All Rights Reserved ©2015
Dingdong
"Ang bilis naman?" bulong ko sa aking sarili.
Nilapag ko ang hawak na fashion mag at agad tumayo para pagbuksan ang taong nasa labas ng aking apartment.
"Mag doorbell ba? Stranger, ganun?" Pabiro kong bungad kay Suzie, ang bestfriend ko for 5 years. Ngayon na lang ulit ito bumisita gawa ng trabaho nito.
Ngumiti lang ito at agad pumasok.
"Ang bilis mo bhez ah, kumain ka na ba?"
Tumango ito at nag wika
"Lumipad ako!" Ganting biro niya sakin. "Yup! kumain na ko!"
"So akyat na tayo?" Excited kong aya sa kanya.
Tumango ito at nauna ng umakyat ng hagdanan papunta sa kwarto.
Pinatay ko muna ang TV at mga ilaw sa kusina at sala bago sumunod dito sa taas.
Ngunit bago pa man kami makapag kwentuhan, biglang tumunog ang telepono sa baba.
"Ano ba yan!?" Bulalas ko
"Saglit lang bhez, sagutin ko lang!"
Pero agad siyang nagsalita para pigilin ako
"Babalik ka diba? Promise me?"
Malungkot ang mga mata nito. Weird man pero hindi ko na lang pinansin.
"Parang sasagot lang ng telepono eh!? Haha! promise bhez babalik ako! ma mimiss moko agad noh?" Natatawa kong biro sa kanya
At agad na akong tumalima sa baba para sagutin ang tawag.
"Hello?"
"H-Hello Jane?"
Boses ni Tita Mariza
"Tita Marz? Andi----"
"Jane! Huhuhu! Si Suzie...patay na!" Hinagpis nito.
"Po? Pero tita----"
"Naaksidente yung sinasakyan niya papunta dyan Jane! Huhuhu! Ang kawawa kong anak!!!"
Hindi ko na narinig ang iba pang sinabi ni Tita Mariza.
Agad gumapang ang kilabot sa akin nang..
Umalingaw-ngaw ng paulit-ulit sa isip ko ang mga huling sinabi ni Suzie..
Babalik ka diba? Promise me?
Babalik ka diba? Promise me?
Babalik ka diba?
--------------------xDjenx
(A/N: Kung ikaw si Janessa, babalik ka ba?)
BINABASA MO ANG
Very Short Stories/Riddles Collection
Cerita Pendekcollection of short stories in all category; drama, romance, horror, suspense, thriller, adventure , fantasy and Love❤. (some are maybe my own original stories but I'll surely get from other sources.) To God be the Glory