All Rights Reserved©2015"Good night sweethearts! Magsitulog na ha?" Halos pabulong na sabi ni mommy sa amin. Habang nakatayo sa may pintuan ng aming kwarto.
Pagkatapos ay agad niyang pinindot ang switch ng ilaw at lumabas na ng kuwarto, agad kumalat ang dilim sa loob ng silid.
Maya-maya pa ay sumitsit ang walong taong gulang na kakambal kong si Alexa mula sa sariling kama nito.
Pssst!
"Alyana? May ikukuwento ako?"
"Oh?"
Bumangon ito at na upo sa kama paharap sakin. Naaaninag ko siya gawa ng ilaw na nagmumula sa labas ng aming bintana.
".....sabay biglang...may nakita siyang babaeng naka lutang! Woaaaah!" Pagtatapos niya sa kwento habang naka angat ang mga kamay paharap na parang isang zombie.
Halos lumuwa ang mga mata ko nang biglang..
biglang..
May mamuong malaking anino sa kanyang likuran..
kasabay ng paglutangan ng kanyang mga buhok.
BINABASA MO ANG
Very Short Stories/Riddles Collection
Short Storycollection of short stories in all category; drama, romance, horror, suspense, thriller, adventure , fantasy and Love❤. (some are maybe my own original stories but I'll surely get from other sources.) To God be the Glory