"Janna, bakit mukha kang walis tambo?." Umaga pa lang pero nagsisimula na si Koko sa pang-aasar niya kay Janna. It's been four years kaya sanay na kami sa routine nilang dalawa."Nagsalita naman ang walis tingting!." Sabi ni Janna sa matinis niyang boses.
"Sigurado ka bang hindi ka anak ng duwende? Sa sobrang nipis ng boses mo, mahihiya pati karayom."
"Kapal naman ng mukha mo! Ang nipis mo rin kaya, para ka ng kalansay. Ingat ka kapag malakas ang hangin baka liparin!."
"Wohoi! Baka hindi mo nakikita na puro muscles tong braso ko!."
"Ito limang piso, bumili ka kausap mo."
Inabutan ni Janna si Koko ng limang piso, kinuha naman iyon ni Koko saka mabilis na binulsa kaya mas lalong nainis si Janna.
"Hayop ka! Ibalik mo nga 'yan."
"Bahala ka diyan, hahanap na ako kausap ko." malokong sabi ni Koko kaya napatawa din ako dahil sinasabunutan na siya ngayon ni Janna.
Kapag wala pang teacher ay kung ano-ano muna ang pinagkakaabalahan ng iba.
May kumakain kahit hindi pa break, may nagtitirintas na mga babae sa isang sulok, may nag-aasaran, may nagbabasa ng manga or novels, mas maraming nagdaldalan at mayroon din na natutulog lang like what Gian is doing right now.
Kanina usap-usapan ang bagong hairstyle ni Gian. I feel so proud about that although I didn't tell anyone that it's my own creation.
Most of my boy classmates have a crush on her. While the girls also find her beautiful, some are jealous.
Minsan kasi naririnig kong pinagtsitsimisan nila si Gian.
Kesyo daw maganda pero mukhang suplada o 'di kaya may sariling mundo. Nayayabangan daw sila kuno.
I remember, first day of class, most of them approached her but she's not responsive, she's always missing tuwing breaks and she's surrounded by " talk to me or you're dead" aura.
Hindi ko naman sila masisi kasi miski ako ay 'iyon ang first impression sa kaniya.
Noong nagpakilala nga siya sa harap ay 'Morning, I'm Gian Cafiero.' lang ang pakilala niya kaya namayani ang katahimikan dahil walang makapagsalita.
Nastarstruck sa ganda niya. Hindi ako overacting. Her beauty is really different, enough to make someone speechless.
Kaya nakakaintimidate din minsan tabihan siya.
On the other hand, Vera is busy texting her boyfriend na nasa kabilang section. Kapag nabored na siya ay siguradong hihiwalayan niya din yan.
"Sam, tignan mo to. Tinanong ko kung ano ang dream country niya. Japan daw, tinanong ko kung anong city ang bet niyang bisitahin, sa Seoul daw. Bwiset."
I laughed a little.
"He needs to pay a bit attention on Geography."
I suddenly remembered the special project of me and Gian. Maybe I should start listing some questions. I'll ask her later after class.
Nag-ring na ang bell for lunch break kaya nag-ninja mode na ang mga kaklase ko.
We have one hour break time and another 30 minutes for the afternoon. Our class starts at 7:00 and ends at 3:00.
"Wait, Vera.Yayain ko si Gian, kumain with us." Kapag lunch kasi ay napapansin ko na bigla na lang siyang mawawala and wala din sa canteen.
"Why not? coconut?."
YOU ARE READING
Chasing The Sun
Teen FictionThis is a simple story of two young women who choose to fall in love.