Chapter 25 - Treasure

21.6K 733 83
                                    

Bago niyo basahin ang chapter na 'to, gusto ko munang tingnan niyo ang multimedia picture for Lyrron. *insert mura here!* Ang gwapo niyaaaaa! Natatakot ako para sa relasyon namin ni Daniel Henney...baka maghiwalay kami dahil sakanya. Pero kailangan kong tatagan ang aking puso dahil hindi ako puwedeng magmahal ng dalawa. Napaka-possessive pa naman nun baka bigla na lang mawala sa mundo si Dennis Oh. Walang kokontra sa A.N na 'to kundi walang update hanggang sa magkaroon ng forever! Hahaha

Pero teka, baka naguguluhan na kayo sa mga boyfriends ko. Si Luhan ang first boyfriend ko, i broke with him kasi pinaubaya ko siya kay Ingrid. Tapos niligawan ako ni Kim Soo Hyun, pero hindi nag-work out kasi allien siya.

PS: Hindi ako gutom. Kakainom ko lang ng Milk Tea kanina, eh. Oh siya, read na kayo...and vote na rin.

PSS: Sinusumpa ko ang mga silent reader na magkapalit ang mukha at puwet kapag hindi sila nagcomment. Bibidibobidibooooo! *ching*

Chapter 25 – Treasure

“Congratulations! I knew you can do it.” –Lyrron

Napangiti ako sa card na nabasa ko na nakaipit sa isang red bouquet of roses. I guess I really did deserve this. After all, ako lang naman ang dahilan kung bakit tumaas ang sales ng company 90% compared to the previous sales namin.

But all these won’t be possible without the help of Lyrron. He’s the one who encouraged me. He’s the one who lift me when I’m down. Si Lyrron na kaaway ko noon ay parang naging secret friend ko na rin. Who would have thought na ang least person na ine-expect ko na tutulung sa akin ay ang taong naging dahilan para kalimutan ko ang lahat ang move forward.

Natigil ako sa pag-iisip nang pumasok si daddy sa office. Sobrang luwang ng ngiti niya. Of course he’s happy. Alam kong proud siya sa akin.

“How’s my daughter?” he asked habang naglalakad dala ang kanyang infamous gold fan.

“I’m perfect,” I said.

“It figures. And I’m very proud of you, princess.” He opened his fan at ipinaypay sa sarili kahit aircon naman ang office ko. Haay naku talaga ‘to si daddy.

“Bakit nga po pala kayo naparito, dad? May bago ba tayong project?” nakangiti kong sabi. Napatawa naman si daddy.

“Actually, no. It’s not a project but this event shouldn’t be miss for the world..” Naupo siya sa visitor’s seat at pinag-cross ang paa.

“What it is?” I queried. Tumayo ako at lumapit sakanya.

“Our annual auction for a cause.”

“Kailan na ba ‘yan?”

“Sa next month pa. We still have time to prepare.”

Napatango lang ako kay daddy. Dati kasi hindi naman ako nagpa-participate sa auction for a cause na ‘yon. And this will be my first time to attend.

NAGLALAKAD ako sa hallway papunta sa sales and marketing department nang makasalubong ko ang secretary ni Lyrron. Hindi ‘to magkanda uga-ga sa mga dala niyang files at parang nagmamadali pa.

“Where’s your boss?” I asked. Did I helped her? Of course not!

“Nasa office po,” sagot niya.

“Is he busy?”

“Medyo lang po.” Nakayuko niya pang sagot.

Napakunot noo naman ako. Bakit siya busy? Tapos na ang mga deadlines, ah.

Cold Fangs [Fangs Series # 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon