Umaga ng naghahanda na para pumasok sa school si Anastasia. Ng makita niyang kumakain na sa mesa si Damien.
"Morning." Bati sa kanya ng lalaki. Hindi ito pinansin ng babae.
Aba sinusewerte siya! Pag ako bumati dedma lang ako sa kanya.
" I said morning.." pag ulit ng lalaki. " Pano ako sasagot, tanga kaba walang good, yung morning mo! Aga aga sinira mo araw ko." Inis na ani ni Anastasia sa asawa.
" Edi good morning. Galit agad, parang kagabi walang sinabi na ano ah!" Pang aasar ni Damien Kay Anastasia.
" Tumigil ka nga nakakahiya ka!" Nahihiya si Anastasia dahil baka marinig sila ni Mang Eli.
Nag aasaran pa ang dalawa ng dumating na si Manang Eli.
" Aga niyo naman mag talo, parang mga aso, pusa." Natatawang ani ni Manang Eli. Dahil don ay biglang tumahimik ang dalawa.
" Sumabay ka sakin ngayon." Humigop ng kape si Damien at tumayo. " Aantayin kita sa garage bilisan mo."
" Hoy! Akala ko ba bawal? Siguro nagagandahan kana sakin no??" Pang aasar nito sa asawa. " Sa bagay sa ganda kong to sinong di magkaka gusto." Proud na ani ni Anastasia.
Hindi nalang pinansin ni Damien ang sinabi ng asawa.
" Napaka kulit talaga, I guess tuwing umaga ko laging may maingay." Umiling na ani ni Damien.Aminin man na maganda ang asawa. Ang kaso lang mas naunang mahalin ni Damien si Cheska. Kung siguro hindi nakilala ni Damien si Cheska ay baka nahulog na ito sa babae.
Nasa kotse na naghihintay si Damien. Nang lumabas na ng bahay si Anastasia. Ang ganda ng asawa tinitigan niya ito ng hindi napapansin ni Anastasia.
Parang anghel na bumaba sa langit. Ang kaso nga lang napaka kulit at daldal nito. Hindi mo aakalain sa mukha na madaldal ito.
Sa unang impression ng mukha ng babae ay mukhang tahimik at mahinhin. But hindi napaka masayahin nito. Iniisip ni Damien na huwag niya sana masaktan ng sobra si Anastasia.
Dahil unang una si Damien ang may kasalanan. Kung hindi ko sana ito pinapunta at lasing ako non, hindi sila nasa gantong sitwasyon.
Pag ka pasok palang ng kotse ay amoy na amoy agad ni Damien ang mabangong amoy ni Anastasia.
Nagulat si Damien sa lakas ng pag sara ng pinto ng kotse.
"Wtf! Ana! Sisirain mo ba ang pinto??" Tanong nito sa asawa. Biglang nalungkot naman si Anastasia sa tono ng asawa.
"Oh.. iiyak ka sinasabihan lang kita. Di ako galit." Pag pipigil ni Damien sa asawa na parang iiyak na.
Biglang ngumit naman ang asawa. Malakas talaga ang tama nito
Sumumpong nanaman ang mood swings nito. Kanina papaiyak na ngayon ang laki ng ngiti." Don't forget na maaga ka umuwi dahil, mag didinner sa bahay."
Tumango naman si Anastasia. " Yes... Daddy copy that." Inaasar niya ito na daddy. Nahalata agad ni Anastasia na parang naiinis nanaman ang asawa niya sa kanya.
" Tigilan moko sa daddy na yan Ana." Pag sasaway nito kay Ana.
" Sus! Mukha kana kasing daddy. Yung sugar daddy ba.. hahaha" tumatawang ani ni Ana. Napa buntong hininga nalang ang lalaki sa sobrang daldal nito.
" And by the way mag papa schedule ako para sa check up ng baby." Tumango naman si Anastasia sa asawa.
" Sige, pero sa weekends dapat para wala akong pasok."
Ilang minutong biyahe nila ay malapit na sila sa school nila.
" Dito nako, malapit lang naman to lalakarin ko nalang." Pag presinta ni Anastasia.
BINABASA MO ANG
For Once Choose Me Please!
RomanceNagkagusto lang naman ako sa lalaking gusto ko. But I never thought of getting married right away, getting married is a very important thing for me. Because one mistake I'm getting married to the person I want. I should be happy because I will marry...