Chapter 28 — True friend
Pabalik na kami ni Lyrron sa bahay after he confess his feelings for me. Pakiramdam ko ang haba ng buhok ko.
"Good night, Cassey." Nakangiting sabi sa akin ni Lyrron nang makapasok akong kwarto ko. Nasa labas lang siya ng pintuan at hindi natatanggal ang mga ngiti sa labi niya.
"Good night, Lyrron." Kinakagat ko ang laman sa loob ng bibig ko dahil na rin sa hindi ko kayang itago ang ngiti ko. Sa totoo lang kasi, kinikilig ako. Ewan ko ba. Para akong teenager dito.
"U-uhh, sige. Magpahinga ka na," napakamot siya sa batok niya at parang nahihiya. Ang cute niyang tingnan. Sinara niya ang pintuan at naupo naman ako sa kama.
A blinking light caught my attention. 'Yung phone ko. Agad ko naman itong kinuha.
Mga message galing kay Sandy at 'yung iba kay Leni.
I was reading Leni's message nang biglang mag-ring ulit ang phone ko. Si Sandy tumatawag.
"Hello, Sandy." Nakangiti kong sabi. I was expecting na titili siya as soon as she heard my Hello pero narinig ko lang siyang tumikhim sa kabilang linya.
"Cassey..." she said very low. Parang ang tamlay ng boses niya at hindi ako sanay.
"Sandy, may problema ba?" agad kong tanong. I may be bitch pero sensitive akong tao. Alam ko kung nasa mood ang kaibigan ko o wala.
"C-Cassey, nasa hospital ang kuya ko. He's in critical condition at hindi ko alam ang gagawin ko. I can't contact my dad and..." she stops and started sobbing.
'Yung sayang nararamdaman ko kanina ay biglang napalitan ng lungkot. May problema ang kaibigan ko at wala ako sa tabi niya. Nagsasaya ako dito samantalang depress ang kaibigan ko.
"Shhh, tama na. Pupuntahan kita." Sabi ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sakanya para maging okay siya. Hindi naman kasi ako sanay na nagkakaganito siya. At kahit kailan, hindi ko naisip na pinanganak ako para magsabi ng mga comforting words. Sanay ako sa pagbi-bitch ko at gano'n din si Sandy.
"S-saan ka ba?" she said.
"N-nasa Bicol kasi ako. Pero pupuntahan kita diyan. Magpapa book ako ng flight." Sabi ko.
"You will do that?" parang bata niyang sabi. Bahagya akong napangiti sakanya kahit hindi niya nakikita.
"Of course!"
"Pero gabi na. Okay lang kung bukas ka na lang bumalik."
"But you need me. Be strong, okay? I need to hang up. Magpapaalam pa ako kay Lyrron." Sabi ko.
"You're with Lyrron?" she seems surprised. Hindi ko man lang kasi nasabi kay Sandy na pupunta akong Bicol with Lyrron kasi nga unplanned 'to.
"Yeah. Medyo long story pero hindi na importante 'yon."
"Alright, I'll wait for you."
"Bye."
Agad akong lumabas ng kwarto when I ended my call with Sandy. Pumunta ako sa kwarto ni Lyrron adjacent to my room.
Napaiwas lang ako nang tingin nang tumambad sa akin ang topless na Lyrron. Naka-tapis lang siya ng ng navy blue towel at medyo wet pa ang hair.
"Yes, Cassey?" kahit hindi ako nakatingin sakanya ramdam ko ang ngisi sa boses niya.
"A-ah, ano." Nakagat ko muna ang pang-ibabang labi ko bago ako naglakas loob na salubungin ang mga titig niya. Okay, Cassey. Kaya mo 'to. It's just Lyrron.
BINABASA MO ANG
Cold Fangs [Fangs Series # 2]
Vampiro[Fangs Series #2] You knew he was dangerous. You knew he wasn't ordinary. You knew his sharp fangs. He's pushing you but you're a hard-headed bitch who won't take no for an answer. You want him despite his perilous self. You lose. You might be the p...