Chapter 39 - Bullet Proof
Cassey's POV
LYRRON and I made a plan. Sasabihin kong hindi ako kinidnap ni Ivo at kinupkup ako ng isang pamilya na nagligtas sa akin nang maaksidente ako. Na kaya ako nawala ng matagal kasi nagkaroon ako ng amnesia at recently lang siya bumalik. He said kailangan malinis ang pangalan ni Ivo.
Nakasakay kami ngayon sa eroplano at 45 minutes ang biyahe namin pabalik ng Manila. Sa totoo lang kinakabahan ako, eh. Sana lang gumana ang plano namin.
Pagbaba namin sa airport ay sinalubong kami ng mga reporters. Sinadya talaga ni Lyrron na magpatawag ng reporters para malaman ng lahat na buhay ako. Sabi niya hindi ko kailangan mag-salita. Ang importante makita ako sa national TV.
Sumakay kami sa kotse na may mga naka convoy na body guards. Sa hospital kami dederetso. Gustong-gusto ko nang makita ang Daddy. Kung kailangan dalhin ko siya sa America para magamot gagawin ko.
Hinawakan ni Lyrron ang kamay ko bago kami bumaba ng kotse. Tinatagan ko sarili ko. Blangko lang ang mukha ko. The usual bitch rest face.
"We're here," sabi ni Lyrron nang makaharap kami sa isang private room.
Binuksan ko ang pinto at agad kong nakita ang Daddy. Ang daming nakakabit sa katawan niya. Kusang tumulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ako makapaniwala na mangyayari 'to sakanya. This is entirely my fault. Walang ibang dapat sisihin kundi ako. I was selfish.
Pinunsan ko ang luha ko saka ko niyakap ang kamay niya. Parang binibiyak ang puso ko. Malakas pa ang daddy ko, eh. Healthy living siya lagi kaya imposible na atakehin siya sa puso.
"Daddy, I'm here. Can you here me? Nagbalik na ako." Umiiyak kong sambit. I want to be strong for him pero hindi ko mapigilang maging emotional. Kung may mangyaring hindi maganda sa Daddy ko hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko.
Naramdamam kong may kamay na pumatong sa balikat ko. It was Lyrron. He didn't say anything but I know he was sympathizing me.
I also talked to the doctor. He suggested na sa America magpagaling si Daddy. Hindi raw kasi siya madala roon ng mga kamag-anak namin dahil nga sa nawawala ako.
Lyrron helped me with everything. Siya ang nag-asikaso ng papers namin papuntang America. Dadalhin ko siya sa pinaka-magaling na doctor. I will risk everything. Kung mauubos nito ang kayamanan namin then be it, basta mabuhay lang siya.
Isang linggo na rin pero hindi pa rin ako nakikipagkita kay Sandy. Hindi ko siya kayang harapin lalo na't nagbigay na ako ng statement sa mga pulis at sinabi kong si Seth Medina ang pinagbibintangan ko. Wala pang concrete evidence kaya hindi pa siya mahuli.
I was in my office. Next week pa kami makakalis ni Daddy. Isasama ko si Leni. Bukod kay Lyrron ay si Leni rin pala ang gumagawa ng trabaho ko. Gusto sana akong samahan ni Lyrron pero siya ang gusto kong mamahala muna sa kumpanya. I trust him more than my relatives.
Nagpatawag din ako ng board meeting at binigay ko ang lahat ng rights kay Lyrron. Some are against it lalo na 'yong mga Uncles ko. But I know Lyrron can do better than them.
"Sasabay ka ba sa akin?" tanong ni Lyrron habang inaayos ko ang papeles sa office.
"Mauna ka na. tatapusin ko lang 'to," nakangiti kong sabi sakanya.
"Hihintayin na lang kita," he said then umupo sa harap ng table ko.
"Ly, may mga bodyguards ako. Masyado na kitang naabala kaya umuwi ka na. Have some rest," seryoso kong sabi sakanya.
BINABASA MO ANG
Cold Fangs [Fangs Series # 2]
Vampire[Fangs Series #2] You knew he was dangerous. You knew he wasn't ordinary. You knew his sharp fangs. He's pushing you but you're a hard-headed bitch who won't take no for an answer. You want him despite his perilous self. You lose. You might be the p...