. Ayos lang naman nagawa ko naman mag-isa. Strong and independent woman ako."
YOU ARE READING
Chasing The Sun
Teen FictionThis is a simple story of two young women who choose to fall in love.