" Psst..."
"Ano?."
"Psst.."
"What is it?."
"Psst..."
"Vera,stop!."
"Hahahahaha, joke lang naman, ano ba kasi yang ginagawa mo, kanina ka pa diyan."
"Assignment sa math."
"Hala siya. Next subject na 'yan, padating na si ma'am. Kopya ka na lang sakin."
"Tigilan mo ako, Vera. Alam ko naman na hinulaan mo lang din yan."
"Bakit sinabi ko bang tama 'tong answer ko? Sabi ko lang naman kumopya ka."
Namromroblema pa din ako dito sa number 5. Kanina ko pa to sinasagutan pero hindi ko talaga makuha. Ayaw ko sa math, pero minsan nakaka guilty din kapag hindi ko sinasagutan ng maayos ang mga assignments or seat work.
Nag-eeffort magturo si Mrs. Marcos sa amin at nakakahiya naman kung lagi akong low score sa subject niya tapos mababalitaan niya sa ibang subject teachers na nag eexcel ako sa kanilang subject.
"Paano ba tatanggalin ang 'x' dito?."
"Wala akong alam sa math pero usapang exes ba? Marami ako niyan."
Hayop talaga to."Vera, please, quiet ka muna."
Buti na lang tumigil na si Vera. Nakipagdaldalan na siya sa mga girls sa unahan.
Kaya lang biglang dumating si Mrs. Marcos at hindi ko pa rin natapos sagutan itong question na 'to. I sighed. I really can't do Math.
We exchange papers kaya sa akin ang kay Vera. She scored 14/25. Actually Vera is also a top student,class president, club president of Journalism Club and a member of student council. She's really good at extracurricular activities. She's also good at academics, pero hindi niya masyadong focus 'yon.
"Sam, 15 ka. Ayos na yan, at least mas mataas ka sakin." Pinapasa na ni Mrs. Marcos ang mga papel sa unahan.
I pouted my lips. It's not a good score. Tinapik-tapik niya ang balikat ko. She does this when she sees me disappointed.
"Huy...ayos lang yan."
"I'm quite disappointed, class. Only one of you got a perfect score." Mrs. Marcos stated making the whole class quiet.
"Good job, Ms. Cafiero. Give her around of applause." I turned my back and see Gian's bored face.
Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko and I also did. She didn't tell me that she's good at this subject.
Well, apparently she's not only good in sports, arts and history. This girl is really something else. She's beautiful and intelligent. No wonder she wants to be an anime main character because she is really one.
Magdadalawang-linggo na kaming nagtatanungan ni Gian at so far masasabi kong iba talaga siya mag-isip.
Matured siyang sumagot at parang ang dami ng napagdaanan sa buhay.
Ewan ko ba, parang mas gusto kong bumilis palagi ang orasan para mag-hapon na.
Gian's eyelids flinched and she mouthed "stop staring".
I hurriedly faced the front because I didn't realize I was staring at her for a while. Again.
"That's all for today. Don't forget to answer pages 45-47 of your Math Book. Goodbye class."
"Goodbye,Mrs. Marcos. See you tomorrow." we said in chorus.
"Ano ba 'yan si Ma'am, araw-araw na lang may assignment. Child abuse na ito." rinig kong sabi ni Koko.
YOU ARE READING
Chasing The Sun
Teen FictionThis is a simple story of two young women who choose to fall in love.