All Rights Reserved ©20151:47 AM
Friday
Mother: Saan ka galing? You been with your friends? (Sa malunanay na tinig)
Anak: (bumuntong hininga, at tahimik na naupo sa sofa katapat ng kanyang ina)
Mother: Bakit ba lage na lang tayong ganito? Hindi ka ba napapagod? (sa malumanay at garalgal nito na tinig)
Anak: Mukha ba akong masaya? Pagod narin naman na ako sa pakikialam mo!? Bakit? Pinapakilaman ba kita? (Anito sa galit ngunit mahinang boses)
Mother: Im sorry. Wala akong ibang gusto anak kundi ang mapabuti ka, patawad kung nagkulang ako noon, sana naman bigyan mo ako ng pagkakataon!? Hindi mo rin maaalis sakin ang mag-alala! (Ani ng inang naka yuko at humihikbi)
Anak: Wag mong gugulin sakin ang oras mo, bumalik ka n lang sa Canada at ng maaliw ka hindi yung puro na lang ako ang nakikita mo! At kahit kelan naman hindi mo mapupunan yung napakahabang panahon na yun!? (Bulyaw ng anak)
Mother: ( napatingin ang luhaang mga mata sa anak) Oo anak, kasalanan ko nga siguro lahat, sobraang mahal na mahal kita kya natakot akong baka hindi kita mabigyan ng magandang buhay, Hindi ko muna inisip kung gusto mo rin ba kaya yun o baka mas gusto mo yung simple bastat mgkasama tayo. Patawrin mo ako anak, nabulagan ako ng pagmamahal ko sayo! (Ika ng inang di mapigil ang pagyugyog ng mga balikat sa pag-iyak) ipinagdarasal ko lage nak na wag mo sanang maranasan ang sobrang hirap at klungkutan na dinanas ko noon! (Humihikbi paring turan nito at biglang natigilan. bahagya pa itong napangiti ng mag-angat ng mukha) cge nak magpahinga ka na, matulog ka na ha? (Malambing nitong turan sabay tayo at pumanhik na sa kwarto)
Daughter's POV:
Ang lungkot, ang lungkot ng buhay ko! Sawang sawa na ako mamuhay sa galit at lungkot, kanina gustong gusto ko siyang yakapin at
Sabihing tahan na mom, tapos na tayo sa chapter na yun, wag na tayong mamuhay sa nakalipas pero sadyang naduwag ako, habang nakatitig ako sa pagyugyog ng mga balikat ni mommy nararandaman ko ang kirot sa puso ko! Gusto ko nang lumaya mula sa galit na ito, mas gusto ko ng sumaya ng totoo, gusto kong matulog gabi-gabi sa tabi nya. gusto kong makita ulit yung mga ngiti nya sakin na para bang ako na ang pinaka-magandang bagay na nasilayan niya sa bawat umaga. Nag bago ang lahat sa amin ni Mommy nung iwanan kami ni Daddy.
Miss na miss na kita mommy. Huhuhu. Patawarin mo ako sa lahat ng mga nasabi at nagawa kong mali.
Nakatulog ng mahimbing si Lyra pagkatapos niyang magpasya.
Bukas magbabago ang lahat sa kanila ng mommy niya.
Kinaumagahan
Isang nakakatulilig na palahaw ang umalingawngaw sa loob ng kanilang tahanan.
-------------------xDjenx
A/N: I just wanna tackle "depression" hindi po kasi biro ang pinagdadaanan ng taong may ganyan. Kelangan nila ang sobrang pang unawa at pagmamahal.)
Trivia:
Alam niyo ba na hindi tunay na anak si Lyra ng mommy niya? Anak siya ng daddy niya sa una nitong kinasama!
BINABASA MO ANG
Very Short Stories/Riddles Collection
Short Storycollection of short stories in all category; drama, romance, horror, suspense, thriller, adventure , fantasy and Love❤. (some are maybe my own original stories but I'll surely get from other sources.) To God be the Glory