Chapter 27 – My love will be worth it
“Cassey…”
“Hmmm,”
“Gising na…”
“Inaantok pa ako…” tinakpan ko ng unan ang mukha ko sa pang-iistorbong ginawa ni Lyrron. Napuyat ako kagabi dahil sa mga kung ano-anung laro ang ginawa namin.
“May pupuntahan tayo… gusto mo bang mapag-isa dito?” he said dahilan para mapabalikwas ako.
“I don’t want to be alone in this huge… old house of yours.” Bumangon na ako saka kinapa ng paa ko ang slippers ko. Agad akong dumeretso sa tukador na may malaking salamin and guess what… luma din ‘to. Huwag lang sanang may magpakita sa salamin na ‘to at baka mabaliw na ako.
Napatingin ako sakanya sa may salamin at nakatitig lang siya sa akin ng mataman. Problema niya? Ginigising niya ako tapos ngayon tulala siya diyan?
“Quit staring!” pagsu-suplada ko. Agad naman siyang napaiba ng tingin saka tumikhim.
“I-I’ll wait for you in the living room,” he said tapos tumalikod siya. Pero bago siya makalabas ay nilingon niya ako saka ngumiti. “Wear something… rugged.” He said saka tuluyang lumabas.
Napakunot noo naman. Rugged? Saan naman kaya kami pupunta?
NOW I understand why he wants me to wear a rugged. Pasalamat na lang ako at nagdala ako ng jeans and blouse just in case.
Nandito kami sa isang malawak na rice fields. Dumaan kami sa likod ng bahay nila. May malaking gate doon at dinaanan muna namin ang kakahuyan na puro mangga at coconut tree. Ilang metro lang ay ang sakahan na at may mga nagta-trabaho doon.
May mga nipa hut naman na nakatayo na tambayan daw ng mga trabahador kapag nagpapahinga. Sinuot ko ang sunglass ko dahil sa sobrang silaw ng sinag ng araw.
“Parang mini hacienda, ano?” I said nang maupo kami sa bakanteng Nipa Hut. May dalang basket si Lyrron na may laman na breakfast daw namin. Inihanda niya sa mesa na yari sa kawayan ang pritong tinapa, scrambled egg, kamatis na may sibuyas, friend rice at maliit na termos na may lamang hot choco.
Para naman akong natakam sa mga nakita ko kaya tinulungan ko na siyang maghanda.
“Hindi ako nagdala ng kutsara at tinidor. Okay lang ba sa’yo kung magkakamay tayo?” he said.
“Oo naman!” kinuha ko ‘yung plato saka nagsalin ng pagkain dito.
Ang sarap talaga kapag nasa probinsya ka. Hindi processed food ang hinahanda kapag breakfast. Tapos hindi mo iisipin kung madami kang nakain kasi healthy naman ang mga kinain mo.
“Ang dami nitong pagkain. ‘Buti at kasama kitang kumain. Alam mo kasi si Ivo noon hindi naman ako sinasaluhan sa pagkain. Tsaka…”
Natigilan ako sa pagsasalita. Nawalan ng preno ang bibig ko at bigla ko pa siyang naalala. Gusto kong iumpog ang ulo ko sa puno ng mangga. Bakit ko ba siya naalala? Hindi ko na siya naiisip, eh.
“I’m sorry,” I said to him habang nakagat ang pang-ibabang labi.
Sa totoo lang, tanggap ko na na hindi kami para sa isa’t-isa ni Ivo. Tama na ‘yung ilang buwan na pag-iyak sakanya. I’m moving on… and I’m almost there.
Ngumiti naman sa akin si Lyrron at parang sinasabi na okay lang.
“You don’t have to apologize. He’s your ex kaya maalala at maalala mo pa rin siya kahit anong mangyari.” He said beaming.
BINABASA MO ANG
Cold Fangs [Fangs Series # 2]
Vampire[Fangs Series #2] You knew he was dangerous. You knew he wasn't ordinary. You knew his sharp fangs. He's pushing you but you're a hard-headed bitch who won't take no for an answer. You want him despite his perilous self. You lose. You might be the p...