Unang subject namin ay Math, sino ang matuwa unang subject niyo puro numbers agad, habang nag so-solve ako ay kinalabit ako ni Eva, "psst Anastasia crush mo yun diba?" Sabay turo Kay Damien na kakadaan lang sa aming classroom.
Ang pogi talaga niya, ang suwerte talaga ng girlfriend niya, siguro kung mag kasing edad kami magugustuhan kaya ako ni Damien? Maganda naman ako pero di nga lang katalinuhan, kung Baga average lang. At least average kesa walang alam diba?
Naisip ko bakit, di kaya maki pag kaibigan ako kay Damien? Wala namang masama don diba, nag message ako sa kanya.
"Hi good morning po pwede po ba makipag friends?" 10 minutes Wala padeng reply kahit open ito. I decided na mag message uli.
"Edi don't ang sungit mo talaga parang friends lang e" at sa wakas nag reply na ito sa aking message "Kid, please leave me alone" Ay ouch! Sakit non kid talaga? Grabe kana sakin.
Hindi na uli ako nag message dahil, baka mapikon pa 'to sakin at hindi ako replyan nito. Habang palabas na ako sa aking classroom ay patungo naman ako sa library. Nakita ko na kasama ni Damien ang girlfriend niya.
Umiwas ako ng tingin dahil nahihiya at nagseselos ako, ang bata ko pa para mabaliw sa isang lalaki. Pero kasi ang gwapo kasi talaga.
Habang tahimik ako na nagbabasa nagulat ako na may umupo sa aking tabi, si Damien sandaling natahimik ako. "A-ah magbabasa ka din ba? Para sa assignment mo?" Hindi ito kumibo sa akin.
Sungit uupo-upo diyan di naman namamansin. Ang awkward ng katahimikan, binasag ko na "Ahm kuya Damien gusto ko sana maging kaibigan ka okay lang po ba?" tanong ko dito
"Okay." tamad na sagot nito sakin. Malaki ang aking ngiti "Promise po kahit kaibigan 'man lang po okay na ako 'don." masaya ng sagot ko dito.
Nang maka-alis nako sa library ay nakita ko sa malayo sina Eva, Annalise at John. Lumapit ako at bumati. "Nakita kita kasama mo yung Damien ba yun?" tanong ni Eva sa akin.
"Ahh.. oo kasama ko nga kaibigan ko na siya." Sabay na nagtawanan ang dalawa.
"Nako.. Anastasia masasaktan ka lang diyan sa friends na yan. Sinasabi ko sayo, madami pa namang iba diyan, kasing edad natin tsaka bet ka. Hindi yung sa ilang taon ang tanda sayo mag college na yun next year." sermon nito sa akin.
"Hoy grabe ka ilan lang naman tanda non sakin." dipensa ko.
"Alam mo Anastasia kilala kita yang mga moves may iba pang ilelevel yan." Saad naman sa akin ni John.
"Eto kayo talaga napaka nega niyo support niyo nalang ako."
"Hay Ewan ko saying babae ka."
"Huwag kang iiyak iyak samin kapag ikaw nahulog at naloko sa lalaki na yan."
"I promised." naka ngiti kong saad. "O, siya tayo naman ang mag senior next year ang bilis dating 1st year high school palang tayo worth it yung pagod."
Nang maka uwi ako ay dumiretso muna ako sa room ko, pagod na humiga ako sa aking malawak na kama. Naisip ko mag chat kaya ako kay Damien.
Oo tapos tanungin ko kung pupunta ba siyang library bukas, " Hi pupunta ka ba ng library bukas?" At ilang minutes nag reply ito "diko sure pero kung pwede siguro oo." I replied to his message
"Okay antayin kita tomorrow in library."Friday pala bukas sa school namin kahit anong gusto mong suotin kapag Friday, Huwag lang reveling clothes. I noticed na mahilig sa black t-shirt si Damien, kaya naisip ko mag black den ako bukas.
7am ng umaga ng gumising ako para maghanda sa pasok ko. Excited ako dahil naka black ako. Nang okay na ang lahat ng needs ko ay umalis nako upang tumungo sa skwelahan. Napaaga ata ng konti pasok ko diko pa nakikita si Damien.
Sinilip ko na sa department nila siya pero wala pa ang kanyang bag. Mabuti nalang wala pang gaanong studyante, kundi kung anu-ano nanaman ang sasabihin nila. Sorry friends na po kami ni Damien.
Nag antay nalang ako sa malapit at ng ilang minuto ang lumipas ay dumating na ang kotse nito, I noticed na hindi niya kasama ang gf niya. Nag break ba? Hindi naman siguro baka nagkataon lang na hindi sumabay.
I greeted him ng medyo malapit na ito, he said "Morning" walang emosiyon nitong saad. Aga aga napaka sungit naman.I am right mahilig sa black si Damien. Kahit man lang don mukahang naka couple shirt kami.
"Punta ka mamaya library? He said "Im not sure pa" at sabay alis Ano ba yan friends na nga kami parang hindi naman. "O-okay." umalis nalang din ako ang awkward ako lang nag oopen ng topic.
Nang matapos ang dalawang subject ko ay dumiretso na ako sa library, ay nag baka sakali ako na pumunta si Damien. Halos half hour nako dito wala pa rin, aalis na sana ako ng may umupo sa harap ko, bahagyang umangat ang aking tingin. Instead na si Damien ang uupo ang girlfriend niya pala iyon."Hi? Anastasia right? 4th year high school? I am right?" tanong nito sakin.
" Y-yes bakit po may kailangan ka?" Tanong ko dito.
" Oo meron." sagot nito bahagyang hinatak nito ang aking buhok. Walang hiya ka dahil sayo nag hiwalay kami ni Damien.
"Aray!! Ano ba wala naman akong ginagawa? Tsaka kaibigan ko lang yun." Walang nakapansin samin na hawak hawak na ng girlfriend ni Damien ang aking buhok. Akala ko wala pero yung teacher na dumaan nakita niya.
She said " Both of you go to my office!! " Wala naman akong ginawa pero bakit papatawag ako, kita naman ako ang kawawa sa ginawa niya. Wala akong nagawa kundi ang tumungo sa office ng guro.
We both apologize sa nangyari, buth may parusa need namin mag linis sa garden sa kabilang building pinalinis ang girlfriend ni Damien. ako naman ay malapit sa building namin.
Busy ako sa pag wa-walis ng dahong tuyo na nang magsalita ang lalaki " Wala kang klase? " Tanong nito sa akin.
" Meron pero dahil sa gf mo wala." sarcastic na sagot ko dito.
" Bakit?" Tanong nito sakin.
"Nag eskandalo lang naman sa library ang girlfriend mo, at nakita kami ng teacher na nag aaway kuno. Kahit girlfriend mo nauna sinisisi niya ako bakit iniwan mo siya. Sasusunod itali mo nga yung aso mo pakalat kalat, maganda sana kaso tanga."
Mahinang natawa si Damien sa sinabi ko, "Tawa tawa mo diyan umalis ka nga naiinis ako sa inyo, tamad na nga ako mag aral, pinaglilinis pako ngayon, Hay nako."
"I'm sorry sa nagawa niya ako na ang humihingi ng tawad, nasaktan ka ba?" Oy kinikilig ako don concerned yarn.
Sumagot ako. "Hindi naman masakit okay lang""Siguro kaya iniwan mo yun may bago ka no??"
Please, sana wala 'tumawa' lang ito, so meron nanaman bago, di panga ako nakaka pila may bago na agad ano ba yan."Babaero" tanging saad ko. "Ako tuloy sinisi ng ex gf kuno mo.
Tiyak pag iinitan ako non?""Don't worry di mangyayari yun." Dahil sa pag uusap namin na yun mag naging mag close kami as a friend, even friends lang kami para sa kanya ako may feelings paden ako. Hindi ako Yung tipong girl best friend na 'ako nalang kasi Damien' nag aantay lang ako mapansin nito.
2years makalipas..
Senior nako at siya at 2nd year college na. 18 nako sa wakas hindi nako tatawaging bata. Sa dalawang tao makalipas mas naging 'mas close kami, pero mas lalong lumalim ng pag kagusto ko kay Damien.
Sa 2yrs na yon ilang beses ako nasaktan ng patago, dahil sa tuwing nagkakaroon ito ng bagong girlfriend, nakaka lungkot iyon sa totoi lang. hindi naman tanga si Damien para di mahalata na may feelings pa rin ako sa kanya.
Si Cheska ang pinakamatagal nitong naging girlfriend sa 2 yrs makalipas, masasabi kong ito ang pinaka mahal niya siguro dahil, ang tagal ng kanilang relationship noon.
Nawalan nako ng pag asa kay Damien kaya nag try ako na ibaling sa iba ang aking atensiyon. Nag try ako na makipagkilala sa iba sa lahat ng nakilala ko si Xavier ang pinaka gusto ko dahil bukod sa gwapo, mabait ay matalino rin ito, Hindi babaero.
Noon ayoko sana mag entertain, kaso nga lang ayoko habang buhay umasa ako kay Damien, kaya nag try ako kay Xavier. Matiyaga si Xavier sakin dahil ilang buwan na itong nangliligaw sakin.
Simula noong sinagot ko si Xavier ay nagbago ang pakikitungo ni Damien sakin. Hindi ko alam kung bakit nag ka-kaganon siya.
Baddie_ Cutie8
BINABASA MO ANG
For Once Choose Me Please!
RomanceNagkagusto lang naman ako sa lalaking gusto ko. But I never thought of getting married right away, getting married is a very important thing for me. Because one mistake I'm getting married to the person I want. I should be happy because I will marry...