All Rights Reserved © 2015
"Maaaaaaaaa! Ang sakit ng ngipin ko!!!!!!" Palahaw ng walong taong gulang na si Onyok.
"Anak! Ang sabi ko naman kasi kayo ay wag ka na masyadong magkakain ng kendi at junkfoods eh, ayan tuloy! Ang payat mo na nga, halos bulok pa lahat ng ngipin mo?" Malambing na sermon ng ina nito na si aleng Melanie.
"Mamaaaa! Huhuhu! Wala na akong gana kumain po! Ang sakit talaga eh!" Palahaw pa ni Onyok habang mariing nakapikit ang mga mata at walang patid ang daloy ng mga luha mula rito.
"Anak, hindi ka na naman maghahapunan? Ang sarap pa naman ng ulam natin oh, ginisang sari-saring gulay na sinahugan ng sariwang karne ng baboy." Malungkot na saad ng kanyang butihing ina.
Malakas na umiling-iling si Onyok at patuloy sa pagpalahaw.
"Huhuhuhuhu!"
"Oh siya sige, inumin mo na lang yang gatas mo at matulog ka na! Wag mong kalimutan mag toothbrush ha?" Awang-awa si aleng Melanie sa anak na si Onyok.
Mabilis na tumalima si Onyok at agad na umakyat ng kanyang kwarto. Ngunit pagkalapat ng pintuan sa kanyang silid ay agad siyang tumakbo sa kanyang kama at may dinukot mula sa ilalim ng kanyang kutson.
"Yes!" Mahinang usal nito habang namimilog ang mga matang nakatitig sa hawak nitong isang supot ng lollipop. "Mas gusto kong maghapunan nito kaysa sa gulay ni mama, hindi masarap! Buti na lang may tira pa sa binigay ni ninong!"
Masaya niyang binuksan ito at nilantakan.
Ng maubos ang isang piraso nito ay nagbukas pa siya ng isa pa..
ng isa pa..
ng isa pa..
at ng isa pa.
Hanggang sa makatulogan niya ang isang stick ng lollipop sa kanyang bibig.
Nang bigla siyang magising na sumasakit ang mga ngipin..
"Ahhhhh! Ang sakit ng mga ngipin ko! Huhuhu!" Sigaw niya. "Mamaaaaaa? Huhuhu! Mamaaaa!" Patuloy sa pagpalahaw si Onyok.
biglang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto at iniluwa nito ang isang malaking..
Taong lollipop!
Taong lollipop?
At kinausap pa nito si Onyok.
"Bakit Anak?" Anito ng makalapit
"Ahhhhhhh!" Tili ang tanging naisagot ni Onyok.
"Tahan na anak, halika! kumain ka pa ng maraming kendi at tsokolate para mawala yang sakit ng mga ngipin mo!" Sabay ngumiti ng pagkatamis-tamis ang taong lollipop.
"Hindi, ayaw ko! Hindi ka totoo! At lalong hindi ikaw si Mama!" Palahaw ni Onyok sabay takbo niya sa loob ng kanyang banyo. Kinuha niya ang sariling toothbrush at dali-dali niya itong nilagyan ng toothpaste, pero laking gulat niya ng bago niya pa ito magamit ay naging lollipop ang hawak niyang toothbrush at naging tsokolate naman ang toothpaste na inilagay niya dito.
"Ahhhhhhhh!" Tili ulit ni Onyok ang bumasag sa katahimikan ng kanyang silid. Nabitawan niya ang lollipop at tumakbo siya palabas ng kanilang bahay. Pero laking gulat niya ulit nang biglang naging isang malaking taong chocolate bar ang kanilang pintuan. At muli ay kinausap siya.
"Saan ka pupunta anak? Hindi ka pa tapos sa mga kendi at tsokolate mo, magugutom ka niyan!" Turan nito sa boses ng kanyang papa.
"Hindiiiiiiiiiii!" Nakakatulig ulit na sigaw ni Onyok. Dali siyang tumakbo palabas ng gate at walang poknat na tumakbo palayo, pero hindi pa man din siya nakakalayo ay bigla na siyang kinapos ng hininga. Madali siyang hiningal dahil wala siyang sapat na resistensiya at hindi siya malusog na bata. Habol niya ang hininga habang pasalampak na napa-upo sa gitna ng kalsada. Ramdam niya pa rin ang pagkirot ng mga ngipin niya at ang kakapusan sa paghinga.
"Tulong! Tulongan niyo po ako!" Palinga-linga siya sa paligid, ngunit kataka-taka na walang ni isang dumadaan. At tanging kadiliman lang ang kanyang nakikita.
"Ang sakit sakit ng mga ngipin ko! Huhuhu! Mamaaaaa!" Pumalahaw ng iyak si Onyok sa gitna ng kalye.
Papalahaw pa sana ulit siya ng biglang matigilan.
"Mama!---"
Nagtataka siya kung bakit ganun, na para siyang bungal kung magsalita. Nanginginig ang mga kamay ng kawawang si Onyok habang inaangat ang mga ito papunta sa kanyang bibig. Laking gulat niya ng biglang..
Wala siyang makapang mga ngipin.
Nanlalaki ang mga mata ni Onyok ng mapagtanto na wala na siyang mga ngipin.
"Hindi! HIIINDIIIIIIIIIIIII!"
Tagaktak ang pawis ni Onyok ng bigla siyang magmulat ng mata at mapabalikwas sa pagkakahiga.
Agad niyang nasapo ang kanyang pisnge at pinakirandamang mabuti ang sarili. Nakahinga siya ng maluwag ng mapagtanto na buo at kompleto pa ang mga ngipin niya at panaginip lang pala ang lahat ng yun.
"Onyok, anak? Halika na, kakain na!"
Tawag ng kanyang mama, mula sa kusina.
"Opo ma!" Masigla siyang bumangon, nagmumog at naghilamos bago lumabas ng kwarto.
Ng makita ang kanyang ina ay agad niya itong niyakap ng mahigpit, nagtataka man ang kanyang ina ay gumanti din ito ng mahigpit na yakap sa anak.
"Uhm! Ang bango naman po ng ulam natin ma?" Wika ni Onyok sa masayang boses habang nakatanghod sa hapag-kainan. Sabay subo si Onyok ng isang kutsarang kanin na may kasamang ginisang ampalaya na may itlog.
"Ang sarap pala ng luto mo ma eh! Simula ngayon lage na akong kakain ng gulay lalo na ng luto mo ma!" Nakangiti niyang wika sa Ina.
Natigilan si aleng Melanie sa tinuran ng anak, halatang nagulat sa tinuran ni Onyok pero agad din namang itong nakabawi. Masaya itong dumulog kay Onyok sa pagkain.
"Heto pa anak, kumain ka ng mabuti para makabawi ang katawan mo!" At sinandokan pa ng kanin ang plato ni Onyok.
All Rights Reserved ©2015
BINABASA MO ANG
Very Short Stories/Riddles Collection
Short Storycollection of short stories in all category; drama, romance, horror, suspense, thriller, adventure , fantasy and Love❤. (some are maybe my own original stories but I'll surely get from other sources.) To God be the Glory