Chapter 1 - Strawberry Cake

11 1 0
                                    


It's a boring Tuesday. May meeting ang teacher namin sa Science kaya 1 hour free time ngayon.

It's been two weeks since the class started and this year will be our last year. I didn't find it hard to adjust because I have the same classmates since freshmen year.

May ilang transferees at pansin ko na medyo nahihiya pa talaga sila sa amin. Hindi naman na 'yon maiiwasan. 

Abala ang iba sa pagdadaldalan, may nagjajamming habang ang ilan ay naglalaro ng kung ano man. Nagpaalam si Vera na may bibilhin lamang siya sa canteen pero hanggang ngayon ay wala pa din. 

Walang gana tuloy akong nagayos na locker ko na nasa pinakabackrow ng room namin kahit organized naman talaga 'yon. 

Biglang may nagtakip ng mata ko gamit ang panyo. Panigurado, isa na naman 'to sa mga pakulo ni Vera.

"Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday!Happy Birthday! Happy Birthday to you." kanta ng mga kaklase ko habang si Vera ay may hawak na strawberry cake. 

Nakangisi ng malapad sa akin. 

Thank God! It's a strawberry cake and not chocolate, buti na lang at alam talaga niya ang taste ko.

"Happy 17th Birthday Sammy! Pinagambagan namin 'to kahit medyo mahal." sabi niya sa akin. 

Simula second year naging ritual na magcelebrate ng birthday sa room.

Actually, suggestion to ng aming president na walang iba kundi si Vera dahil gusto niya lang talagang makikain ng cake tuwing birthday.

 Siya ang naninigil para sa contribution, madalas ay hindi niya sinasama ang sarili niya sa bayaran dahil ika niya ang contribution niya ay ang effort niya para bumili ng cake sa cakeshop na nasa harap lang lang ng school. 

Sabagay siya din naman ang nagpapatago ng cake sa ref sa pamamagitan ng close niyang tindera sa canteen.

"Thank you guys! Mukhang masarap, ah! Nasurprise ako ng 20%." Pagbibiro ko naman.

Binati na nila ako kanina pagpasok ko pa lang. Close naman na kami ng mga kaklase ko kaya magaan na ang loob sa isa't isa, well minsan nagkakainisan pa din pero it's normal naman.

Hinipan ko na ang kandila dahil mamatay na ito sa ikli, parang ito din ang ginamit ng birthday celebrant last week. 

"Anong winish mo, Sam?." Tanong ni Alex. 

"Sana hindi na siya laging ma-late sa first subject." sabat ni Vera. 

Inabot niya sa akin ang cake. Nagningning ang mga mata ko.

Nagutom agad ako sa itsura nito dahil hindi ako nakapag-almusal kasi late na naman ako.

Pinatong ko muna ang cake sa vacant na upuan sa may gilid ng bintana dahil inaayos pa ni Vera ang mga plastic spoons at paper plates. 

Tumulong na din ako sa kaniya na mamigay ng plates. Excited na nag-aabang ang mga kaklase ko.

"Mga patay gutom! Ayusin niyo nga pila niyo!." sabi ni Vera dahil nagsisiksikan na sila sa pagkuha ng plates.

"Yey! Strawberry Ca--."

"Oh, shit!." " Hala ka."

Sambit ng iba pagkatapos upuan ng isa sa mga transferee ang cake. Napisa ang cake at may iilan na nasa sahig na.

Napanganga ako dahil sa nangyari.

"Wala pang five minutes!." sabi ni Koko tapos kinuha ang parte ng cake na nahulog at sinubo sa bibig niya. 

Chasing The SunWhere stories live. Discover now