All Rights Reserved ©2015Written from the Third Person's POV.
Nagising si Toni sa malakas na sigaw ng kanyang ina.
"Hoy Antonette Dimagiba! Gising!"
Pupungas pungas siyang napabalikwas ng bangon.
"Ano ba naman yan nay, bakit naman ganyan kayo?" Yamot na turan niya rito at padahas na kinamot ang mala pugad ng ibon niyang buhok.
"Anong bakit ganito ako? Hoy Antonette! Bumangon ka na jan at baka malate ka pa sa unang araw ng trabaho mo!" Sermon naman nito sa kanya.
Napatingin si Toni sa orasan at pumalatak ng makitang Alas Cuatro pa lang ng madaling araw.
"Nay naman oh, ang aga-aga pa eh!---" Napapakamot niyang turan.
"Oh, eh ano? Maliligo ka pa, magbibihis, magpapaganda, kakain tapos bi-biyahe! Dapat unang araw sa trabaho ay magpa impress ka na, unahan mo na pati yung guwardya don!" Natatawang biro naman ng kanyang inay, habang umuupo sa gilid ng kama niya.
"Alam ko po, pero kelangan ko din naman ng tamang tulog at pahinga, eh ang aga pa po oh, wala pa ko sa 8hrs na tamang tulog!" Nakalabi niyang tugon sa butihing ina.
Marahang hinawi nito ang buhok na bahagyang tumabing sa kanyang kanang mukha.
"Anak, pasensya ka na, na eexcite lang ako para sayo! Simula na ito ng katuparan ng lahat ng pangarap mo!" Malambing at nakangiting wika nito. Ramdam ni Toni na mas excited pa ito kaysa sa kanya.
Isang matamis na ngiti ang sumungaw sa mga labi ni Toni. Gustong gusto niya talaga pag ganito na ang tono at punto ng kanyang ina. Mas na iinspire kasi siyang mapabuti kapag nakikita niyang natutuwa ang kanyang ina sa maliliit o malalaking bagay na naabot niya sa buhay.
Hinawakan niya ang mga kamay nito tsaka marahang pinisil.
"Inay, salamat po sa lahat ng supporta niyo all the way. Pangako, ako naman ngayon!" Sabay halik niya sa kulubot na pisnge ng kanyang inay.
Gumanti ito ng ngiti habang marahang tumatango ng pagsang-ayon sa mga sinabi niya.
Tuluyan na rin siyang bumangon at naghandang maligo. Tama ang kanyang inay, dapat unang araw pa lang eh yakapin niya na agad ang pambihirang pagkakataon na makapagtrabaho sa higanteng kompanya na iyon.
Mag bubukang-liwayway pa lang eh nasa biyahe na si Toni, kabadong kabado man pilit siyang nagpakahinahon. At gawa ng wala pa gaanong traffic ay nakarating na siya sa opisina before calltime.
Masigla niyang binabati ang pa konti konting mga tao na nasasalubong niya. Mula sa locker ay dumeretso agad siya sa kanilang opisina at masinop na inayos ang kanyang mga gamit sa kaniyang lamesa.
Maya-maya pa ay nagdatingan na ang kanyang mga katrabaho. Nagpakilala siya ng pormal sa bawat isa at naging mainit naman ang pagtanggap ng mga ito.
"Uy swerte ng unang araw mo dito ah!" Mahinang usal ni Elliana sa kanya, habang nasa harap parin ng computer nito. Katabi niya lang ito ng mesa.
"Ha?" Naguguluhan niyang tanong dito.
"Kasi ngayon pormal na ipapakilala yung gwapong tagapag mana ng boss natin! Lilibot daw yata sa bawat departamento para pormal na maipakilala sa lahat ng empleyado!"
Bahagyang napatigil ito at luminga pa sa paligid bago nagpatuloy..
"At mamayang gabi daw, may welcome party para sa kaniya, dyan lang sa grand ballroom gaganapin. Invited lahat ng empleyado, pati mga tenants ng gusaling ito na pagmamay-ari din ng pamilya Monteclaro!" Mahabang kwento nito.
BINABASA MO ANG
Very Short Stories/Riddles Collection
Short Storycollection of short stories in all category; drama, romance, horror, suspense, thriller, adventure , fantasy and Love❤. (some are maybe my own original stories but I'll surely get from other sources.) To God be the Glory